“SAAN ka ba galing?” tanong ng kapatid paglapit niya rito. Itinuro ni Alpha ang daan kung saan siya nagpunta. Ladies room, ang sagot niya sa Diko Melvin niya. “Bakit ang tagal mo naman yata?” Tiningala niya ang kapatid at bahagya itong napakunot nang makitang namumula ang kanyang mga mata. “Napaano ka? Bakit ganyan ang mga mata mo? May bumastos ba sa’yo sa CR?” pagalit na tanong nitong tila handing manakit ng tao. Hinawakan niya ito sa braso at saka ipinaliwanag ang lahat dito. SAGLIT na natahimik ang lahat nang sa gitna ng kasiyahan ay magsalita si Mr. Salviejo. Nagbigay ito ng mensahe sa maybahay nitong si Mrs. Cecil Salviejo at matapos ay nagpasalamat naman ito sa mga bisita. Tumahip ang dibdib niya nang marinig ang ikalawang bahagi ng pagsasalita ng matanda. “Sa pagkakataon pong

