NABIGLA si Patrick nang magsalita si Melvin Alvarez sa gitna ng maraming tao. Ilang saglit siyang tila natulos sa kinatatayuan dahil sa takot na ano mang sandali ay manganib ang buhay nito at ni Alpha. Pero sa tingin niya ay hindi naman magagawa ng matanda ang manakit dahil na rin sa dami ng mga bisitang makakasaksi rito kaya naman nagkalakas na rin siya ng loob na ayunan ang kasinungalingang iyon. Kasinungalingan sapagkat batid niyang gawa-gawa lang iyon ni Alpha para iantala ang nakatakdang engagement niya kay Anne. Kung tutuusin ay pabor na rin iyon sa kanya dahil nangangahulugan iyon ng mas matagal-tagal na panahon pa ng pag-iisip. Mahal niya si Alpha. Natitiyak niya iyon pero hindi niya ito papayagang mapahamak nang dahil sa kanya. Wala itong ideya kung gaano kapanganib ang sinuong n

