“KUNG gayon ay siya nga pala si Mr. Valmadrid. Sinasabi ko na nga ba at hindi lamang basta magkahawig ang dalawa kung hindi iisang taong talaga. At kung siya nga iyon, good luck na lang sa’yo, bunso. Masama ang ugali ng taong iyon.” Napatingin si Alpha sa kapatid at napayuko matapos nitong ibalik ang uri ng tinging ibinigay niya rito. “Kuya, tama na...” “Tama na nga at tumigil ka na rin sa kangangawa mo riyan.” Muli siyang napahikbi. Paano ba siyang titigil kung ganitong tila hindi siya makahinga dala ng kalungkutan at sama ng loob? “Hindi ako makapapayag na basta na lamang ganyanin ng walang modong lalaking iyan ang aking dalaga.” Napatingin siya sa kanyang ama. Madaling nagkuwento rito ang kanyang Diko Melvin at ang mommy naman niya ay iyak na ng iyak mula pa kanina. Hindi naman n

