5

827 Words
ILANG beses napahinga ng malalim si Zac habang naglalakad siya sa isang madilim na bahagi ng club na kinaroroonan niya. Birthday ng isang kaibigan niya kaya hindi niya matanggihan ang paanyaya nito. Pero wala pa siyang isang oras sa loob ng club ay nangangati na ang paa niya na umalis agad kaya nagpaalam na siya kay Henry. Pero hindi pala magiging madali ang pag alis niya dahil ilang babae ang nasalubong niya at pilit na nakikipagkilala sa kaniya. Magalang na tinatanggihan naman niya ang paanyaya ng mga ito na uminom kahit ang totoo ay nagsisimula ng mag init ang ulo niya. Ayaw niya sa mga maiingay na lugar dahil mabilis siyang marindi. Idagdag pa na hindi siya sanay sa lugar na maraming tao. Paglabas niya ng club ay dumiretso kaagad siya sa parking lot at pumasok na sa loob ng sasakyan. Hindi kaagad niya binuhay ang makina at hinagilap ang eyeglasses niya. Nahihirapan siyang magdrive sa gabi dahil madilim na ang daan kaya palagi niyang baon ang salamin niya. Nang makita niya ang hinahanap na salamin sa mata ay isinuot na niya iyon saka siya sumulyap sa rareview mirror ng sasakyan. “What the—” natigilan siya nang marinig ang malakas na pagbukas ng pinto sa passenger seat ng kotse niya. Isang umiiyak na babae ang basta na lamang naupo sa tabi niya at nagdadabog na isinara ang pintuan ng kotse niya. Awang ang mga labi na pinagmasdan niya ang babae. “Ang sama talaga ng mga lalaki na iyan.. lalong lalo na iyan si Edi—son! bwisit siya! dahil sa kaniya kaya ako nahihirapan ng ganito.” pumalahaw ito ng iyak kaya nataranta siya. Lasing na lasing ang babae at batid niya na wala ito sa tamang huwisyo. Gustuhin man niya itong pababain ng sasakyan niya ay hindi niya magawa. Medyo revealing kasi ang suot nitong dress at kung pababayaan niya ito sa labas ay baka mabastos lang ito ng mga lalaki. “Ahm.. miss..” “Uh?” lumingon sa kaniya ang babae kaya natigilan siya. “You?” hindi makapaniwalang bulalas niya. Ito ang babaeng basta na lang din sumakay sa kotse niya kahapon at nagpahatid sa kaniya sa flower shop. Ang babaeng may alun-along buhok na saglit na nagpatigil sa mundo niya kahapon. “Ah-ko?” lasing na sabi nito at itinuro ang sarili. Hindi niya kaagad ito nakilala dahil nakapuyod na ang mahabang buhok nito. Pero kagaya ng paglalarawan niya noong una dito ay malaki talaga ang hawig nito sa artistang si Julia Barretto. Mas lalo pa ngang lumutang ang ganda nito ngayon dahil sa ayos nito. Black dress ang suot nito na bahagya lamang umabot sa itaas ng tuhod ang haba ng tela. Ipinuyod nito pataas ang buhok at nag iwan lamang ito ng ilang hibla sa gilid ng magkabilang tenga. Naglagay din ito ng manipis na make up kaya mas higit na naging kaakit akit ang magandang mukha nito. “Kilala ba kita?” namimigat ang mga talukap na tanong nito sa kaniya. Slow mo.. tama iyon ang naramdaman niya habang nagsasalita ito sa harap niya. Pakiramdam niya bawat pagbuka ng mapupulang mga labi nito ay tumatatak sa isip niya. “Ikaw kaya ang basta na lang sumakay sa kotse ko, kahapon saka ngayon.” sabi niya. Saglit na nag isip ito bago biglang pumalakpak na parang paslit. “Ah—oo! ikaw nga! ikaw iyon amoy gwapong nagpahiram sa akin ng panyo kahapon.” anito at humagikhik. “Amoy gwapo?” ang weird pero bakit tuwang tuwa siya sa narinig? “Oo nga, ibinida kaya kita sa kuya—ay hindi ate ko pala—kanina. Sabi ko sa kaniya may amoy gwapong driver na tumulong sa akin kahapon kaya nakapunta ako ng matiwasay sa flower shop ko. Salamat ha? teka nga..” nagusot ang ilong nito ng marinig ang kanta mula sa stereo ng sasakyan. “Ayoko niyan, may iba ka pa bang kanta dito? Aegis meron ka? alam mo iyon kantang—heto ako oooh! basang basa sa ulan—alam mo?” Sa halip na mainis dahil wala sa tono ang pagkanta nito ay naaaliw na tumawa siya. “Wala eh,” Mukhang matindi ang galit nito sa mundo dahil basta na lang nito pinatay ang stereo at kahit lasing ay bumirit ito ng mga kantang pangbrokenhearted. Tulalang pinagmasdan niya lamang ang babae. May pakumpas kumpas pa ito ng kamay habang kumakanta. Bumanat pa ito ng rap sa sikat na kantang I Love The Way You Lie ni Rihanna. Panay lamang ang iling niya habang pinakikinggan ito. Ilang sandali pa ang lumipas at bigla na itong natahimik. Isinandal nito ang likod sa upuan habang nakalaylay ang ulo. “Miss?” nagtatakang tinapik niya ang balikat nito. Isang malakas na hilik lamang ang naging tugon nito sa kaniya. Parang doon lamang siya natauhan kaya napilitan na siyang paandarin ang kotse niya. Ahhhh! great! Papaano niya ito ihahatid ngayon kung ganoon na naghihilik na pala ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD