“Napano ka?” kuryosong tanong sa akin ni Denver. Nagpupuyos ako sa inis habang nakaupo lang rito sa arm chair ko. Sinong boyfriend ang magiging kalmante sa nakita? Nakita ko kaninang naka-akbay si Flint na siya namang inalis ni Harlet nang makita na kong dumating. Kaninang umaga pa iyon ngunit hanggang ngayon ay rumerehistro pa rin sa utak ko. Naroon ang inis, galit, poot… lahat-lahat! Biruing first day namin tapos itong makikita ko. Ang sakit lang. “Paulit-ulit. Sinabi ngang nauntog ‘di ba?” masungit kong sagot. Umawang ang bibig niya saka umupo sa tabi ko. “Relax. Bakit kasi ayaw mo mag-recess? Ang init-init tuloy ng ulo mo.” “Wala akong balak.” Binaba ko ang tingin ko sa notebook at pinagmasdan kung tapos ko na bang isulat iyong lecture na pinagagawa kanina. Napamura ako nang mahi

