“Daddy? Anong nangyari sa noo mo?” Hindi ako sumagot. Pinagpatuloy ko ang paghuhugas ng plato na para bang wala akong narinig. Nakaupo siya ngayon sa hapag at kumain ng hapunan. Milo iyong inulam niya dahil iyon talaga ang gusto niya. “Daddy?” Hindi na naman ako nagsalita at wala akong balak kausapin siya kahit ngumalngal na naman siya diyan. Masyado akong nasaktan sa sinabi ni Aling Karay kanina. Iresponsableng ama? What the f-uck? Halos kalahati yata ng buhay ko ay puno ng pagkamuhi sa totoo kong mga magulang. They left me while I’m still innocent. Wala pa akong muwang sa totoong kalakaran ng mundong ito ay iniwan na nila akong nag-iisa. Paulit-ulit kong sinabi noon sa sarili ko na hindi ako tutulad sa kanila dahil sila ang halimbawa ng mga iresponsableng mga magulang. Ta

