Hindi mawari ang reaksyon ng mga kaklase ko. May ilang speechless, may ilang nagbulong-bulungan, at may iba rin namang walang pakialam. Ano bang aasahan ko sa mga lalaki kong kaklase na kung hindi pag-aaral ang inaatupag, puro laro lang din ang alam? Big deal ito sa mga babae, partikular na roon sa nagkakagusto sa akin. Siyempre kung ako sa posisyon nila, baka kung ano rin ang maiisip ko. Buong high school life ko ay ngayon lang ako nagpahiwatig nang ganito, hindi lang ako sigurado kung nahahalata ba nila na may gusto ako sa babaeng iyon. Eh teka nga, hindi naman ako nag-confess ah? Humingi lang ako ng tawad. Iyon lang ‘yon! “Pre, anong nangyari?” bulong sa akin ng katabi ko. Nag-ingay na muli ang buong klase at tila nakalimutan na agad kung ano ang nasaksihan at nangyari. Sumagot ako n

