Naroon ang pagnanais ko na lapitan siya at humingi ng tawad sa kaniya. Gusto kong magpaliwag. Gusto kong ipakita na handa akong magpakumbaba basta’t mapatawad lang niya ako. Pero hindi eh, pakiramdam ko ayaw na ayaw niyang kausapin ko siya. Tingin ko ay lalo lang ito lalala kung lalapitan ko pa at papakiusapan. She’s not even listening. Naririnig niya ako ngunit hindi niya ako nauunawaan. Naiintindihan ko naman na may gusto siya kay Flint… pero paano ako? Paano ang side ko? Paano ang paliwanag ko? Tahimik kong tinapos ang gawain ko habang hinahayaan din ang sariling nadudurog. Ang sakit makitang umiiyak siya nang dahil sa akin at mas masakit iyon kung dadagdagan ko pa. Ito ba ang huwarang estudyante na ipinapakita ko? Tama siya. Walang mag-aakala na ito ang baho ng ugaling itinatago ko.

