Nagdadalawang-isip ako kung pupuntahan ko siya sa kung nasaan man siya ngayon pero ang hirap kasi. Paano kung gusto niya kung ano man ang mangyayari? Paano kung sila na nga talaga ni Flint at… at pabor sa kaniya na… na may mangyari na agad sa kanila? Gawain ba iyon ng matinong boyfriend? Kakasagot pa lang sana sa kaniya pero… hays. Bumagsak ang balikat ko. Kusa akong umupo sa kama at pinakatitigan ang cellphone. Alam kong wala akong karapatan dahil parang kaaway na ang tingin niya sa akin. Ano pang saysay kung lalapit ako at magpapakita? Sa halip na maayos ko ang lahat, baka away na naman ang kahantungan. Wala rin. Para lang akong nagsayang ng oras para sa isang walang kwentang bagay. “Daddy?” Mula sa malungkot na ekspresyon, pinilit kong magliwanag ang mukha ko. Pinilit kong ipakita sa

