Hindi ko maitago ang ngiti ko habang nasa lababo siya at ako ay narito sa sala, nakaupo. Para akong tanga, napuruhan na nga ako’t lahat-lahat pero kinikilig pa rin sa pag-aalala niya. Oo, masakit isipin na taken na siya. Masakit isipin na hindi ko man lang na-amin sa kaniya ang nararamdaman ko bago niya sumagot ng iba. Pero wala eh, masaya pa rin ako dahil kahit papa'no, may concern siya sa akin. Nararamdaman ko ang pagsisisi at pag-aalala niya. Nang iyuko ko muli ang sarili ko ay nakita ko kung gaano karaming dugo na iyong dumaloy. Hindi lang ako sigurado kung tumigil na ba ang pag-agos nito mula sa sugat ko pero wala naman akong nararamdamang sakit. Ngunit pagkarinig na pagkarinig ko ng kaniyang yapak patungo rito sa sala, muli akong umarte sa abot ng aking makakaya. Umungol

