Ang sabi niya sa akin noon, OFW ang mag magulang niya. Anak daw siya sa labas kaya nag-iisa at walang kumukupkop. Dumating din sa punto noon na naka-relate talaga ako kaya mas napalapit ako sa kaniya. Iyon ang identidad niya na alam ko pero matapos marinig ang usapan nila ni Flint, doon nagbago ang lahat. Minsan na niyang sinabi noon na sinusustentuhan naman siya ng mga magulang niya, na kahit anak sa labas, inaalala pa rin naman siya. Pero kung si Flint ang nagmamay-ari ng bahay na tinitirhan niya ngayon, paano niya nasabing nangungupahan siya? O kahit sabihin na nating pinapaupa ni Flint ang bahay na iyon, ang punto rito ay nagsinungaling siya. Batid ko kung gaano kayaman sila Flint. Itsura at architerctural design pa lang ng bahay nila, alam kong abot-abot na ang mahal. Idagdag

