Mataas naman ang tolerance ko sa alak at sanay namang i-handle ang hang-over. Kaya kinaumagahan, medyo nahihirapan man ay nagawa kong bumangon nang maaga at gumayak para sa eskwela. Sinubukan kong gisingin si Denver sa sala pero kahit anong gising pa yata ang gawin ko ay hindi ko magawa dahil nalasing kagabi. Nang makapagbihis na’t lahat-lahat, saka ko nilapitan si Jaslo. Abala siya ngayon sa pagpapakain kay Tweety sa tabi lang ng pinto. “Nak, Jaslo,” tawag ko. May ginhawang namuo sa dibdib ko nang mapagtano ang sinabi ko. Ang sarap sa pakiramdam na matawag siyang anak. Parang tatay na nga talaga ako na tuluyan nang yumakap sa responsibilidad. “Bakit po Daddy?” Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag sa magkabila kong balikat saka hinawi pagilid ang buhok. Pinilit kong ngumiti k

