Chapter 40

2566 Words

Natauhan ako nang bigla kong maramdaman ang tapik ni Fritz. Mabilis kong hinawi ang buhok ko saka umupo nang maayos.   “Okay ka lang, kuya?”   Tumango ako na para bang wala sa sarili. Kung bakit ba kasi inaantok na ako. Ngayon lang yata ako tinamaan dahil kanina pa tahimik. Liban doon, naiinip kong hinintay itong pagsagot ng tinuturuan ko. Madali naman siyang turuan. Nage-gets naman daw kapag naipapaliwanag ko. Ngunit hindi ko maunawaan kung bakit wala na siyang naisasagot sa tuwing bibigyan ko ng exercises.   “Tapos mo na bang sagutan?”   Umiling siya. “Hindi pa, kuya.”   “Hala, eh pasado alas sais na. Tataas ang babayaran niyo sa’kin.”   “Ayos lang ‘yon, isang libo lang naman.”   Umawang ang bibig ko nang marinig iyon. Naroon ang paghanga ko dahil parang wala lang sa kaniya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD