Paulit-ulit akong nagmumura sa isip ko habang umuusad ang sinasakyang tricycle. Active pa rin ang linyang nagkokonekta sa tawag namin ni Harlet at naririnig ko pa rin ang hagulhol niya. “Nandito na kami sa starbucks sa sentro, saang direksyon ka naglakad kanina?” nag-aalala kong tanong. Huminto ang tricycle sa bangketa at hinintay ang instruksyon ko. “K-kung kaharap mo ngayon ang starbucks, naglakad ako sa kanan. P-papuntang kanan.” “Sige.” Bumaling ako sa driver. “Kuya, sa kanan po, diretso lang.” Muling pina-andar ang tricyle at umusad nang muli sa mismong kalsada. Maliwanag pa naman ang paligid dahil sa streetlight at medyo marami-rami pa ang sasakyan. Nagtanong ulit ako sa kaniya sa tawag. “Hindi ka ba lumiko man lang? Basta dire-diretso lang ito?” “O-oo, diretso lang.” “Kuya,

