Nang sumapit ang three thirty, saka na ako nag-ayos ng sarili. Naligo ako’t nagbihis ng white collared shirt na siya kong binagayan ng denim pants. Panay ang pag-iisip ko kung iiwan ko na naman ba si Jaslo o isasama sa pupuntahan. Pero baka kasi magkulit lang ‘yon doon sa church at kung ano ano ang sasabihin. Kaya upang mag-play safe, hindi ko na muna siya isasama at iiwanan ko na lang ng gawain. Total ay mukhang sanay naman siyang mag-isa rito sa bahay at nakagawian nang umaalis talaga ako. “May practice lang ang daddy okay? Babalik ako bago magdilim,” pagpapaalam ko sa kaniya habang sinusuot ang medyas dito sa sala. Samantala ay prente siyang naka-indian sit sa sahig at pinagmamasdan ako nang mabuti. “Akala ko po hindi na kayo aalis ngayong araw. Prank lang po pala ‘yon.” Ngumuso siya

