Para sa ibang tao, nagmumukha akong tanga. Hindi ko naman maitatanggi iyon dahil wala naman sila sa sitwasyon ko. It just resurfaced, na sa dami-dami ng iniisip ko ay nagawa ko pang pumunta rito upang i-assure ang sitwasyon ni Harlet. Alam ko kasing hindi ako mapapakali at hindi rin makakapag-focus sa ginagawa ko. Tao lang din naman ako at may nararamdaman. Hindi nakapagsalita si Harlet hanggang sa may humintong mga sasakyan sa aming harapan. Tatlong tricycle iyon at halos puno ang mga laman. Doon ko lang napagtanto na ito na ‘yong mga kasama nila sa activity na ito. Karamihan ay mga HUMSS student na siyang mga kaklase yata ni Flint. Si Harlet lang ang pamilyar sa akin dito at maliban sa kaniya, wala na akong kakilala. May ilang bumabati na tinatanguan ko na lang at nginingitian. Walang

