Nakamasid sa amin si Jaslo habang nag-aayos para sa debut. Palipat-lipat ang kaniyang tingin na animo’y nais alamin kung saan ang lakad namin. Siniko ako ni Denver dahil nasa harap lang naman kami ng salamin. Kumunot ang noo ko nang ibaling ang tingin sa kaniya. “Oh?” bulong ko. Saglit siyang sumilip sa likod upang alamin kung nakatingin ba ang bata. At hindi nga siya nagkamali dahil base sa repleksyon nito sa salamin, nanonood nga. Kasalukuyan niyang inaayos ang kwelyo niya at habang sinisiguro ang pagiging pulido nito, bumulong siya sa akin. “Isama na kaya natin siya? Baka mapano pa ‘yan ‘pag mag-isa rito sa bahay.” Umiling ako. “May tiwala na ako diyan dahil maraming beses ko nang iniwanan pero wala namang masamang nangyari. Liban do’n, kung dadalhin ko siya sa mism

