Bumuntong-hininga si Denver. Malaking abala sa kanya ang pagsundo sa magiging bagong yaya ng anak niyang si Ryley. Masikip ang kalsadang nasuotan niya pagkatapos pagtiisan ang walang katapusang traffic. Hindi available ang driver ng mama niya kaya siya muna ang pinakiusapan nito na sumundo kay Chastity Tiu, ang bagong yaya ni Ryley, sa inuupahan nitong bahay sa Pembo. Hindi hiningi ng ina ang approval niya nang tanggapin nito ang babae bilang yaya ni Ryley Pinagbigyan na lang niya. Estudyante raw nito noon ang babae at malaki ang tiwala nito sa babae. Ipinarada ni Denver ang sasakyan sa harap ng tindahan ng mga prutas. Bumaba siya ng kotse at naglakad papunta sa Hannah's Bakeshop. Katabi ng bakeshop ang inuupahang bahay ng mga Tiu. Akmang kakatok siya sa pinto nang bumukas iyon. Unti-u

