Pasimple uling pinasadahan ni Chas ng tingin si Denver. Kasalukuyan itong bumababa sa itim nitong sasakyan habang suot nito ng puting long-sleeved, itim na slacks at itim na sapatos na gawa sa leather ng isang kilalang brand. Bagay lang sa magara nitong sasakyan. Siya lang ang out of place. Isip-isip niya. Madilim na nang pumasok ang kotse ni Denver sa isang exclusive subdivision sa Quezon City. "Daddy! Daddy!" Sumalubong sa kanila si Ryley kahit hindi pa man ito tuluyang nakakababa nang tuluyan ng kotse si Denver. Nasa likuran nito si Mrs. Rebollado. "Hi there, brave man," nakangiting bati ni Denver sa anak. Iba talaga ang powers na nagagawa ng mga anak sa mga tatay, naisip ni Chas. Maluwang na ang pagkakangiti ngayon ng pormal na lalaki kanina. Nagpakarga agad si Ryley at nanggigigi

