"G-good morning po, sir Denver." "It's almost eight and I'm leaving. Hinihintay kitang magising dahil wala pang kasama si Ryley." Tumango siya. "Ako na po ang bahala kay Ryley, sir." "Darating si Manang Lita mamaya kasama si Susan. Manang Lita is the one in charge in the kitchen. Kung may gustong ipaluto o kainin si Ryley, sabihin mo lang sa kanya at siya na ang bahala." "Yes, sir." tanging naisagot niya. "Come, son," yaya ni Denver sa anak na agad namang tumakbo papunta sa ama. Napilitang sumunod si Chas nang umalis na ang dalawa palabas ng quarter. "Bye, Daddy. I love you!" Humalik si Ryley sa pisngi ni Denver nang nasa tapat na ang mga ito ng kotse. "I love you, too, son! Be a good boy, okay?" nakangiting sabi ni Denver kay Ryley. Bago inilipat ang mga mata sa kanya. Pormal na n

