Maleta

1133 Words
"Hindi ako makapaniwalang ginagawa mo 'to sa akin, Denver!" bungad ni Sandra pagkapasok na pagkapasok nito sa opisina niya. "Pinapahirapan mo ba talaga ako?" Tumiim ang mga bagang ni Denver habang nakatitig sa babaeng nakapamaywang pa sa harap niya. Pinaulanan siya nito ng labing-siyam na missed calls buong araw. Nagdesisyon si Denver na i-silent ang cell phone nang mag-umpisa na ang meeting niya kay Mr. Tambunting kanina. Inaasahan niya na rin na darating ang dating girlfriend sa opisina. llang araw na ang nakalilipas mula nang makipaghiwalay ito sa kanya. Pagkatapos, heto na naman, nangagalaiti sa galit dahil wala siyang ginagawa para magkabalikan uli sila ulit. "Baka nakakalimutan mong ikaw ang nakipaghiwalay, Sandra," matabang na sabi ni Denver. "Because you pushed me into doing it! Wala kang oras sa akin, ni ayaw mo akong alukin ng kasal!" "Marrying you means you will become my son's mother, Sandra. Since when did you start liking Ryley?" nakakunot ang noo na sabi niya. "Paano kita papakasalan kung ni ayaw mo ngang hawakan ang anak ko?" Namula ang mukha nito. "B-but that was before! I have learned to love him already, Denver. Please, babawi ako..." "Sa paanong paraan?" "Mag-iisip ako. Kaya lang naman malayo ang loob ko sa anak mo dahil laging nasa kanya ang atensiyon mo, madalas nakakalimutan mo pa ako kapag magkasama tayo ng dahil sa kanya, tapos wala ka pang kahit anong maipangako sa akin!" Hindi sumagot si Denver. Hindi pa man nagtatagal ang relasyon nila ni Sandra noon ay alam na niyang hindi wife material ang babae. She hated children, lalo na ang anak niya. Mainitin ang ulo nito, demanding at nasasakal siya sa pagiging selosa. "Gusto ko lang namang masigurong mahal mo ako, Denver. Gusto kong yayain mo na akong magpakasal tayo at magsama sa iisang bubong. Bakit hindi mo pa maibigay sa akon ‘iyon? Mahal mo ba talaga ako? Bumuntong-hininga siya. How would he answer that without hurting her more? Naitanong na rin niya iyon sa sarili at nakakuha naman siya agad ng sagot. Mahirap mahalin si Sandra. Nag-alis siya ng bara sa lalamunan. "You better leave, Sandra. Marami pa akong aasikasuhin." Madramang nagpunas pa ng luha si Sandra. Lumapit sa kanya at malambing na ikinawit ang mga braso sa kanyang leeg. "Pag-usapan natin ito, Denver, please. Hindi ako papayag na basta na lang mauwi sa wala ang relasyon natin." Inalis niya ang kamay nito. "I'm sorry, Sandra." Natigilan ang babae. Naningkit ang mga mata. Bumukas ang pinto ng opisina niya. Pumasok si Timothy ang kanyang secretary. "Hindi ka ba marunong kumatok?" nabubuwisit na angil ni Sandra. "I'm sorry, did I interrupt something?" tanong ni Timothy kahit halata niyang natuwa na may something itong na-interrupt. "No. Paalis na rin si Sandra." Bumalik si Denver sa pagkakaupo sa swivel chair. Matalim siyang tiningnan ni Sandra bago nagmamartsang lumabas ng opisina. Napailing na lamang si Timothy, saka iniabot ang hawak na papel. "May utang-na-loob ka sa akin, Denver." Natawa siya. "Nasa line two nga pala ang mama mo. May sinasabi siya tungkol sa bagong yaya daw ni Ryley. Tumango siya at dinampot ang telepono. "Anong oras ka daw ba susunduin, Ate?" tanong ni Kelvin kay Abby. Nakaupo ang kapatid sa pangalawang baitang ng hagdan ng bahay nila habang pinagmamasdan ang maya't maya niyang pagsulyap sa nakasabit na Mickey Mouse designed nilang wall clock-imported galing sa Divisoria. "Hindi ko pa din alam. Basta dadaanan daw ako dito pagkatapos ng office hours." Katatawag lang ni Mrs. Rebollado. Hiningi nito ang address at landmark ng bahay nila. Magkahalong excitement at kaba ang naramdaman niya nang sabihing dadaanan daw siya ni Denver mamaya. Hindi niya alam kung pano siya aakto sa harap ng lalaki pagkatapos ng nangyaring eskandalo sa restaurant na nakita nito. Isinaksak na lang niya sa kasulok-sulukang bahagi ng isip niya ang kahihiyan. Dapat lang. Hindi niya mababayaran ang utang sa lending kung pairalin niya ang hiya. "Eh, bakit kasi kailangan mo pang magpasundo? Halos isang oras na biyahe lang naman pa-Quezon City, ah. Paimportante," Nginitian na lamang niya si Kelvin. "'Teh?" Si Jessa naman ang sumingit. "Marami kasi akong bitbit, mahihirapan akong mag-taxi, At saka si Mrs. Rebollado naman ang nakaisip sa sundo-sundo na 'yan, no? Hindi kaya ako." Inirapan ni Chas ang bunsong kapatid. "Sigurado ka bang may balak ka pang umuwi Mukhang tinangay mo na kahit 'yong luma mong mga panty sa laki ng dala mong maleta, eh?" napapailing na sabad naman ng tatay niya na nakadungaw. Lumabas ba rin ito at naupo ito sa tabi ng asawa. "Baka naman magtatanan ka lang, Chastity, idinadahilan mo lang ang trabaho," nagdududang sabi ng nanay niya. "Chastity, kahit sinong lalaki puwede mong iharap sa amin ng nanang mo. Huwag lang iyong lalaking may asawa at anak na," ikasampung beses na sa loob ng maghapong iyon na paalala ng kanyang ama. "Maraming isda sa dagat, anak. Puwede kang mamili at hindi ka mauubusan." "Oho. Pero 'wag po kayong mag-expect na pipili ako ng bilasang isda kung puwedeng-puwede naman akong humuli ng sariwa," biro niya. "Dapat na talaga tayong kabahan sa mga sinasabi ng batang 'yan, Aurellio." Natawa si Chas at nilapitan ang ina. Sumisimangot na kasi ito. Inakbayan niya ang kanyang inang. Masaya siya na makitang unti-unti nang nakakabawi ang ina. "'Nang, magpupunta po ako doon para talaga magtrabaho. Para naman makabawas tayo sa utang natin kahit paunti-unti. 'Yon lang talaga, promise. Para makabayad man lang tayo sa lumulobo nating utang." Nalukot lalo ang mukha ng kanyang ina. "Sana nga ay gumaling na ako nang makatulong na kami ng tatang mo sa 'yo. Parang wala na kaming silbi dito." "Inang naman, time out na ang drama, okay? Kayang-kaya ko namang maging yaya. Chill lang kayo dito ni Tatang. Kayang-kaya ko 'to." "Oo nga, 'Nang. Kayang-kaya ng height ni Ate 'yan," segunda ni Jessa na lumapit sa kanya. Siniko niya ang bunsong kapatid. "Buset." "Peace, Ate. Basahin mo na lang 'to." Inilagay ni Jessa sa kamay niya ang cell phone. "Ano naman 'to?" tanong niya. "Cell phone at si Google. Si Ate, ang slow talaga. Write up 'yan tungkol sa bago mong amo. Single and never been married pero may anak siya sa dati niyang 'dyowa'." "Matagal ko nang alam 'yan. Kiber ko naman kung married na 'yong amo ko o single pa?" kunwari ay walang pakialam na sabi ni Chas. Kilala niya ang mga kapatid. Mas mapang-asar pa ang mga ito kaysa kay Vice Ganda. Walang lihim na hindi mabubunyag kapag nagkahinala ang dalawa. "Gamitin mo 'yong ginawa kong f*******: account para sa 'yo. Kapag may f*******: kana, mas madali mo nang mai-stalk si Sir Denver mo." "Tangek. Sino nagsabing ini-stalk ko 'yon?" pagde-deny niya. May f*******: account naman siya pero hindi nga lang nabubuksan masyado sa ngayon dahil nawalan siya ng oras para doon. "Kunwari ka pa, eh, bukambibig mo nga 'yon kagabi pa!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD