CHAPTER 1

1996 Words
"Pucha talo sa pustahan!" Sigaw ni Anthony habang tumatawa kaming lahat dahil hindi nakuha ni kuya ang chick na nurse sa Pediatric Ward and as usual si Dawn na naman ang nanalo dahil sa kanyang mysterious charm. Lagi nila 'tong ginagawa at minsan nga nakikipusta na kaming lahat. I guess talagang nakakaaliw 'tong mga kaibigan ko kahit minsan medyo ewan. Dawn's striking hazel eyes can bewitch girls pero excluding us three girls na kabarkada niya na iniisip ng lahat na magkakapartner daw kami kasi nga three girls and three boys well... 'yung isa gay. "Okay, Tony boy give me my ten thousand." Pang-aasar pa ni Dawn at tumawa na rin ako kasi nga epic ang mukha ng twin brother ko. It's like a candy has been taken away from him. I laughed while grabbing the bag of chips on the coffee table at ang iba sa amin ay busy habang nag-aaral. Usually 'pag timing na off namin ay tambay lang kami dito sa flat naming kambal at mag-aaral at kakain lang. It's like para kaming nasa Med school ulit at ganito ang aming setup. "Fvck, bakit ba gusto nila ang tulad mo eh mas matangkad naman ako sa'yo at mas mayaman pa." Binatukan ko na ang kapatid ko at napangiwi siya sa sakit. "Aray ha, ako ang kuya dito." Sagot pa niya sa akin. "Oo, ikaw ang kuya pero five minutes lang naman. Besides, kasalanan ba ni Dawn kung siya ang type ng girls? Come on, be a sport and give him the damn ten thousand he won." Inabutan ko si dawn ng cola habang nagbabasa ng libro about Neurosurgery. "Mukhang dyan ka na babagsak ah." Sabi naman ni Kayla na binabasa ang libro about Cystic fibrosis dahil dun sa kaso ng isang pasyente na isinugod kahapon. "Well, interesting kasi ang Neurosurgery at may thrill. Ayokong maging Pedia at lalo na maging Psychiatrist. Ikaw, Cass ano ba ang balak mo?" I looked at him with my face plastering a smile so fake I want to p**e. "Emergency Medicine ang gusto ko. I'm proving something and I guess gusto ko ng thrill kaya 'yun ang napili ko. After our internship, sigurado akong doon ang atensyon ko. It's been my legacy to finish what I wanted from the start. Hindi ko man mae-explain pero 'yun na talaga ang gusto ko ever since I took p Medicine." Anthony looked at me like I said something bad. I know it bothers him when I say things about my past that will forever haunt him. "Mukhang matino ang choice mo, Cass. Malamang 'tong manyak mong kakambal magOB Gyne! Malamang-" Kuya cut Dawn's words with throwing a pillow on his face while he's chewing some chips. Natawa ako dahil para silang bata na nagre-wrestling. I saw Kayla laughing on her phone while Alex is seriously texting someone. "Ayoko na pumasok bukas! Asar talaga si Dr. Cruz! Ayoko maassign na Radiology kasi boring dun pero no choice ako! Damn!" Alex said as she grabbed the bowl of noodles and slurping the broth like a child with cold. "Wala ka namang choice, Lex. Besides, isipin mo na lang ang cute na bisita mo bukas na ire-refer mo sa Dermatology at napakahot ng kuya niya! Oh hot damn, swerte mo girl." Natatawa kong sabi sa kanya habang pinapainit ang loaf bread sa pan. Ginugutom ako sa kalokohan ng mga kaibigan kong maitutuing kong parang kapatid na namin ni Anthony. They are real friend compared to what we had in the infamous Red Gate Subdivision. After the death-defying incident, iniwanan namin ang lugar na 'yun at lumipat ako ng St. Maximillian University para makaiwas sa posibleng iskandalo. I never heard from him ever since that day. Ayoko na siyang maalala. Sana masaya na silang dalawa ni Annie dahil ayoko na ng hard feelings towards them. I don't want to live out of hatred and bitterness. I don't want to live out of foolishness and sadness. Gusto ko na makamove on pero bakit sa gabi-gabi nitong mga nakaraang araw eh mukha niyang napapanaginipan ko? Why is he appearing before me again like some sort of mushroom out of nowhere? What is wrong with me? I left Diana in that God forsaken place, kasi akala ko best friend ko siya pero siya pala ang isa sa mga nagplano ng surprise ni Benedict kay Annie knowing na may gusto ako sa kanya. She used me kasi mayaman kami at si Annie pa rin pala ang gusto niyang maging kaibigan. I can still remember what she said na mayaman lang kami kaya ako may honors. Hindi raw ako magiging doktor. The hell I care with Benedict, Annie and Diana. I am happy with my friends. I'm happy. "Asar, meron pa tayong six months ng internship. Gusto ko na kumuha ng specialization. Ophthalmology kasi ang balak kong kuhanin, and besides sawa na akong mag-assist sa Laboratory. Nakakaasar talaga, nasisira ang ganda ko, Cass. Magshopping naman tayo sa next off natin. I hate this feeling na parang sinasakal ako ng ospital." Natawa ako sa bading na si Mark habang nagbabasa ng magazine. He's always like that. Lagi siyang mareklamo kasi crush siya ng mga nurse kasi 'di alam na bading siya. "Sure, kaso may balak akong mag-out of the country next month with mom. Sama ka sa amin sa Barcelona kasi timing kami sa fasion week. Nakakastress na kasi ang trabaho natin at ginagawa na nila tayong robot ha! Nakakaloka mare." Tatawa-tawa kong sagot habang inilalagay ang mga tinapay sa plato. "Tony boy, lika na!" I called my brother for his toast. =-=-=-=-=-=-= "'Di ko na kaya sa E.R., Cass! Lahat ng pasyente nagkaka-crush sa akin! What the actual fvck is wrong with them?! Seriously, nakakaasar talaga as in, Cassandra!" Tawang-tawa ako kay Mark habang inaayos ang nasira niyang I.D. lace dahil gusto siyang halikan ng isang pasyente. Oo, ganyan siya kagwapo at lampas pa kay Dawn at kuya. "Girl, okay lang 'yan. Isipin mo na lang na biniyayaan ka ng magandang genes. Magaganda kasi tayo, kaya pinagkakaguluhan tayo." Nakasimangot pa rin siya habang nakaupo kami sa cafeteria. Ipinagbukas ko siya ng soda para naman mabawasan ang inis niya. "Trade with me, Cass. 'Di ba Emergency Medicine naman talaga ang gusto mo? Doon na lang ako sa Pedatric ward, please. Ayoko na talaga doon!" Kinurot ko siya sa tagiliran kasi nga ang ingay-ingay niya. "Sh*t naman, ang sakit ha!" "Eh ang ingay mo kaya! Nakakahiya ka! Pinapahiya mo ang school natin. Besides, isipin mo na lang na blessed ka ng magandang mukha kaya ka hinaharass. Swerte mo kaya. Gusto mo kamukha mo 'yung parlorisTang bakla na mukhang kabayo? Damn!" Nagtawanan kaming dalawa habang nagmemeryenda. I can see smile on his lips now kaya alam kong kalmado na siya. "Trade with me?" "Hmmmm... Sige na nga! Ang kulit mo ha! Pero last na 'to or else malilintikan ka na sa akin. Kausapin natin ang chief niyo para payagan tayo. Sobrang kulit mo ha! Jusmiyo nakakainit ka ng ulo talaga. Pasalamat ka mabait ako." "Asus! Type ka naman ni Dr. Cruz eh kaya malamang maglalandian lang kayo doon. I mean, obvious naman kasi ang lagkit niyong magtinginan kahapon sa seminar ha! He's really smitten with you at swerte mo kasi E.R. resident siya. Tanungin ko nga kambal mo kung boto siya sa kanya." Binatukan ko na siya at napatawa na lang ako sa mga pinagsasasabi niyang kalokohan although I can feel a little tension between him and me. Maaaring tama siya or maybe he's just always charming with girls. "Tigilan mo na ako bakla at may rounds pa ako for today, malamang papayag na 'yun at ako ang kukuha ng shift mo bukas ng gabi. Sige na at aalis na ako. 'Wag ka na pastress dyan sa nasira mong I.D. lace kasi kahit bilhan pa kita ng madami niyan. I'm filthy rich, okay? Tell me how many laces you want and I'll buy them. I have to go." Tumayo na ako at kinuha ang cracker at isinilid ko sa bulsa ng white coat ko. "Bruha, I know you're rich and you can even buy this hospital pero ibili mo na lang akong Italian leather shoes kasi mas need ko 'yun sa kasal ng sister kong bruha." Natawa naman ako sinabi ni Mark at alam ko kasing imbyerna siya sa kapatid niya. "Sure, ako bahala sa'yo basta 'wag ka na sad dyan at may rounds ka pa rin." Nakangiti siyang iniwanan ko sa cafeteria. =-=-=-=-=-=-= "Dr. Cassandra Torres. nabanggit sa akin ni Dr. Alarcon na nakikipagtrade daw siya sa'yo ng post? I mean, bakit?" Dr. Cruz asked thinking na baka dahil type ko siya. Medyo makapal din ang mukha ng isang ito at sarap turukan ng anti-depressant. Ngumiti lang ako umupo sa harapan niya. "He was earlier harassed at ayaw na niya ng ganun. The female nurses are over him, at kahit pa lalaki siya ay nadidistract siya. He's my dear friend kaya nga pumayag ako makipagtrade. My brother is here after all, kaya I have no problems with that. Besides, balak kong kumuha ng Emergency Medicine." I smiled at him in a polite manner. "Very well, pero ang kapatid mo ay nagpaassign na sa Gynecology kaya wala na siya dito. Your friend Dr. Jung is the only one here. Okay pa rin ba sa'yo?" "Yes doc. Okay lang, kaso 'di yata nabanggit ni Tony boy ang paglipat niya doon. Anyways, pasensya na kayo doc sa manyak kong kapatid." Tumawa siya ng malakas dahil malamang 'di niya inexpect ang joke na ihihirit ko. I just giggled kasi nga naman medyo manyak ang kapatid ko. "It's settled then, sige ikaw na ang kukuha ng shift ni Dr. Alarcon tomorrow evening at may meeting pa ako with a new resident doctor here in E.R. department. May tatlong doctor kasi ang on leave kaya naghire ang ospital ng isang magaling na doctor from US. Sana lang 'di mayabang katulad nung ibang galing ibang bansa. Alam mo naman siguro, di ba?" "Yes, doc medyo iba nga ang pag-uugali pero it doesn't mean they can't be professional." I smiled at him at isang katok sa pintuan ang pumutol ng usapan naming dalawa. The knob turned like it is some kind of suspense. It slowly opened at a tall man is sTanding behind the door. I gasped for air. Nagkakamali ang mga mata ko sa nakikita ko. Pakiramdam ko nanlamig ang buong katawan ko. Sana kainin na ako ng lupa ngayon at hindi ko kayang harapin ang taong nasa harapan ko ngayon. Magkamatayan na pero siya ang kahuli-hulihang taong gusto kong makita habang nabubuhay pa ako. I'll be damned if he's the new doctor. I'll resign and move on somewhere else. Tama! Aalis ako! I can't stay under the same hospital with this ruthless and cold-hearted man! Malamang mag-asawa na sila ng lintik na Annie na 'yun at ayoko nang malaman ang nangyari sa kanila. "Dr. Cruz, I guess I'm no longer needed here. Thank you for the time and see you around." Papatayo na sana ako nang biglang magsalita si Dr. Cruz. "Stay, Dr. Torres. Siya si Dr. Benedict Saavedra at siya ang bagong attending doctor dito sa ER." He smiled at me at tumayo para kamayan ang demonyong nasa likuran ko. Pakiramdam ko nanigas na lahat ng buto ko at hindi ako makatayo. I can feel my heartbeat getting faster with fear at bumabalik lahat ng bagay na masamang nangyari sa akin. Please, let me out of this place. "Good afternoon, Dr. Saavedra. I'm Dr. Cassandra Torres, an intern in this hospital and currently assigned in the Pediatric ward. Have a good day you two and I shall take my leave. Dr. Cruz, I have to go. I promised Dr. Alarcon na sabay kami magdinner, pasensya na." Nagulat ako ng bigla niyang ilahad ang kanyang kamay. I want to shake his hand very quick pero mahigpit ang pagkakahawak niya. Ayokong ipakita na apektado pa rin ako kaya naman I gently took my hand and took my leave. I smiled on the both of them. His eyes met mine at mabilis ko iyong inalis sa akin at kalmadong naglakad palabas. Pagdating sa unang kanto, I collapsed. Bakit naman sa lahat ng pwedeng makita eh siya pa? Am I cursed? Bakit ako pinaparusahan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD