"Oh sh*t Cass, ang taas ng lagnat mo!" Narinig kong sumigaw si Benedict kaya nagising ako. I checked my watch at tatlong oras pala akong nakatulog. I gave him a weak smile at binuhat niya ako. Ganito pala ang feeling ng binubuhat ng isang gwapo at good boy na si Benedict. His arms really are wonders of my world. Opportunity that shouldn't be wasted, ika nga nila.
"I'm sorry, Cass. I'm really sorry. Napatagal ang stay ko kasi pinakain at pinatulog ko siya ulit. I'm so sorry. Ang init mo. Tanggalin mo... ang jacket mo at magpalit ka. Bakit basang-basa ang T-shirt mo?" Tiningnan ko lang siya at ngumiti.
"Med 101, uso na ang naliligo sa... nilalagnat." Ngumiti ako pero nakasimangot pa rin siya. Hinipo niya ang noo ko.
"Ang init mo sobra."
"Nakadalawang Biogesic na ako, kuya. Besides, bihira lang akong magkasakit. Chill ka lang, gagaling din ako agad." He frantically looked at me pero hindi ko alam kung bakit.
"Bakit?" I asked him.
"Magsabi ka nga ng totoo, walang kaklase mo ang naghatid sayo. You lied! Sana pala... Ikaw na lang ang dinaanan ko kasi mas malapit ang uwi mo compared kay Annie."
"Nagjeep naman ako, yun nga lang malakas ang ulan kaya nabasa pa rin. Sus, okay man naman ako. Bibihira lang akong magkasakit. Don't pity me kasi nagi-guilty ka. I'm not your responsibility." He just looked at me pero wala akong maisip kung ano ang iniisip niya.
"You are so stubborn, Cassandra. Paano mo nagagawang ngumiti eh namumutla ka na! Wala pa naman ang mommy mo at nasa ibang bahay ang kuya mo. Sleep here in my room, dadalhin ko lunch natin dito." He stood up and took his boxers and a white shirt in his closet.
"Suotin mo, para hindi ka magkasakit. Mag-aalala ang mommy ko sayo pag nadatnan kang ganyan kaya mag-ayos ka. Alam ko naman na ayaw mong nag-aalala ang mga tao sayo." I tool his clothes at pumunta ng CR para magpalit.
Mali ka Benedict, gusto kong may nag-aalala sa akin. I want you worried for me. I want your worry and love, not just your pity.
I don't need your pity.
"Humiga ako at nagpahinga. Narinig kong dumating na sila tita Marga dahil narinig ko ang busina ng sasakyan nila. Iilang sandali lang ay pumasok sa kwarto si tita Marga at alalang-alala na hinipo ang noo ko.
"Ikaw na bata ka, bakit ka naman nagjeep? Sana nagtaxi ka o kaya naman tumawag ng sundo. Ang putla mo, Cassandra."
"Benedict! Yung pagkain!" Nagmadaling umakyat si Benedict at ipinatong tray sa kanyang navy blue na kama.
"Sabayan ko na siya mom para di siya malungkot. Kumain na rin kayo ni daddy at ako na ang bahala sa kanya." He just smiled at me.
"May gamot dito at gagawan ko siga ng red tea. Sandali lang ha, magbibihis muna ako." Nagpaalam si tita Marga at naiwan na lang kaming dalawa sa kanyang kwarto.
Kinabahan akong bigla. Imagination ko lang yata ang malalagkit na tingin ni Benedict kasi nga may sakit ako! Ilusyonada ka talaga Cassandra!
"Cass... don't you ever..."
"What? Kulang ang question mo." Sabay sagot ko habang humihigop ng sabaw.
"Don't you ever go to a man's house... and go to his room and wear his clothes. Wag sa ibang lalaki. Masama iyon." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ikaw kaya ang nagpasuot! Pwede ko naman hiramin ang damit ng ate mo pero ikaw ang nagpahiram. Grabe wala naman akong body odor just so you know."
"I know. Wala ka namang ganun. My point is sa ibang lalaki bawal kasi masama. Ako kaibigan mo ako kaya pwede." Naasar ako kaya kinurot ko siya sa braso.
"Ouch!"
"Para kang timang. Ang dami mong sinasabi at sumasakit ang ulo ko sayo jusmiyo! Magtigil ka at kumain na lang. Gusto kong MAGTV kaya buksan mo na. May inaabangan ako sa HBO." Napakunit siya ng noo.
"At ano naman ang papanuorin mo?" Tanong pa niya.
"A walk to remember. Ire-replay nila eh. Sige na!" Kumunot ang noo niya at inilipat ang channel sa HBO. Niligpit na niya ang kinainan namin at nagsimulang mag-ayos ng kama niya na hihigaan namin.
"Wala ka bang sando na medyo maliit? Ayoko kasi ng shirt mo. Ang weird sa feeling."
"H-Huh?! Wala akong sando! T-tama... Wala akong sando kaya balutin mo ang katawan mo at malamig ang panahon dahil sa bagyo. Magtigil ka nga Cassandra." Napatingin ako sa kanya. Basta pag binanggit na niya ang buong pangalan ko alam ko galit na talaga siya
"Ang damot mo ha! Badtrip ka naman."
"Ikaw ang badtrip kasi di mo magets ang point ko at nararamdaman ko ngayon! Arrgh!" He's weird at malay ko kung kelan siya nagiging normal. Siguro kung hindi na niya mahal si Annie Jane.
=-=-=-=-=-=
I searched for Diana on f*******:, i********:, Twitter, LinkedIn at king saan-saan pa. I can't seem to find her. Is she from Stone Age nawalang social media accounts? The only person I can ask about Diana is Benedict pero wala akong makukuha sa kanya kasi I was sarcastic with him. I was rude the last time I met him so of course, hindi niya ako tutulungan.
But I really saw her. I saw Diana running away from me with mocking eyes. She was laughing at me in her pretty white dress. I can't be imagining things. I had depression but I was never delusional. I am a surgical intern but I'm not stupid about psychology and psychiatry.
I never had delusional episodes.
Maybe Diana did leave the country para sundan ang mama niya. She was about to migrate back then kaya alam kong may possibility na di siya dito nanirahan back then at baka din may asawa na kaya iba ang apelyido niya. Or maybe, she's not into social media. I know people like that here in the hospital. Nerds like me have social anxiety.
I will find you Diana, mark my word you b*tch.
=-=-=-=-=-=
Hindi kami nagkikibuan buong shift. Ayokong magfeeling na okay kami. Hindi kami magiging okay. Walang ibig sabihin ang ginawa niyang pag-aalaga sa akin nung maospital ako. It brought back a lot of memories worth burying.
"Hinahanap ka ng pasyente mo, doc ganda. Ayaw pa daw magpadischarge kasi masakit pa rin ang binti niya." Sabi ng nurse na nakasimangot. If I know, inggit lang sa akin 'yan.
"Sabihin mo magaling na siya at kanina pa nakarelease ang discharge papers niya. Kung ayaw pa rin sabihin mo dadalhin siya OR kung totoong masakit pa."
"Noted po." Hindi ko mapigilang mapakingon kung nasaan si Benedict. Nakikipagtawanan siya sa isang magandang intern ng Pediatric Ward. I sighed and looked away. Buti na lang gumaling ako agad or else mukmok lang ako.
Naglakad ako patungo sa kinaroroonan ni Dr. Cruz at nakita kong may inaasikaso siyang pasyenteng nakacast ang braso.
"Need help, doc?" Ngumiti lang siya sa akin.
"Hindi na, doc ganda. Ikaw baka mamaya mapagod ka nang sobra. Sobrang sipag mo pa naman." Syempre I gave him sweetest smilePARA masilaw talaga siya. Alam ko namang may crush siya sa akin and he's really obvious.
"Wow, ang ganda naman niyang doktor. Parang mas gusto tuloy ng mga taong maospital kapag ganyan kaganda ang nakikita." Napangiti naman ako sa babaeng pasyente ni Dr. Cruz.
"Hindi naman, nadaan lang sa red hair."
"Dr. Ganda, may seminar tayo about sa clinical trials ng Cystic Fibrosis. Mga two hours yata kaya ikaw na ang bahala kung a-attend ka. Sayang naman kung mami-miss mo."
"Sige doc a-attend ako. Maiwan ko na kayong dalawa. Get well soon, miss." Nginitian ko ang pasyente at nagsimulang maglakad patungo ng locker area.
Hindi ako nililingon ni Benedict. Kapal naman kaso ng mukha kong umasa kahit na muntik ko nang ikamatay ang pagmamahal ko sa kanya. He's not worth the tears and suffering. I should get him out of my system kasi ramdam kong may iba.
He's getting under my skin which isn't supposed to be happening because he's a one mothefvcking dimwit. Hindi na dapat ako magpaapekto sa kanya. I'm not going to die the second time around.
Dignity
Mawawalan ako ng dignidad kung magpapakagaga ako sa isang lalaking walang ginawa dati kundi ang gamitin ako at wasakin ako. He won't get a piece of me, even if he dies. Hindi na ako magpapauto. I'm not going to give in. He's a mistake; a walking mistake. Kung dati halos pangarapin ko siya katulad ng kaadikan ko sa pagbabasa ng Sweet Valley High. Dati iniimagine ko pang isa kami sa mga characters at kami pa rin ang magkakatuluyan pero hindi na. That's stupid and this is reality.
And then I saw him assisting an elderly lady on her wheel chair. Napakaamo pa rin ng mukha niya. His face shows genuine concern for the poor lady in pain. Ang alam ko kasi naaksidente sa tricycle 'yung matanda kaya nabalian ng buto sa kaliwang braso. Luckily, nothing more happened.
"Matunaw naman siya, girl." Narinig kong sabi ni Mark habang nagsusulat siya ng prescription sa counter.
"Tse! Asa naman. Sa kanila na si Dr. Saavedra, ano. Hindi ako makikihabol kasi halatang may asawa naman na 'yan at mukha pang babaero. Naaawa ako dun sa matandang tinutulungan. She was in so much pain earlier. Kung nakita , lang siya kanina baka ngayon pulbos na puso mo. I swear."
"You shouldn't deny the fact that there is an intense s****l tension between the two of you. Halatang-halata kasi minsan nahuli ko na siyang nakatingin sa'yo at hindi nakatangin. Nakakakilig kaya, so what's wrong with it? Babae ka naman at lalaki siya. You're two consenting adults, kung anong mangyari eh 'di nangyari." Siniko ko na siya at natawa na lang.
"We don't have any tension, Mark. Ikaw lang nag-iimagine dyan. I don't fall for the players, by the way. I fall for the good ones. I am the bad one, so siguro dapat good boy ang para sa akin, though I hope I won't scare him off eith my tats."
"Who gets scared with tats, Cassie? If you're in Muntinlupa, malamang nakakatakot. Besides, your tats are basically your personality. No one will be ever scared with those. Trust me."
"Whatever. Basta, walang something sa amin. It's purely made by your imaginative crazy mind."