CHAPTER 6

1003 Words
"Pasensya ka na twinnie kung mag-isa ka buong stay mo sa ospital. Biglaan kasing dumami ang trabaho at hindi ko na namalayan ang oras. Have you been well?" He poured me a cup of tea habang nagbabasa ako ng lectures. Syempre di ko sasabihin na hindi umalis si Benedict sa kwarto ko. He'll go hysterics at baka bigla siyang mawala sa mundo. He is that mad at him to the point na kaya niyang saktan ng pisikal si Benedict. I can't create a beast in my brother. "It's fine, hindi naman nabawasan ang ganda ko dahil lang mag-isa ako sa kwarto. Besides, may phone naman so it kept me company." He just smiled and gave me some chocolates. Favorite ko kasi ang Meiji chocolate bars kaya dinalhan niya ako as a sign of apology. "Di na talaga mauulit ang pang-iiwan ko. Kaasar bakit kaya biglang pinili ako eh hindi naman si Dr. Santos ang resident na nakaassign sa atin. Weird pero anyways, bibisita mamaya si Lexie dito sa condk kaya magpapadeliver ako ng pagkain. Si Dawn mamayang 6PM ang tapos nila." I looked at him at aligaga siyang nag-aasikaso ng dinner namin. "Can't imagine my twinnie cooking sinigang. Ikaw ha, pag yan pangit lasa lagot ka sa akin." I told him at hindi ko alam bakit sumasagi sa isipan ko ang gwapong mukha ni Benedict habang natutulog. "Masarap talaga 'to kaya hintay ka lang dyan and let me do my thing. Masarap talaga 'to." He just smiled at me at may bigla akong naalala. I decided to go outside my room and get myself a juice in the nearby vending machine when I saw someone I know from the past. Her hair is short, chinita eyes, and her dress is in white lace.  "Diana?!" I called for her but she won't asnwer. Kahit hinang-hina ako, sinubukan ko siyang habulin pero hindi ko magawang makalapit dahil nanghihina ang mga tuhod ko at parang pabilis nang pabilis ang lakad niya. She looked back at me and smiled and walked faster near the X-Ray room. She stopped walking and when I thought that I was about to get near her, she went to the emergency exit. "Diana?!" Walang sumasagot. "Diana?! I know you're there! You can't hide from me! Why are you all coming back?!" I screamed hard. "You don't know how much you hurt me! Show yourself!" Halos magdugo ang lalamunan ko kakasigaw. Pagbukas ko ng emergency exit, tahimik. Walang tao. Walang ingay. Walang sign na amy pumasok. Naguluhan ako. Was it my imagination? Am I delusional? Am I crazy? "Diana?!" "Diana!" Sinara ko ang pintuan ata napaupo ako sa tapat ng x-ray room. Lat night I dreamt about her. I remember all the painful things she did to me; on how she betrayed me. I remember everything. It is painful. It is killing me to this date. Oh Diana, you b*tch. I want to slap you so hard you'd die from it.  -=-=-=-=-=-= Ang sama ng mukha ko habang naghihimay ng kangkong. Imagine me, a smart girl doing this? Nakakastress talaga. Tapos kanina naghahati pa ako ng kamatis at sibuyas! Nagluluto si Benedict ng sinigang ng alas sais ng umaga para lang kay Annie Jane. Nagkasakit kasi siya kahapon dahil lumusong sa baha. Hindi siya nasundo ni Benedict dahil nastuck din siya sa traffic. Ako naman... nagjeep kahapon at basang-basa. Medyo may sinat ako pero isang paracetamol lang yan. Di ako mahina. Di ako nagkakasakit. Ayoko man aminin sa sarili ko pero parang nilalagnat na ako. Cancelled classes at unfortunately, hindi natuloy ang exams na dapat ay ngayon. Nakakatamad na kasi maghintay. Pasimple kong hinipo ang noo ko at oo nga mainit pa rin ako. Nilalamig ako sa buga ng centralized aircon nila Benedict at umuulan pa sa labas. Kami lang ang tao sa bahay nila na sa tapat lang ng bahay namin. "Tapos ka na ba sa kangkong? Kasi tama na ang lasa tsaka malambot na ang pork." Bigla namang nagsalita si Benedict at mabagal kong iniabot ang kangkong na nakalagay sa mangkok. "Kain tayo after kong dalhin 'to mamaya kay Annie. Syempre di ko naman pwedeng istorbohin ang pagpapahinga niya." He just smiled at me at bumalik sa kanyang pagluluto. Imagine a guy cooking for you, malamang sumabog ang puso mo sa kilig, right? Swerteng Annie Jane, kahit na hindi katalinuhan at medyo slow mahal na mahal siya ng mahal na mahal ko. Ouch. Nakita kong inilalagay na niya ang sinigang na nilito siya sa isang Lock n Lock at inilagay iyon sa isang paper bag. Ang laki ng ngiti niya habang nilalagyan pa ito ng letter niyang may glitters. Double ouch. Bago niya inilagay ang letter sa paperbag, kiniss niya muna ng matagal. Grabe mga ten seconds niyang hinalikan. Triple ouch. "Ihatid ko lang muna ang niluti natin kay Annie, ha? Wait for me, sabay tayong magbreakfast pala." He smiled at pakiramdam ko mas masarap siyang i-breakfast. "Sure. I'll... just wait for you." Mahinang sabi ko habang nakahilata sa kanilang white leather couch. I gave him a faint smile at nagmadali siyang umalis hawak-hawak ang foldable umbrella. Quadruple ouch. Nagmadali akong tumungo sa CR. Nagilamos ako para mawala ang init ng katawan ko. Huling kuha ko ng temperature, 37.7 degrees Celsius ako. I sighed for I can't even enjoy a meal with him na enthusiastic. Kinapa ko ang bulsa ng maong shorts ko. Meron pa pala akong dalawang biogesic. Ininom ko ang isa at kumuha ng ice bag na nakaready sa refrigerator nila Benedict. Ipinatong ko iyon sa ulo ko at umupo sa couch. Hindi yata umeepekto. Ten minutes na ang lumipas simula ng uminom ako ng gamot. Nagmelt na rin ang yelo sa ice bag. Tumungo ako ng CR at naghilamos ulit. Hinang-hina na talaga ako at si Ken lang ang kasama ko na mabait na nakatingin sa akin. Ken is their pitbull at napakabait sa akin. "Ken, sa sala ka na lang. Malamig dito sa CR." I hugged him. Nilalamig ako at wala pa rin si Benedict. Malamang sinamahan niyang kumain si Annie Jane. Syempre, di niya iyon matitiis. Tumayo ako papuntang kusina at kinuha ang pangalawang ice bag at tuluyan nang humiga sa couch. Nilalamig ako at wala man lang Benedict na excited na magdala ng sinigang para sa akin.  Quintuple ouch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD