Kanina pa tahimik na nakamasid si Creed kay Iran. Tahimik na nakaupo ang babae sa coffee table na nasa veranda ng suite habang tulalang nakamasid lamang sa tanawin na nasa harapan nito. It’s past seven in the morning at kalahating oras na rin itong naroroon. Kanina, nang lumabas siya sa silid na tinutuluyan nilang tatlo (kasama sina Pollux at Damires) hinanap ng kaniyang mga mata si Tiffany sa pag-aakalang gising na rin ito, pero wala siyang nakita. And then he saw her there, silently staring with no movements. It took him super strength not to approach her immediately pero nang makita niyang yumuyugyog ang mga balikat nito'y hindi na rin siya nakatiis. Humakbang siya papalapit dito at itinaas ang kanang kamay para sana kabigin ito at yakapin, pero naunahan na siya ni Miranda. "Do

