Matapos sabihin iyon ni Tiffany kay Iran ay biglang tumahimik na lang sa loob ng sasakyan. Maging si Pollux ay minabuti na lamang ang manahimk lalo pa't halata sa mukha ni Creed ang seryosong awra nito. Pollux knew, he is thinking. And the latter is right. Creed is up to something that only he would know. Hanggang sa dumating sila sa monasteryo'y tila wala pa ring gustong magsimula ng sasabihin. Miranda chose to think of something that would let her talk to Priam about his being manipulating. Samantalang si Tiffany naman ay inabala na lamang ang sarili sa pagtingin ng emails. Nang pumasok sila sa vicinity ng monasteryo ay doon pa lamang nagsimulang bumalik sa sigla ang mood ni Iran. Mas lalo pang naging maaliwalas ang mukha nito nang sa pagbaba nito ng sasakyan ay agad itong sinalubong

