"Sigurado kayo? Talagang uuwi kayo sa inyo, Paning?" Nasa loob sila ngayon ng sasakyan. Si Creed ang nasa manibela habang si Pollux naman ay nasa tabi nito sa unahan. Si Iran at Tiffany ay magkatabi sa likuran. Papunta na sila sa carelite monastery para sa schedule ni Miranda para sa araw na iyon. Hindi man visible pero nakasunod sa kanilang likuran ang isa pang sasakyan na may lulang tatlo pang security team kasama na roon si Damires. Immediately after what happened last night, ayaw na ni Iran ang makakita pa ng ibang naka-unipormeng lalaki. She was traumatized, alam iyon ni Creed. Kahit ayaw nitong sabihin, nakikita niyang hindi ito kumportable. At dahil alam ng opisyal nilang si Col. Rivera ang kaugnayan ng babae sa kaniya, pumayag ito sa suhestisyon ni Creed na sila na lang ni Poll

