"Sigurado ka bang ayos ka lang?" "Oo naman, Iran. Hindi ko lang talaga kasi lubos na maisip kung bakit ka pa pinakawalan ng pinsan ko." Ngumisi si Annie. Iyong klase ng ngiti na mukhang itinatago lang ang matinding pagkadismaya. Hindi niya magawang tingnan ng tuwid si Iran dahil bukod sa na-star struck yata siya sa kagandahan at kayumian nito, naiinis siya nang mga oras na iyon. Kundangan kasi at bakit ngayon pa ito bumisita sa tiya niya. Hindi pa nga siya nakakabawi sa inis sa kaniyang pinsan, mukhang madadagdagan na naman iyon dahil sa katangahan nito. Kung bakit ba naman kasi parang ang hina nitong umayaw sa mga chicks na lumalapit? Pinagmamasdan niya ang estranged wife ni Creed at parang gusto niya talagang pongpyangin ang lalaki. Bakit kaya nagawa nitong saktan ang isang babaeng ka

