“Miranda, please. Walang ibig sabihin ang nakita mo.” But she didn’t glance at him. Taas-noo at deretso lamang na naglakad papunta sa dining area si Iran. Nakaakbay ito sa kanyang ina na hindi rin maipinta ang mukha hanggang sa mga oras na iyon Alam ni Creed, totoong galit ang ina at nagtitimpi lamang itong mabalingan siya at sermunan. Ilang beses niyang nakita ang matalim na mga titig ng nanay niya. Napahugot ng malalim na paghinga ang lalaki. Mariin nitong pinisil ang puno ng matangos na ilong sa pagitan ng mga mata. His estranged wife kept on gently patting the shoulder of Nay Sandra, inaalo itong huwag nang magalit dahil hindi makabubuti dito ang ma-stress. Muling nagtagis ang bagang ni Creed nang marinig pa ang sinabi ni Iran. ani nito, hiwalay na sila at wala na rin naman itong k

