“Camila Miranda, kinakausap kita!” Napapikit si Iran sa pagdagundong ng boses ni Creed. Kumuyom ang dalawa niyang kamay sa pagpipigil na masigawan ang lalaki pabalik bilang respeto na rin kay Nanay Sandra. Nasa labas din si Pipay at naglalaro sa malilim na bahagi ng lawn. Natigilan ito at napatingin sa lalaki. “Tito Van-Van?” dahan-dahan itong umalis sa kinauupuang toddler car. Nasa bata ang tingin ni Miranda kaya naman mabilis din nitong nakita ang pagbagsak ng bata sa bermuda grass nang hindi matantiya ang paang tumama sa laruan. Mabilis na napahakbang si Miranda upang daluhan ang bata. Hindi niya pinansin si Creed na nakita niya ding impulse na tinawid ang pagitan nito at ng bata. “Pipay?!” sabay pa nilang sambit. Saktong pag-abot ni Miranda sa bata ay siya ding pag-abot ni Cree

