DAKS 8

1247 Words
Naiwan si Luningning sa kusina, tila estatwa na nakatitig sa pinto kung saan kakalabas lang ni Sir Rax. Ang salitang delusional ay paulit-ulit na umuunog sa kanyang isip. "Delusional... ibig sabihin, baliw? Baliw sa pag-ibig?" bulong ni Ning sa sarili, sabay kamot sa ulo. "Naku, Ning, mahirap kalaban ang baliw. Baka bigla na lang akong saksakin ng tinidor habang nagse-serve ng kape." Ngunit bago pa makahakbang si Ning palabas ng kusina, muling bumukas ang pinto. Pumasok si Rax, pero sa pagkakataong ito, hindi siya galit. Mukha siyang... desperado na ewan. Tumingin si Rax kay Manang Fe na abala sa paghuhugas. "Fe, can you give us a minute? I need to talk to Dimalanta. Alone." Nagtaka si Manang Fe pero tumango rin. "Opo, Sir." Lumabas ang matanda, iniwan ang dalawa sa kusina na biglang binalot ng kakaibang tensyon. Huminga nang malalim si Rax at tumingin nang diretso kay Ning. Ang kanyang mga mata, na laging malamig, ay tila may pakiusap ngayon. Lumapit siya nang bahagya, sapat para maamoy ni Ning ang kanyang peppermint na pabango na humahalo sa amoy ng bawang sa kusina. "Dimalanta... I need your help," panimula ni Rax, ang boses niya ay mababa at seryoso. "Po? Tulong? Magpapabudol po ba kayo sa akin, Sir?" biro ni Ning para mabawasan ang kaba. "Kulang pa po ba 'yung sampung libo? Ibabalik ko po ba?" "No, keep the money," mabilis niyang sagot. "Monica is not leaving. She's... persistent. At kapag nagmatigas siya, baka gumawa siya ng eksena na makakasira sa reputasyon ko. I need a way to make her realize na wala na talaga kaming pag-asa. Ever." "O, ano po'ng maitutulong ko roon? Pwede ko po siyang sabunutan, kung gusto niyo. Libre po 'yun," offer ni Ning, handa nang makipagbakbakan para sa amo. Tumingin si Rax sa kanya, isang kakaibang ideya ang gumuhit sa kanyang mukha. "No violence. I need you to... pretend." "Pretend? Magpanggap? Anong pagpapanggap po? Magpapanggap po ba akong bodyguard niyo?" Huminga nang malalim si Rax, tila nahihirapan sa sasabihin. "I need you to pretend to be... my girlfriend. My fiancée, actually. Ang dahilan kung bakit hindi ko na siya pwedeng balikan dahil nakahanap na ako ng pakakasalan." Nanlaki ang mata ni Ning. Muntik na niyang mabitawan ang basahan "Ha?! Girlfriend niyo?! Sir, bilyonaryo kayo, hamak na katulong lang ako! Baka isipin ng mga tao, nauntog kayo sa pader at nawala ang bait niyo sa sarili!" "It's just a pretense, Dimalanta! Isang palabas lang para umalis siya," asik ni Rax, bumabalik ang dating sungit pero may kasamang pakiusap. "At huwag kang mag-alala, hindi kita talaga magiging girlfriend. Masyado kang... maingay." Nainsulto si Ning. "Aba! Kahit maingay ako, original 'to! At saka, bakit ako? Marami namang model sa TV na pwede niyong arkilahin!" Tumingin si Rax sa kanya, at sa isang pambihirang pagkakataon, lumapit pa siya lalo. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Ning. "Dahil ikaw lang ang nandito. At dahil ikaw lang ang nakita niyang binuhat ko kagabi. Mas kapani-paniwala kung ikaw ang gagamitin ko. Listen to me, Ning... I'll double your salary." "Double?" Natigilan si Ning. "Triple, if you want," dagdag ni Rax, ang boses niya ay mapang-akit na ngayon. "Triple your salary, plus another bonus, kung mapapaalis mo si Monica bago lumubog ang araw. Deal?" Napatitig si Ning kay Rax. Triple salary? Bonus? Ibig sabihin, mas mabilis na makakaipon para sa opera ni Tatay. Tumingin siya sa mga mata ni Rax, at nakita niya ang seryosong pakiusap. Sa gitna ng asaran, may isang bilyonaryong nangangailangan ng tulong ng isang katulong. "Sige po, Sir," sagot ni Ning, ang boses niya ay puno ng determinasyon. "Payag na po ako. Pero may kondisyon po ako. Dapat po, panindigan niyo ang pagpapanggap. Walang iwanan sa ere. At saka... bawal po akong sigawan habang nasa harap tayo ng bruha. Dapat, 'sweet' kayo sa akin." Napangiti nang bahagya si Rax—isang ngiti na tila nagsasabing "You drive a hard bargain." "Deal, Dimalanta. O should I say... honey?" Biglang uminit ang buong mukha ni Ning. Ang puso niya ay nag-umpisang tumibok nang mabilis, hindi dahil sa pera, kundi dahil sa paraan ng pagkakasabi ni Rax ng honey. Diyos ko, Ning. Pagpapanggap lang 'to! Huwag kang kiligin, baka ma-stroke ka! "O, sige po. Operation: Bye-bye Bruha, start na!" sabi ni Ning, pilit na itinatago ang kaba. "Pero bago ang lahat, kailangan ko munang mag-retouch. Baka hindi maniwala ang bruha na 'love of your life' niyo ako kung mukha akong basahan. Mag-aayos lang ako ng konti, Sir. Hintayin niyo ang 'Samar Beauty' ko!" Tumawa nang mahina si Rax. Isang tunay na tawa. "Go ahead, my love. I'll wait for you in the sala. Don't make me wait too long." Mabilis na tumakbo si Ning sa kwarto niya, ang mga yapak niya ay mabilis na naglaho sa hallway, habang si Rax ay naiwang nakatayo sa gitna ng kusina. Tahimik ang paligid, maliban sa mahinang tunog ng refrigerator at ang sarili niyang paghinga na tila naghahabol sa kung ano. Dahan-dahang itinaas ni Rax ang kanyang kamay at napahawak sa sarili niyang dibdib, sa mismong tapat ng kanyang puso. Malakas ang pintig nito—mabilis, seryoso, at tila hindi sumusunod sa lohika ng isang bilyonaryong sanay sa kontrol. Bakit parang... bakit parang hindi lang pagpapanggap ang nararamdaman ko? tanong niya sa sarili. Sa loob ng maraming taon, itinuring ni Rax ang kanyang puso na parang isang kumpanya: kailangang protektado, kailangang walang butas, at higit sa lahat, kailangang kumikita ng katahimikan. Pero sa loob lamang ng ilang araw, ang pader na iyon ay tila binubunggo ng isang lampang babaeng taga-Samar na walang ibang baon kundi katapatan at kakaibang tapang. Naalala niya ang pakiramdam nang sumubsob si Ning sa dibdib niya kanina. Ang amoy ng buhok nito na parang shampoo na hinaluan ng araw, ang init ng palad nito na tumagos sa kanyang damit, at ang paraan ng pagtawag nito sa kanya ng "Sir" na tila ba siya ang pinakamahalagang tao sa mundo—hindi dahil sa pera niya, kundi dahil sa kanya mismo. "Darn it, Raxon," bulong niya habang napapasapo sa kanyang mukha. "You’re a Vantress. Hindi ka dapat kinakabahan sa harap ng isang katulong." Pero alam ni Rax na simula nang pumasok si Ning sa mansyong ito, hindi na siya "lang" katulong. Siya ang tanging taong nakapagpatawa sa kanya nang totoo pagkatapos ng mahabang panahon. Siya ang tanging taong hindi natakot sa kanyang pagsusungit. Huminga siya nang malalim at inayos ang kanyang tayo. Kailangan niyang mag-focus. Ang plano ay mapaalis si Monica, hindi ang mapa-fall sa sarili niyang palabas. Pero habang iniisip niya ang magiging hitsura ni Ning kapag lumabas na ito sa sala, isang hindi mapigilang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. "Triple the salary," mahina niyang tawa. "Kahit gawin ko pang sampung doble, mukhang sulit pa rin basta siya ang kasama ko." Kinuha ni Rax ang kanyang cellphone at nag-type ng mensahe sa kanyang security. 'Make sure no one interrupts us in the sala. I have a very important... performance to attend to.' Pagkatapos, tumalikod na siya at naglakad patungo sa sala, handa nang harapin ang ex-girlfriend na dati ay kinatatakutan niya ang drama, pero ngayon ay tila isa na lang maliit na hadlang sa isang masayang gabi kasama ang kanyang bagong fiancée. Samantala, sa loob ng kwarto ni Ning, abala ang dalaga sa paghahanap ng pinakamagandang pulbo at liptint na meron siya. "Kaya mo 'to, Ning! Para kay Tatay, para sa triple na sweldo, at para... para na rin sa puso ng Dragon!" sigaw niya sa harap ng salamin. ~ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD