Chapter 1: The Charming Waitress and the Lonely Heir
Ang Montenegro Suites ay puno ng ingay mula sa masayang usapan ng mga bisita at kalansing ng mga baso. Nakatayo si Heratheneia sa kanyang station, ang kanyang uniform ay perfect na nakaplantsa, at ang kanyang radiant smile ay nakatago ang kanyang tunay na iniisip. Inayos niya ang apron niya at mabilis na sumilip sa reflection sa polished silverware. Perfect, as always.
“Table 7,” bulong ng manager niya habang dumadaan, bahagyang tumuturo sa isang nakatagong sulok. “Harold Montenegro. Bunso ng pamilya. Huwag kang magkakamali.”
Umangat ang gilid ng labi ni Heratheneia, isang maliit na ngiti. Kilala niya si Harold Montenegro—spoiled, dramatic, at halatang naghahanap ng pansin. Ang instinct niya ay nagsasabing ito na ang pagkakataon niya.
Bitbit ang tray nang with elegant grace, lumapit siya sa mesa. Nagniningning ang kanyang mga mata habang bumungad ang kanyang mainit na ngiti. “Good afternoon po, sir. May gusto po ba kayong inumin?”
Hindi man lang siya nilingon ni Harold na abala sa pagta-tap sa kanyang phone. “Kahit ano,” sagot niya nang walang pakialam.
Bahagyang tinaas ni Heratheneia ang kilay na kunwaring na curious. “Bad day po ba?”
Umismid si Harold, hindi pa rin tumitingin sa kanya. “More like bad life.”
Dahan-dahan niyang inilapag ang baso ng tubig sa mesa. Medyo yumuko nang kunti para makita siya nito sa gilid ng mga mata. “Minsan po, nakakagaan ng pakiramdam ang mag-open up,” sabi niya nang malumanay na boses. “Magaling po akong makinig.”
Napatingin si Harold sa kanya na kunot ang noo. “Bakit ka naman mag-aalala?”
Pinalambot ni Heratheneia ang ngiti niya. Isang ngiti na kayang tunawin ang yelo sa Siberia. “Minsan po kasi, kailangan lang natin ng taong makakaintindi.”
Sandaling tumitig si Harold sa kanya, halatang nag-aalinlangan pero tila may konting interes.
‘Perfect.’
Kinabukasan, bumalik si Harold. At sa sumunod pang mga araw. Noong una, puro reklamo lang tungkol sa pamilya niya ang sinasabi nito, pero sa tulong ng maingat na pagtango ni Heratheneia at mga tanong na tamang-tama ang timing, unti-unti itong nag-open up.
“Hindi nila ako pinapakinggan,” reklamo ni Harold isang gabi habang galit na tinutusok ng tinidor ang pagkain. “Sinabi ko kay Dad na may ideas ako para sa hotels—mga paraan para mapaganda ang pagpapatakbo nito. Pero tumawa lang siya. Sabi niya, masyado pa raw akong bata para maintindihan ang negosyo.”
Inilapat ni Heratheneia ang kanyang baba sa kamay niya at ang mga mata niya ay kunwaring nagniningning sa “interest.” “Ang hirap naman nun. Gusto mo lang naman pong marinig nila ang ideas mo.”
“Exactly!” biglang sigaw ni Harold, tumataas ang boses niya sa excitement. “Ikaw lang talaga ang nakakaintindi sa akin!”
Bahagya siyang umabot at hinawakan ang kamay ni Harold nang marahan. “Baka po kailangan niyo silang kumbinsihin—hindi sa salita, kundi sa gawa. Patunayan niyo pong seryoso kayo.”
Tumitig si Harold sa kanya na tila biglang nagkaroon ng determination. “Sa tingin mo kaya ko?”
Ngumiti si Heratheneia na puno ng encouraging vibes. “Naniniwala ako sa inyo, Sir Harold.”
Habang tumatagal, nagiging predictable ang routine nila ni Harold. Habang iniisip ni Heratheneia ang mga susunod niyang hakbang, unti-unti namang nagbabago si Harold. Dumadalo na ito sa mga family meetings, nagvo-volunteer sa mga maliliit na tasks sa kumpanya, at, ang ikinagulat ng lahat, tumigil na sa pagta-tantrums.
Isang gabi, niyaya siya ni Harold sa pinakamahal na restaurant sa lungsod. Habang nakaupo sa ilalim ng malambot na ilaw ng chandelier, inabot ni Harold ang kamay niya.
“Heratheneia,” bungad nito, nanginginig ang boses, “binago mo ang buhay ko. Mas naging mabuting tao ako dahil sa’yo. Wala pa akong naramdamang ganito sa kahit sino.”
Ngumiti si Heratheneia, pero ang utak niya ay nagpa-plano na ng susunod na galaw. “Harold, you mean so much to me. Pero... hindi ko alam kung matatanggap ako ng pamilya mo.”
Napakunot ang noo ni Harold. “Bakit hindi? Kakausapin ko sila. I’ll make them understand.”
“Hindi naman ganun kadali yun,” sagot niya, kunwaring nagdadalawang-isip. “Isa lang akong waitress. Hindi ako nababagay sa mundo mo.”
Humigpit ang hawak ni Harold sa kamay niya, puno ng conviction. “Wala akong pakialam. Ipaglalaban kita. Lalaban ako para sa atin, Hera.”
Kinabukasan, pinatawag siya ni Donya Victoria Montenegro, ang matriarch ng pamilya. Ang presensya nito ay nakakatakot, at ang titig nito ay halatang nang-uuyam.
“Alam kong nakikipagkita ka sa anak ko,” sabi nito nang diretsahan.
Tumango si Heratheneia, kunwaring nahihiya. “Opo, ma’am. Mahal ko po si Harold.”
Umiling si Donya Victoria, ang mga mata ay puno ng pagdududa. “Huwag na tayong magpaligoy-ligoy. Gusto mo lang ang pera niya, ‘di ba?”
Kunwaring nagulat si Heratheneia, halos mapamura sa loob pero pinanatili ang kanyang expression. “Ma’am, hindi po totoo ‘yan! Special po sa akin si Harold. Mabait siya, at—”
“Enough,” putol ni Donya Victoria, itinaas ang kamay para patahimikin siya. “Babayaran kita ng sampung milyong piso para layuan ang anak ko. Kunin mo, at ayoko nang makita ang mukha mo ulit.”
Nagkunwaring nag-aalinlangan si Heratheneia, bahagyang kinagat ang labi na parang nalilito. Pagkatapos ay dahan-dahang tumango, parang tinanggap ang “kapalaran.” “Kung ito po ang makakabuti kay Harold, aalis na po ako.”
Habang naglalakad palabas ng Montenegro building, ang checke ay nakatago sa kanyang bag, lumabas ang isang ngiting puno ng tagumpay sa labi ni Heratheneia.
First target: Success. At simula pa lang ito.
Sa restaurant, hindi mapigil ang mga staff sa kanilang tsismisan.
“Anong ginawa niya kay Harold? Para bang biglang naging tao ‘yung spoiled na si sir!” biro ng isang waiter.
“Magic ‘yun,” sagot ng isa, kunwaring seryoso. “O baka naman may espesyal na smile lang talaga siya.”
Napangiti si Heratheneia habang naririnig ito, pero sa isip niya, Magic? Hindi. Hard work at patience lang ito noh.
Nakita niya si Harold na may dalang maliit na notebook. Sinisilip niya ito mula sa gilid at nabasa ang nakasulat: “Step 1: Impress Dad. Step 2: Marry Heratheneia.”
Halos matawa siya nang malakas, pero pinanatili ang kanyang composed na aura. “Ang sipag naman ni sir,” sabi niya nang malumanay.
Hindi alam ni Harold, nakaplano na rin ang Step 3: I-cash ang check at maglaho.
At pumasok siya sa opisina ng HR para i-submit ang Resignation Letter niya. Immediate effectively.