Parang binabarena ang ulo ni Sylvia habang nakapikit. Kahit gustuhin niyang matulog ay gising na ang diwa niya. Pakiramdam niya ay may nakadagang kung anong mabigat sa magkabilang talukap ng mga mata niya nang buksan iyon.
Malabo man ay alam niyang nasa loob siya ng silid. Wala sa sariling napatingin siya alarm clock, daig pa niya ang nakakita ng multo nang makita ang oras.
"Naku po," tanging saad niya, at halos lumipad ang kumot nang hawiin niya.
Natatarantang tumayo si Sylvia, nang isuot ang pares ng tsinelas ay na out of balance pa siya dahil sa pagmamadali. Nang tuluyang maisuot ay nagmamadali pa rin siyang naglalakad.
Hanggang sa matigilan siya ng kusa.
Naging malikot ang mga mata niya habang may kung anong pilit na iniisip.
Bakit ba siya nagkakandarapa sa pagmamadali?
Saan ba siya pupunta?
Saan ba siya papasok?
Bilog na bilog ang itim niyang mga mata habang paatras pabalik sa kama. Dahan-dahan siyang umupo, at kumapit sa bed sheet.
Natulala siya sa isang dako ng silid. Napahagod siya sa batok habang tinutulungan ang sariling makaalala.
Bukod sa pagpunta nila sa bar, ano pa ba'ng nangyari?
"Hay," muling ibinagsak ni Sylvia ang tingin niya ay napapagod na katawan sa higaan.
"Resigned na nga pala ako sa trabaho," mahina niyang tinapik ang noo.
"Tumatanda na talaga yata ako."
Bumangon siyang muli, at itinapon ang tingin sa binatana ng kwarto. Tirik na tirik na ang araw kaya't sigurado siyang tanghali na.
Siniglayan niya ang orasan, mga ganitong oras sigurado siyang hindi na niya alam ang uunahing trabaho sa opisina.
O baka, nakapila pa rin siya para sa kape ng kaniyang amo.
Rumehistro kay Sylvia ang mukha ng binata. At ang kahapong nangyari sa kanila, nang ibigay niya ang resignation letter.
Umiling siya, at pilit na iwinaksi ang nasa memorya, ganoon na rin ang nararamdamang lungkot sa puso.
Hindi dapat siya maging malungkot dahil ito naman talaga ang gusto niyang araw.
Gusto niyang buhay!
Ang matulog na walang limitasyon.
Umagang low-key ang lahat, walang hinahabol, walang minamadali at umagang hindi nakapapagod.
Tumango si Sylvia habang nakaguhit sa labi ang isang magandang ngiti. Tumindig siya, at pumeywang. Maaliwalas ang mukha niya nang muling tanawin ang araw sa labas.
"Ala'y ereng bata, bakit hindi ka pa nakagayak?" usisa ni Sonia habang abalang nagbebenta sa mga customer.
"Kapeng barako nga inang," balewala niya sa tanong nito, at nagtungo sa isang mesa.
Umupo siya sa isa sa mga silya. Kailangan niyang kausapin ang ina, ganoon na rin ang buong pamilya tungkol sa trabaho niya.
"Hoy, Spike! Pumarine ka!" tawag niya gamit ang Batangueña accent.
"Bakit ba?" anas agad nito, at ibinato pa ang hawak na basahan na panlinis ng motor.
Agad na umasim ang mukha ni Sylvia. Lagi talagang galit sa mundo ang bunsong kapatid niya na ito.
Parang 'yong boss niya-
Matigas niyang itinagilid ang ulo para pigilan ang sarili sa pagsasali ng dati niyang amo sa isip.
"Basta, lumapit ka rito!"
"Nasaan sina Kuya, at Ate Jellie?" dagdag niya, at nagmasid sa paligid.
"Iginala saglit si Sophia," yamot pa rin na tugon ng binatang kapatid, at napipilitang umupo sa katapat niya.
"Bakit hindi ka pumasok?"
"Sabado ngayon," Pumadyak pa ito sa inis sa tanong niya.
"Sorry naman. Hindi ko alam," dispensa ni Sylvia.
Sa araw-araw niyang abala ay hindi na niya alam ang araw. Kung lunes, martes, basta pasok lang siya ng pasok. Madalang pa sa patak ng ulan kung bisitahin niya ang kalendaryo.
Pakiramdam niya ay parang bula lang ang weekends sa sobrang bilis matapos.
"Ikaw, ba't 'di ka pumasok?"
Napatingin siya kay Spike na pinagmamasdan lang ang hitsura, at hinagod pa ang suot niyang pang-bahay na damit.
Imbis na sumagot si Sylvia ay tinanaw niya na lang ang ina. Palapit na ito sa kanila habang may dalang kape. Narinig na rin niya ang pagtunog ng gate, dumating na rin ang mag-asawa.
"May sasabihin sana ako sa inyo," seryosong panimula niya habang pinagsasalit-salitan ng tingin ang bawat miyembro ng pamilya.
Takang-taka naman ang mukha ng mga ito habang nakatunghay sa kaniya. Hinawakan niya muna ang tenga ng tasa ng kape bago muling nagtaas ng mukha.
"Tu-tungkol sa trabaho ko."
"Nag-iba ba ang oras ng trabaho mo?"
"Napansin kong tanghali ka na kung pumasok," sambit naman ni Sonia.
Umiling lamang si Sylvia para hindi sumang-ayon sa estima ng ina. Nagkatinginan ang mga ito ng makahulugan.
"E, ano?" hindi makapaghintay na usisa ni Sol habang kandong-kandong ang anak.
"Inang, Kuya Sol, Ate Jellie, Spike, at Sophia."
"Nag-resigned na ako," kumpletong tawag niya sa pangalan ng mga ito habang nahihiyang sinasalubong ang tingin ng mga ito.
Awang ang bibig ng kaniyang mga kaharap. Tulala rin ang mga ito sa kaniya kaya mabilis siyang muling nagsalita.
"Huwag kayong mag-alala. May ipon naman ako kahit konti."
"Atsaka, tutulong naman ako rito sa business natin," pinasaya ni Sylvia ang boses para maibsan ang kaba na nararamdaman.
"Hindi naman iyon tungkol doon," seryosong wika ni Sonia, at hinawakan ito sa kamay.
Nawala ang pekeng ngiti sa labi niya, at pinagtagpo ang mga mata nila ng ina.
"Marami ka ng nagawa para sa pamilya natin."
"Hindi ito tungkol sa pera, o kung anong maitutulong mo."
"Inang," naging malungkot ang himig ni Sylvia habang nanginginig ang ibabang bahagi ng labi.
"Ang gusto naming malaman kung anong dahilan ng pag-re-resign mo?"
"Tama si Inang, bakit ba biglaan naman ang desisyon mo?" tanong ni Sol.
Itinikom niya saglit ang bibig para hindi tuluyang kumawala ang emosyon. Sinubukan pa rin niyang ngumiti sa harap ng pamilya.
"Wa-wala naman po. May nagpag-usapan lang kami," Sumulyap siya sa hipag na nakatayo sa likod ng kanilang panganay.
"May na realized po ako dahil doon. Kaya ko ginawa 'yon," Ngumiti si Sylvia ng natural sa mga ito habang walang mababakas na pagsisisi sa nagawang desisyon.
Tumango-tango ang mga ito, mukhang namang hindi na uungkatin o aalamin kung anong nagpag-usapan nila ni Jellie.
"Kung ganoon, anong sabi ng mga kasama mo sa trabaho?"
"Iyong boss mo?" dugtong ni Sonia.
Nagkatinginan si Sylvia at Jellie dahil sa pag-uusisa ng kaniyang ina sa naging reaksyon ng amo.