KABANATA 9

1033 Words
Tiningan ni Troye si Sylvia tuwid sa mga mata. Hanggang sa unti-unti niyang nilukot gamit ang isang palad ang papel. Halata naman sa hitsura ng kaniyang sekretarya ang pagkabigla sa ginawa niya. "You're kidding," matatag niyang paniniwala na nakapagkunotnoo rito. Buong lakas niyang ibinato ang bumilog na papel. At tumalsik iyon sa kung saan na agad na sinundan ng tingin ng sekretarya. "Anong-" halos hindi alam ni Sylvia ang sasabihin sa ginawa ng amo. Nanlalaki ang 'di lang mga mata, lahat ng may butas na parte ng katawan niya dahil sa sobra-sobrang inis. "I will not accept it." Pagkatapos ng mga salitang iyon ay basta na lamang lumayas ang binata. At naiwan siya sa loob, kulang na lamang gumuho ang pinto nang isara nito ng ubod ng lakas. "Ang laki mo talagang tinik sa buhay ko," naiiyak niyang usal habang salat-salat ang noo. Nagpalipas si Sylvia nang ilang segundo sa loob. Inayos niya muna ang sarili bago lumabas. Nang mapihit ang seradura, at makaharap ay nakatayo ang mga kasamahan niya na para bang hinihintay talaga siya. Nang magsimulang pumalakpak ng dahan-dahan si Gabe habang umiiling. Sinundan iyon ni Lorie, at ng iba pang mga ka-opisina. "You're the best secretary in the world, Sylvia Dimaculangan," hangang-hanga na sambit ni Gabe habang nag-slow clap. "Itigil ninyo nga 'yan," awat niya, nang maglakad ay humarang si Lorie sa daraanan niya. "What made you decide to quit, to leave Mr. Troye Matthew Ledesma?" tanong nito. Hindi naman siya nakakibo, inakbayan siya ni Gabe mula sa kabila. Habang ang iba ay pinalibutan siya. "Narinig namin ang usapan ninyo, nag-resign ka bilang secretary niya?" "Yes I did." "Bakit?" "Anong bakit?" naguguluhan na rin niyang balik-tanong. "Bakit ngayon lang?" malakas, at masayang tono ng kaakbay na kaibigan. Nagugulumihanan si Sylvia na luminga rito. Ngiting-ngiti si Gabe sa kaniya, at mukhang masaya sa naging desiyon niya. "Dapat noon pa!" "Noon pa na umalis si Mr. T." "Dapat noong nagpalit na ng CEO, nag-resign ka na!" Napangiti siya nang hindi inaasahan dahil sa narinig. Dahil nakaabay si Gabe sa kaniya ay hindi na siya nakatanggi nang ilakad siya nito palapit sa mga kasamahan. "May edad ka na para saluhin lahat ng stress, at kalokohan ni Sir Troye." "Aba, tama lang ang ginawa mo," pag-sang ayon nito. "Tama!" "Oo nga!" "Kung ako nga lang may mahahanapang ibang trabaho. Hay, umalis na ako sa kumpanyang ito!" Isa-isa tiningan ni Sylvia ang mukha ng mga ka-opisina. Sumasang-ayon, at masaya rin ito sa naging desiyon niyang umalis na sa trabaho. "Pero, wait!" Lumapit si Lorie sa kanila. "Hindi pumayag si Sir Troye, so paano 'yon?" Natigilan sila, at tila mga nag-isip. Sa reaksyon nga ng kanilang amo ay hindi pumayag sa kaniyang resignation. "Mayroon tayong mga rights bilang employee. At isa naroon ang mag-resign kapag feeling po may mali na," sambit ni Greg. Sabay-sabay silang tumango. "Sabagay, pero Sylvia, final na ba 'yan?" "Talagang give up ka na as a secretary of one of the hottest CEO in town?" paninigurado ni Lorie habang nakatingin sa kaniya ng pailalim. Para namag bigla siyang napipi sa tanong na ito. Sigurado na nga ba siyang lisanin ang kumpanyang maituturing niyang pangalawa niyang kanlungan? Hindi lang naman tungkol iyon sa kaniyang amo. May mga ka-trabaho, kaibigan, at pamilya siyang maiiwan dito ng gano'n-gano'n na lang. "Wala ng atrasan 'yan, Sylvia." "Kapag resign na resign na talaga," singit ng iba niyang kasamahan. Naalaa niya ang mga walang katapusan na utos ng binata. Kung paano siya ipinahiya nito noong isang araw sa kaharap ng ka-date nito. Kung paano siya nag-effort dalhin ang wallet nito pero bandang huli, panlalait lamang ang natanggap niya. At nang bigla na lamang pumasok sa isip niya ang usapan nila ng hipag, tungkol sa tuyo niyang buhay pag-ibig. Para bang mas tumapang siya, at napawi ang kapirasong pagkabahala, ganoon na rin ang awa. "Sigurado na ako." "Pagod na ako sa mga kalokohan." "Sa nakapapagod na utos." "Sa pagbili ng mahal na kape!" "I want to live my life to the fullest!" "Free from stress, free from Troye Matthew Ledesma!" Napangiti si Sylvia sa mga huling binanggit. Kakaiba sa pakiramdam ang tawagin ang buong pangalan ng amo, dating amo ng walang halong paggalang o ka-pormalan. Nagpalakpakan ang lahat na nakapalibot sa kaniya. Sumisipol, at nagsisigawan pa ang mga ito sa sobrang saya dahil sa mga narinig sa kaniya. "Inom tayo!" yaya ni Gabe habang nakaangkala sa braso ni Sylvia. "Sige, it's on me!' pag-ako niya ng magiging gastos sa pag-inom. Muli na namang nagsigawan ang mga baliw niyang kasamahan. Napapilig siya ng ulo habang nakangiti nang matamis. Hindi kailanman naging ganito kasaya ang araw niya noon pa man. Iba talaga kapag nakakawala ka sa isang kulungan. Para siyang isang inosenteng nakalaya. "Mag-iinom tayo buong gabi para mag-celebrate!" "Game kami riyan!" sigaw naman ni Lorie. Nag-apiran sila, at ang iba pa nilang kasama. Sumakay sila sa taxi, at nagtungo sa isa sa mga bar. Agad silang umukopa ng isang lamesa, at nagtawag ng waiter. Ilang minuto lang ay nagsimula na silang mag-inom. "Alam ninyo, ang saya-saya ko ngayon!" hiyaw ni Sylvia habang nakataas ang baso sa ere. Medyo may tama na siya ng alak, pero malinaw pa rin rumerehsitro sa mga mata niya ang iba't-ibang kulay ng ilaw na mula sa dance floor ng bar. Panay rin ang pag-alog ng mga ulo niya, at ng mga katabi niya dahil sa pag-e-enjoy sa nakabibinging party music. Pabalik-balik din ang waiter sa pwesto nila para magdala ng mga alak. Ang iba nilang kasamahan ay nagsasayaw na sa dance floor na natatanaw nila. "Hoy, Gabe, Lorie, Michelle, Sanya, at ikaw, Patrick!" lasing na tawag ni Sylvia sa mga kasama sa lamesa. "Ngayon na, wala na akong trabaho!" "Lagi tayong mag-pa-party, katulad nito. Maliwanag?" hirap na hirap siyang humarap sa mga ito dahil sa nag-uumpisang makaramdam ng hilo. "Hoy ka rin, Sylvia! Gabi-gabi kami rito!" "Ikaw lang naman itong hindi sumasama dahil lagi ka na lang nauubusan ng oras sa pag-aasikaso mo sa alaga mong amo!" natatawang pagtatatama ni Gabe na mas bangag kaysa sa kaniya. "O, sige!" "Ito, promise!" lasing na itinaas niya ang kaliwang kamay para mangako sa mga kaharap na kaibigan. "Promise, gabi-gabi akong sasama sa inyo." "Magliliwaliw tayo hanggang mag-umaga!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD