KABANATA 8

960 Words
Hindi kumukurap ang mga mata ni Sylvia habang nakadako ang tingin sa wall clock na nakasabit sa isang gilid. Bawat paghinga niya ay katumbas ng pag-ikot ng kamay ng orasan. Hinampas niya ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa kasabay nang pagtayo nang tumapat ito sa orasan ng kanilang uwian. Parang mga tangang nakatulala sa kaniya ang mga nakapaligid na kasamahan. Buong kumpiyansang bumuga siya ng hangin. Hinawi ang likod patalikod, at lumipad ang matalas na mga mata sa nakasaradong pinto ng amo. Napatingala si Troye nang may kumatok. Katatayo lamang niya habang kinukuha ang cellphone. Oras na ng uwian, at kadalasan ay parang mga batang nagtatakbuhan ang mga empleyado niya para lang maunang makauwi. Kaya't sino kaya ang kumakatok? Nang muling tumunog ang pinto ay sandali niyang sinulyapan ang suot na wrist watch. Naiinis siyang kumamot sa maputing leeg. "Come in," bahagyang nilagyan ng pagkairita ang himig. Tumikwas ang isang kilay ng binata nang iluwa ng nagbukas na pinto ay ang sekretarya. Tumindig na siya ng diretso nang mapansin ang kakaibang awra nito. "Do you need anything, Miss Dimaculangan?" nagtatakang anang ni Troye. May kakaiba sa mga mata ni Sylvia habang diretso, at walang alinlangang nagtungo sa tapat ng lamesa. "Ba-bakit?" hindi alam ng binata kung saan galing ang kabang biglaang dumapo sa kaniya. Alam niyang may kakaiba sa sekretarya. Hindi nga lang siya ganoong kagaling para malaman, at mabasa iyon. Mabilis ang tahip ng dibdib ni Sylvia dahil sa halo-halong emosyon. Kinakabahan, natatakot, at nasasabik siya sa sasabihin ngayon sa harap nito. Ilang sandaling naghinang ang mga mata nila, ang kaniya na buong tapang, at sa among lubos na nagtatanong ang tingin. "A-ano ba iyon, Miss Dimaculangan?" kahit nangangamba ay hinaluan ng binata ang boses ng pagkayamot dahil sa inaasta nito. Binasa niya ang ibabang bahagi ng labi bago inangat nang bahagya ang hawak na papel. Napatingin naman si Troye sa hawak niya. "What is that?" pormal na usisa nito, at pumeywang. Inilagay niya ang papel sa ibabaw ng mesa bago sinalubong ang tingin ng amo. Isang beses siyang lumunok para mas maging malinaw ang tinig niya sa oras na magsalita. "Sir, this is my resignation letter." Animo'y bumagsak ang mundo sa magkabilang balikat ni Troye mula sa narinig. Awang din ang labi niya habang sinusundan ang bawat paggalaw ng mga mata ng kaharap na sekretarya. Namayani ang nakabibinging katahimikan sa loob ng malamig na opisina. Nanatiling lamang magkahinang ang mga mata nila. Hanggang basagin na ni Sylvia ang nakaiilang na senario. "Mag-re-resign na po ako, Mr. Ledesma." Tumikhim ang binata, napahagod sa paligid ng labi. Bahagya rin napayuko ang katawan niya kasabay nang paghawak sa lamesa. Para bang nanghina ang buong katawan niya sa narinig. O kung tama ba siya ng pagkakarinig? "Thank you for everything." "Nagpapasalamat ako dahil nakapasok ako sa ganitong ka-successful na company. Lahat ng natutunan ko ay siguradong pag-iingatan ko habang-buhay," pigil ang paggaralagal ng boses ni Sylvia. Ang mga mata niya ay nag-uumpisang mag-ulap. Hindi niya alam na magiging mabigat din pala ang pakiramdam niya sa loob-loob. Masasaktan din pala siya sa pamamaalam sa lugar na naging malaking parte ng buhay niya. "Wala akong ibang hangad, kung 'di ang mas ikabubuti, at ikakaunlad ng Ledesma Company. At sana lahat ng mga plano ninyo bilang CEO ay matupad." Nagtagisan ang mga panga ni Troye. At ang mga kamay na nakakapit sa lamesa ay dahan-dahang yumukom. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa kaharap na sekretaryang nakayuko ngayon. "Mr. Chief Executive Officer, I wish nothing but the best for you and the rest of the Ledesma Company." Sa pagkakataong ito ay umangat na si Sylvia. Natigilan siya nang magkonekta ang mga mata nila ng binata. Tumigil yata ang t***k ng puso niya nang matitigan ang nag-uumpisang nangalit na mga mata nito. "Is this kind of a f*****g joke?" "This ain't funny, Miss Dimaculangan," mapait ang ngiting umukit sa labi ni Troye. Umaasang nagbibiro lamang ang kaharap. Pero napunit ang ngiting mapait nang umiling si Slyvia. Nabanaag niya ang pagiging pormal, at seryoso nito. "Hindi po ako nagbibiro, Mr. Ledesma." "I am now resigning as your Executive secretary." "Wait, why?" hati sa tawa, at pagtatakang litanya nito. Inilahad pa ang dalawang kamay habang ang imahe ay hindi niya maunawaan. "You can read-" hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Sylvia ay marahas na hinagip nito ang resignation letter niya sa lamesa. Nag-aarko ang mga kilay niya habang pinagmamasdan lang ito. Bago nito itinuon ang mga mata sa hawak na papel ay iniwanan siya nito ng isang matalim na tingin. Mabilis ang paggalaw ng mga mata ni Troye habang binabasa ang papel. Halos malukot ito sa gigil na bumabalot sa kaniya. Ang butas ng mtangos niyang ilong niya ay tila may lumalabas na usok, at napakainit no'n. "I hope you can understand my decision, Mr. Ledesma." "Understand?" bayolenteng anito nito. Napaamang naman si Sylvia sa reaksyon ngayon ng amo. Namumula ito sa galit, at ang pintig ng ugat nito sa leeg ay malinaw niyang nakikita. "Sir-" Hindi na niya naituloy ang paliwanag nang hampasin nito ng ubod ng lakas ang lamesa dahilan para mapaigtad siya, at mapapikit ng mariin. Madilim ang anyo ni Troye habang nakapako pa rin ang tingin sa mukha ng sekretarya. Bumibilis ang t***k ng puso niya dahil sa sobrang galit sa mga naririnig mula rito. "I don't understand you now, Miss Dimaculangan," matigas na matigas nitong anang. "I know, you don't," malungkot namang saad ni Slyvia nang imulat ang mga mata. "And you never," mas masakit niyang dagdag. Napahinto ang binata, at napakurap. Huminga muna si Sylvia bago itinuloy ang mga sasabihin pa. "That's why, I am doing this." "Hindi na ako masaya sa trabaho ko." "Hindi na ako masaya bilang sekretarya mo, Mr. Ledesma kaya mag-re-resign na ako ngayong araw."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD