Umuusok ang ilong ni Sylvia dahil sa umaapaw na galit. Mukhang nanadya talaga ang boss niyang iyon. Isang matalim na tingin ang itinitig niya sa lamesa.
"Lorie, sinong nagdala nito?" seryosong-seryoso niyang aniya nang luminga sa kaibigan na agad nang nakabalik sa sariling lamesa na malapit lang sa kaniya.
"Ang alam ko, dinala ni Patrick 'yan," patay-malisyang sagot naman ni Lorie habang nagsasalamin, at naglalagay ng lipstick.
Nanlilisik na mga mata ang binato ni Sylvia sa nakasaradong opisina ni Troye. Dinadagdagan talaga nito ang bwisit niya sa buhay trabahong mayroon siya.
Tanggap naman niya ang maraming trabaho. Pero hindi ganitong, sandamakmak. Muli niyang pinagtuunan ng pansin ang mga folder.
Walang ingat niya itong pinagbubuksan isa-isa, at walang ano-anong ibinabato niya ito sa gilid. May pagkakataon pa na napangingiti siya sa inis, lalo na sa tuwing nababasa ang laman ng folder.
Dahil kahit hindi na sakop ng kaniyang trabaho ay naroon. Hindi magkamali si Lorie, lahat ng dapat sa ibang department ay tatrabahuhin niya.
Hindi na iyon makatao!
"Good morning, Sir!" Tumayo, at sabay na sabay ang lahat ng nasa loob na bumati sa binatang si Troye.
Napairap ang mga mata ni Sylvia, hindi pa man niya naaninag ang nakaasar na mukha ng boss ay nanginginig ang laman niya.
Napilitan pa rin siyang tumayo sa kinauupuan habang diretso lang ang tingin. Kaswal na naglalakad ang binata. At nang tumapat sa lamesa ng sekretarya ay nag-utos siya ng kinaugalian.
"Miss Dimaculangan, in my office now."
"Miss Dimaculangan, in my office now," napipikong panggagaya ni Sylvia nang tuluyang makapasok si Troye sa loob ng opisina nito.
Inayos ni Troye ang suot na suit habang nakaupo sa swivel chair. Pasimple niyang tinanaw ang pwesto ng sekretarya. Katatayo lang nito sa kinauupuan. Nagdugtong ang mga kilay niya nang mapansin ang patamad, at walang kagana-ganang kilos nito.
"Problema niya?"
Isang katok ang narinig niya para pumormal. Rumehistro sa mukha niya ang seryosong emosyon.
Blanko ang imahe ni Sylvia nang pumasok, at lumapit sa lamesa ng amo. Sinalubong niya ang mga tingin nito habang naghihintay ng sasabihin.
"Coffee."
Tinatamad siyang tumango rito habang parang bigat na bigat ang katawan sa pagsunod sa utos nito.
"Wait, I changed my mind."
Umikot lang siya, at nagtaas ng tingin. Mayabang na sumalampak ang binata sa silya, at pinagdaupan ang mga palad na ipinatong sa ibabaw ng desk.
"Itimpla mo na lang ako ng kape," Nakangiti nang maluwag na pag-iiba nito ng utos.
Lihim na umikot ang mga mata ni Sylvia bago nag-umpisang maglakad patungo sa maliit, at personal nitong kitchen.
Nagtataka ang histura ni Troye nang sundan ng tingin ang sekretarya. Hindi yata ito nagrereklamo at bakit sobrang tahimik nito?
At bakit tila ba parang wala sa sarili.
May nangyari kaya rito kahapon?
"Ganoon ba talaga, 'pag nagkakaedad?" tanong niya sa sarili habang nakapaling ang ulo.
Halos mabasag ang mga canister na kinukuha ni Sylvia sa lakas kung paano niya bitawan iyon. Wala na siyang pakialam kung marinig man ang ingay na nalilikha ng mga babasagin na iyon ng amo. Maibuhos niya lang ang lahat ng yamot na nararamdaman.
"Lagyan ko kaya ng lason?" makulimlim na makulimlim na imahe niya habang hinahalo ang tasa ng kape gamit ang kutsara.
Nakaangat ang pwet ni Troye habang inaabangan ang paglabas ng sekretarya sa kaniyang kusina. Ilang minuto na ang nakalipas nang utusan niya ito para sa kape.
Nang maulinigan ang pagtunog ng pinto ay matulin siyang bumalik sa pagkakaupo. At humablot ng kung anong papel, at nagpanggap na nagbabasa.
Pormal na inilagay ni Sylvia ang umuusok na kape sa tapat ng binatang busy sa pagbabasa. Minabuti niya na itong talikuran, at huwag na magpaalam sa paglabas.
"Wait," hindi na nakapagpigil si Troye sa pagiging malamig nito.
Sa pangalawang pagkakataon ay naninpis ang labi niya. Nanatili siyang nakatalikod sa amo, nag-ipon siya ng libo-libong pasensya bago humarap dito.
Nang magtama ang mga mata nila ay ang binata naman ang natigilan. Lumalim ang gitla sa noo niya nang may mabasang kung ano sa mga mata ng sekretarya.
Hindi niya alam kung anong emosyon iyon.
"May kailangan pa ba kayo, Sir?" mariin ang bawat bigkas ni Sylvia ng mga salita.
Nilinis ni Troye ang lalamunan bago ibinaling ang mga mata taliwas dito. Pormal naman niyang hinintay ang sasabihin nito.
"Fo-forget it!" bawi ng binata nang walang maisip na iuutos.
Napailing na lamang ang ulo ni Sylvia habang ang mga kamay ay bumilog. Isang mabigat na paghinga ang pinakawalan niya para sa makapagtimpi.
Kagat-kagat ni Troye ang ibabang bahagi ng labi habang seryosong tinatanaw ang sekretarya sa salamin. Nag-uumpisa na itong magbuklat ng folder.
Mga folder na inutos niya na ipakuha sa iba't-ibang department. Sinadya niya talaga ito para mainis, at makabawi sa basta na lang nito pag-uwi kahapon.
"Hoy, nakatatakot ka na, girl!"
Patuloy lamang sa pagkain si Slyvia habang kaharap sina Lorie at Gabe. Nagkatinginan ang dalawa habang nakaangat ang mga kilay.
"Hoy, Slyvia! Ano ba'ng problema mo?"
"Ang tahimik mo naman!" dugtong pa ni Lorie sa malakas na boses, at mahina siyang tinapik sa braso.
Walang sagot na natanggap ang mga kaibigan sa kaniya. Tinungga niya lang ang tumbler kaya nagtaas siya ng mukha.
"Ang sabi, 'yong mga taong malapit na raw mamatay talagang tahimik daw."
"Huwag muna, Slyvia. Hindi ka pa nagkakaroon ng jowa!" natatawang pahayag ni Gabe bago naghagalpakan na sikip sa loob ng silid.
Hindi nakatikis si Sylvia, ibinagsak niya ang tumbler. Tinitigan niya nang nakatutunaw ang kaharap na kaibigan.
"Jo-joke lang, ito naman!" natatakot na bawi ni Gabe, at naging mailap ang mga mata.
"Tapos na ako," Tumayo siyang walang emosyon ang mukha at naglakad palabas.