Kanina pa naghihintay si Tor sa wooden bench na nakapaligid sa punong mangga sa may gilid ng kanilang hardin. Napapalibutan iyon ng lampas-taong bakod na pinaikutan ni Carol ng flowering vines. May dalawa iyong entrance, sa harap at sa likod.
The aura of the place is relaxing, peaceful and unrestricting. Ito rin mismo ang dahilan kung bakit paborito nilang tambayan ito ni Ziya.
Ang katahimikan ng paligid ay nakaka-relax sa pakiramdam. Kaya madalas silang nakakatulog sa wooden bench doon.
Unrestricting naman dahil kapag andoon kasi sila, parang malaya silang gawin o pag-usapan ang mga bagay-bagay. Kumbaga, malayo sa mata ng mga tao.
Katulad na lang nang nangyari kahapon na pag-inom nila.
At ang ginawang pag-amin ni Ziya.
Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin siya sa sinabi nito.
Kaya nga may hawak siyang sulat ngayon, sulat ng pag-ibig dito. Ibibigay niya iyon kay Ziya.
Excited na excited s'ya para sa sarili at para na rin sa magiging reaction ni Ziya. Sigurado s'yang kapag narinig nito ang confession niya ay tatanggapin nito ang alok niyang pag-ibig. Wala naman magiging hadlang sa kanila maliban na lang na bata pa sila at kailangan ng patnubay ng magulang. Pero wala naman magiging problema dahil alam niyang lihim na minimithi ng kanilang mga nanay na magkatuluyan sila. Pabor na pabor sa kanila ang mga nangyayari.
O kay sarap na mahalin ang taong nasa tabi mo na noon pa man, na alam mong hanggang dulo makakasama mo.
"Ang tagal naman nun! Kailan kaya pupunta ‘yun rito?" bulong niya sa sarili habang tinitingnan ang suot na relo.
Hindi na siya nag-abalang i-text si Ziya dahil hindi ito mahilig sa mga ganun. Hindi nga ito madalas mag-load e. Ika pa nito, lahat naman malalaman nito lalo na sa school kung tatanungin siya. Sayang lang daw ang load sa ite-text. Saka na lang kapag may lovelife na siya. Well, baka ito na ang panahon para magpaka-active sila sa chat at texting.
Ang usapan nila ay magkikita sila rito habang nagkakasiyahan sa loob ang mga kamag-anak at bisita nila sa bahay. At kanina pa ‘yun nagsimula.
Paalis na kasi ulit ang Tito Ed niya na s'yang humahawak sa grocery store nila sa Amerika. Kapatid iyon ng nanay nya. Iyon ang bumubuhay sa kanilang dalawa dahil nga maagang namatay ang tatay niya sa sakit sa puso.
Ang bahay na tinutuluyan nila ay ang ancestral house ng nanay niya. Si Tito Ed at ang nanay Carol lang ang magkapatid kaya nung namatay ang kan'yang grandparents ay napagkasunduan nilang si Nanay Carol ang mag-alaga sa bahay nila. Kapalit niyon ay ang pagpapadala nito ng pera buwan-buwan.
Close ang kanyang tito at nanay sa mga pinsan kaya t'wing umuuwi si Tito Ed ay nagsasalo-salo sila. Mini-reunion ganun.
Balak na sana n'yang puntahan ito sa kabilang bahay nang may marinig s'yang paparating na mga yabag.
Sa pag-aakalang si Ziya iyon ay nagtago sya sa kabilang entrada.
Pumasok si Sandra at Carol at umupo sa bench.
"Bakit ba dinala mo pa ako rito, Sandra? May problema ba?"
Busy si Carol sa pag-aasikaso ng mga bisita ngunit hindi niya papalampasin na kausapin ang mukhang nag-aalalang kaibigan.
"Si C-Claire kasi, Carol."
"O, ano namang problema mo kay Claire? Nakakatuwa nga at magkasundo na kayo, e. Nagtatampo nga ako minsan. Iniisip ko may iba ka ng bespren,"
"Ito ka na naman e, seryoso ako."
"Ano nga iyon? Para maintindihan ko," nagsimula na ngang magseryoso si Carol.
"Parang may nararamdaman kasi ako kay Claire this past few days. Lagi niya tinititigan si Ziya. B-baka mamya, ilayo nya sa'kin ang anak ko. H-hindi ko makakaya yun," gumagaralgal na ang boses nito.
Ipinatong naman ni Carol ang buong braso sa likuran ni Sandra at tinapik tapik ang balikat nito. "Wag mong alalahanin pa iyon. Ang tagal na nating nakasama si Claire at talaga namang tinutupad nito ang kasunduan natin."
Nahimasmasan naman si Sandra at pinahiran na nito ang namumuong luha.
"O, andito pala kayo," nakangiting wika ng kararating na si Claire. May kasama itong may kaliitang babae na mukhang hindi naman nalalayo ang edad sa kanila.
"Doktora, salamat at sa wakas ay pinaunlakan mo na ang imbitasyon ko." Niyakap ni Carol yung babae.
Sumunod namang yumakap si Sandra rito. "Natutuwa akong makita kang muli after all this years, Doktora. You still look so young and beautiful."
"Hmmm, nambola pa kayo."
Nagtawanan pa ang apat bago nagpaalam si Sandra at Carol. Kailangan na kasi talaga nilang bumalik sa party at mag-asikaso roon.
"Kailangan ko na atang sabihin kay Ziya ang lahat, Jen," turan ni Claire sa babaeng kasama nito pagkaalis ng dalawa.
"You should not do that, Claire. Nilagay ko na ang sarili kong lisensya sa alanganin nung pumayag ako sa gusto nyo. Why now? Masaya naman kayo pare-pareho."
"Gusto ko lang naman itama ang lahat. Kailangan din ni Ziya na malaman ang katotohanan."
Hindi naiintindihan ni Tor ang mga sinasabi ng dalawa.
"Anong katotohanan ba iyon? May ugnayan ba ang binabanggit nila sa pinag-uusapan nila Nanay kanina?"
"Please, alalahanin mo naman ako, cuz. Mahina na ako sa customer ngayon dahil tumatanda na ako. Ang eskandalong ito ang lalong maglulugmok sa akin," pagmamakaawa nito.
Gusto niyang makita nang malapitan ang kausap ni Claire ngunit hindi naman siya makakilos upang mabistahan ito nang maayos. Baka kasi maglikha ng ingay ang pag-apak nya sa natuyong dahon ng mangga.
"Jen, I need your help again. Para na rin sa ikatatahimik ng loob ko."
"Give me more time, Claire. ‘Pag wala na ako sa hospital. Mga 4-5 years na lang naman."
"Ang tagal pa nun, Jen. Hindi ko na kasi kayang magsinungaling. Nakokonsensya na ako."
"Pag ginawa mo 'yan, magkalimutan na tayo, Claire," banta ng babae bago nagmamadaling umalis.
"Jen!!!"
Naiwan si Claire roon na hindi alam ang gagawin. Tinakpan niya ang mukha, dahil sa frustration na nararamdaman. Pagkababa niya ng kanyang kamay ay nagulat siya na nasa entrada ng fence si Cris, nakatingin sa kanya.
Tumalikod ito at hahakbang na sana paalis nang hinabol niya ito.
"C-Cris, we need to talk."
"Wala tayong dapat pag-usapan, Claire."
"Meron, tungkol sa nangyari sa'tin sa.."
Mabilis na tinakpan ni Cris ang bibig ni Claire at hinatak ito pabalik sa loob ng fence.
"Hindi ka ba nahihiya, Claire? Ilang beses na tayong nag-usap tungkol dito. Matatanda na tayo para balikan pa ang mga iyon. Saka ang tagal-tagal na nun."
"We had a one-night stand," straight to the point na wika ni Claire na may suot na emerald bracelet that time. Iyon ang nakikita ni Tor.
"Yeah, it is just a one-night stand. H’wag mo akong igaya sa mga lalaking naikama mo," marahas na wika ng lalaki.
Tinakpan ni Tor ang kanyang bibig dahil napasinghap siya. Hindi niya mapaniwalaan ang naririnig.
"Tito Cris and Tita Claire had an affair?!"
Para namang may anghel na dumaan dahil pansamantalang namayani ang katahimikan.
"Ganoon na ba kasama ang tingin mo sa'kin? All these years, ikaw lang ang minahal at hanggang ngayon minamahal ko wala nang iba," umiiyak ng wika ni Claire.
"M-minamahal? May feelings pa rin si Tita Claire kay T-Tito Cris?" Gusto nang takpan ni Tor ang tenga dahil ayaw na niya makinig pa sa mga pinag-uusapan.
"Hindi mo ako madadaan sa mga ganyang drama mo. Marumi kang babae!" pabulong ngunit may diing wika ng lalaki.
This is the first time na narinig ni Tor na magalit si Cris, the ever-so-patient Tito Cris.
"H-hindi mo ako lubusang kilala para p-pagsalitaan mo ako nang ganyan. H-hindi mo alam ang mga p-pinagdaanan ko k-kaya wala k-kang karapatang maliitin a-ako!" gumagaralgal nang balik ng babae.
"Who cares? Hindi ko naman kailangan alamin dahil hindi ‘yun importante. Wag mo na pagsiksikan pa ang sarili mo sa'kin. Kahit anong paliwanag mo, hindi nun mabubura ang katotohanang one-night stand lang ang nangyari sa'tin! Please, just please, leave me alone!" matapang na wika ng lalaki.
"Matagal na panahon na akong naghihintay na tratuhin mo man lang akong isang tao, pero malupit ka! You always think low of me, as if hindi ko deserve na makakuha ng respeto. Wala naman na sa’kin kung hindi mo maibalik man lang yung pagmamahal na iniukol ko sa'yo simula pa noon, respeto lang sana bilang isang babae! Bakit hindi mo man lang maibigay sa'kin yun, huh?!"
Ikinuyom na ng babae ang mga kamao nito, hudyat na sa isa pang salita ng lalaki ay makakatikim na ito.
"Ano ba ipinuputok ng butse mo? Hindi ka naman na virgin nung may mangyari satin, ha?! Ilang lalaki na ba ang dumaan sa'yo? Umaano ka na naman ba sa bar na yun? Isa ka rin ba sa nagpapabayad doon? Kung alam ko nga lang na ikaw ‘yung makakasama ko nang araw na yun, hindi ko na itinuloy, e. Lasing tayo pareho! Kaya may nangyari sa’tin!"
Pak!!!!!!
Dinig na dinig ni Tor ang lakas nang pagkakadapo ng palad ng babae sa kausap nito.
"Sumosobra na ‘yang bibig mo! Total ganyan din pala ang tingin mo sa'kin, I might as well tell them the truth about us," mahina pero nanghahamong turan ng babae.
"H-hindi mo gagawin yan! Magkakamatayan tayo kapag sinira mo ang pamilya ko."
"Wala na akong sisirain! Ikaw ang sumira sa relasyon nyo nung nakipag-s*x ka sa'kin! Ang sakin lang ay ang katotohanan!"
Padaskol na kinuha ng lalaki ang kwelyo ng damit ng babae at inilapit ang mukha rito.
"Anong sinabi mo?!!" galit na galit na tinig ng lalaki.
Nang may biglang kumagat na mga langgam sa magkabilang paa ni Tor. Nabiglang napatayo si Tor. Dahil doon, may naapakan siyang mga sanga ng mangga at natuyong mga dahon. Nag-create iyon ng ingay na ikinapitlag ng dalawang nag-uusap. Lumingon ang mga ito sa pwesto kung saan siya naroroon.
"Sino yan?" tanong ni Cris.
Napako na ang paa ni Tor sa kinalalagyan niya kaya di siya nakagalaw.
"Sinooo yan?! Lalabas ka d’yan o ako ang magpapalabas sa'yo," mahinahon pero may diin ng wika ng lalaki.
Lumakad si Tor at dahan-dahang nagpakita sa dalawa.
Napatda sa kinatatayuan si Cris nang mabistahan si Tor habang si Claire naman ay napatakip sa bibig nito upang ikontrol ang pagkagulat nito.
"K-kanina ka pa d'yan, Tor?" si Claire.
Tumango lamang si Tor bilang pagsagot.
"N-narinig m-mo l-lahat?"
Tumingin si Tor sa dalawa at muli ay tumango.
Napatakip muli si Claire nang suminghap ito. Nakita muli ni Tor ang pagkislap ng emerald bracelet ni Claire.
Parang toro naman na susugod si Cris kay Tor kung kaya't natakot si Tor.
"W-wag mong sasaktan ang bata, Cris. P-pakiusap!" Yumakap si Claire kay Cris upang pigilan ito. Bumaling sya kay Tor. "Umalis ka na rito, Tor!"
Sa puntong iyon ay kumaripas na nang takbo si Tor papasok sa bahay.
"O, Tor, bakit parang takot na takot ka?" tanong ni Ed nang makita siya.
"W-wala po. Si Ziya po nakita n’yo?"
"Wala pa. Hindi pa nga pumupunta rito, e."
"Pareng Ed!" bati ni Cris na nasa likuran na pala ni Tor. Nagkamayan ang mga ito.
"Galing ka rin ba sa labas? Ito kasing si Tor ay mukhang takot na takot, e. Ano bang nangyari d'yan sa hardin?" usisa ni Ed.
"W-wala naman. Baka may nakita na namang multo ‘yang si Tor. Bukas ata ang third eye n’ya. Alam mo ba iyon, Ed?" pagsisinungaling ni Cris.
"Ahhh, talaga ba? Naku, hindi ako sigurado kung gift yan o sumpa..HAHA," baling nito kay Tor.
"Hahanapin ko lang po muna si Ziya, Tito Ed, T-tito C-Cris?"
"O s’ya sige, basta mag-ingat ka ha, Tor? Minsan nananakit din ang mga multo," pananakot pa ni Cris na alam naman niyang may double meaning.
Tumakbo na muli si Tor sa labas. Pagkakita niya kay Toks na mukhang pauwi na ay nakisabay siya rito. Ang sabi niya rito ay pupuntahan niya ang kaklase na kapitbahay nito, para sa project nila.
"Paano ko ba iiwasan ang mga ito? H-hindi ko kayang manahimik. Naguguluhan ako sa mga narinig ko. Ano ang mga iyon? K-kanino ako dapat magtanong?"
For the first time in his life, he felt lost. Yung gusto niyang alamin ang katotohanan dahil involve si Ziya ngunit hindi niya magawang magtanong sa mga nakakaalam. Dahil halos lahat iyon ay gustong isekreto ang lahat. Maliban kay Tita Claire. Kailangan niya itong makausap nang masinsinan na hindi alam ni Cris.
Sigurado rin s'yang hindi siya makakalapit kay Ziya dahil kay Cris.
WALANG BALAK na magtago ni Ziya kay Tor pero sadyang kinakain siya ng hiya. Hindi maalis sa isip niya ang ginawa niyang pag-amin kay Tor. Bakit ba kasi hindi nya napigilan ang sarili? Pinangako niya sa sariling hindi na muli iinom ng alak. Yun pala ang epekto sa kanya, nagiging madaldal siya at lumalakas ang loob niya sa bagay na makakaapekto sa kanya.
Tinampal niya ang kanyang noo nang maalala na naman niya ang nangyari.
Papunta na siya sa bahay ng mga ito nang makita niya itong sumakay sa tricycle ni Kuya Toks.
Tinawag niya ang pangalan nito ngunit masyado nang maingay ang motor ni Kuya Toks kaya hindi siya siguro narinig nito.
Pumasok na siya sa loob ng bahay nila Tor at nakipagkumustahan doon. Kilala naman niya halos lahat doon, lalo na ang mga pinsan ni Tor.
Naghintay siya nang naghintay hanggang unti-unting nagpaalam ang mga bisita nila.
"Mauna na po kayo, Mommy, Daddy. Hintayin ko lang si Tor," paalam niya sa mga magulang nang inaya na siyang umuwi.
Tiningnan naman ni Cris ang relo at nakitang alas-diyes na ng gabi.
"Bukas mo na kausapin at gabi na."
"Pero, Dad.."
"Wala ng pero pero. ‘Lika na at maaga pa kailangang umalis ni Tito Ed mo. Ihahatid pa nila ito sa airport bukas. Kawawa naman sila," paliwanag ni Cris pero ang totoo ay iniiwas niya ang anak kay Tor.
Baka merong masabi si Tor kay Ziya, mahirap na.
"Sige po. Nanay Carol, pasabi na lang po kay Tor, hinahanap ko s’ya."
"Okay, iha. Naku! Ewan ko ba at kung saan pumunta ang batang iyon! Hindi naman nagpaalam."
"And'yan lang naman iyon, Carol. Hindi mawawala ang anak mo," pagbibiro pa ni Sandra.
"Sige, Mare, Pare, Ziya. Salamat sa pagpunta."
Natawa nang kaunti si Sandra sa sinabi ng matalik na kaibigan. "As if naman may choice ako na humindi sa'yo."
Nagkangitian na lang muli ang magkaibigan.
KANINA PA nakatambay si Tor sa may one-stop shop sa kanto. Bukas naman iyon hanggang twelve ng gabi kaya hindi siya nag-aalalang mapagsarhan. Ang pinoproblema niya ay siguradong mapapagalitan siya ng nanay niya pag-uwi. Hindi niya alam kung tinetext siya o tinatawagan na nito. Naiwan niya kasi ang sariling cellphone sa kaiiwas kay Cris.
Bandang nine-thirty ay nagsimula na s'yang lumakad pauwi. Siguro naman pagdating niya sa bahay ay wala na si Cris.
Naiwasan nga niya si Cris pero paniguradong magagalit rin sa kanya si Ziya bukod sa nanay niya. Itetext na lang niya ito pagdating sa bahay.
Tamang-tama naman na nung malapit na siya sa bahay nila ay natanaw niyang nagpapaalaman ang mga ito sa kanilang terrace. Nagtago muna siya sa isang poste at hinintay na makauwi ang pamilya Gracias.
Nagpalipas siya ng mga ilang minuto bago dahan-dahang lumakad papasok ng bahay nila.
Isinarado na rin ng kanyang ina ang ibang mga ilaw. Tanging ilaw lang sa terrace ang naiwang nakabukas.
Mabilis ang pag-aayos sa bahay dahil nga nag-hire sila ng cleaners sa araw na iyon. Kaya hindi mahihirapan ang nanay niya na magligpit at maglinis ng bahay nila.
Pagkapasok niya sa front door ay biglang lumiwanag ang paligid.
"San ka galing, Torrence Montemayor?" wika ng galit na si Carol na nakaupo pa pala sa sala, hinihintay siya.
"Ano, uhm, may assignment kasi na kailangan ko gawin ngayon kaya pumunta ako kina, uhm, kuwan, classmate ko sa kanto," pagtatahi ni Tor ng alibi.
"Sa disoras ng gabi? Ni hindi ka nagpaalam? Kahit man lang sa mga pinsan mo? Hinahanap ka nila, iho," panenermon ni Carol.
"Ano po kasi, uhm, emergency po kasi iyon na kailangan ipasa."
"Wag ka magsinungaling, Tor! Si Ziya mismo ay hinahanap ka. Hindi ka rin nagpaalam sa kanya? Wala naman daw kayong project o anumang assignment na sinasabi mo, na may deadline na! San ka ga-ling?!"
"Nay, k-kasi p-po.."
"Grounded ka ha? Nasa akin ang phone mo. Binilhan kita ng phone para matawagan kita anumang oras tapos talagang iniwan mo pa!"
Napipi na si Tor dahil wala na siyang maisip na idahilan pa. Syempre, nanay nya ito, hindi nya mapasisinungalingan.
"Matulog ka na! Maaga pa tayo bukas!" dagdag pa ni Carol.
"S-sorry po, Inay," bukal sa puso ni Tor ang sinambit. Sadyang hindi lang kasi niya kaya sabihin ang totoo dahil involve rin ito.
Pumasok na ang ina sa kwarto nito.
Lulugo-lugong tinungo ni Tor ang silid niya.