“Mommy, pwede ko bang puntahan si Ziya sandali mamya?” tanong ni Tor habang nagbibiyahe sila pauwi.
Umalis naman sila agad sa airport pagkahatid kay Ed. Siguro naman ay hindi pa masyadong gabi kung makarating sila sa kanila, unless ma-traffic sila sa daan.
“Grounded ka, remember?” masungit na sagot ng ina.
“Sandali lang naman po. May ibibigay lang ako sa kanya tapos uuwi na ako.”
“Hindi pwede, Tor. Wag nang makulit.”
Hindi na nagpumilit pa si Tor. Total naman ay Linggo na ngayon at maglu-Lunes naman na. Sa school ay maibibigay na nya ang sulat kay Ziya.
*****
“Pesteng Tor iyon! Hindi talaga nagparamdam kahapon!” asar na asar si Ziya pagkagising nya.
Dinampot nya ang kanyang cellphone at chineck iyon for message or call. Meron naman, pero wala ni isang galing kay Tor.
“Aba! Ni hindi man lang ako tinext ngayon! Humanda talaga sa akin ang lalaking iyon!” walang tigil nyang putak habang bumababa ng hagdanan.
Pagsapit sa kanilang kusina ay naabutan nyang kumakain ang kanyang mommy at daddy.
“Good morning, anak. Ano’t nakabusangot ka na d’yan. Ke aga-aga,” Sandra said.
“Si Tor po kasi, hindi pa nagpapakita sa akin.” Humalukipkip pa sya pagkatapos maupo sa silya.
Natawa naman si Sandra. “ E, ano naman? Kailangan ba lagi kayong magkasama? E di puntahan mo mamya dun sa kanila. Baka nakalimutan mong inihatid nila si Ed?”
“Wala naman pong problema doon, Mommy. Kasi naman bakit kasi hindi sya nagsabi kung saan sya pupunta kahapon?”
Muli ay natawa si Sandra. Natutuwa syang makita na parang nagseselos na girlfriend ang anak. Kung gusto na nito si Tor ay hindi naman nya pagbabawalan ang anak. Iyon ay kung gusto rin ito ng isa. They would be perfect for each other, ika nga nila ni Carol.
“Bakit po kayo tumatawa, Mommy? May nakakatawa po ba?” asik ni Ziya.
“W-wala naman.” Tumikhim pa si Carol pagkatapos. “Hintayin mo na lang ang balik nila.”
“Bahala sya sa buhay nya! Kung ayaw nya magpakita sa akin, pwes, ayaw ko rin.”
Kumukuha na ito ng isang hotdog at itlog at sangkaterbang kanin.
Mukhang inis nga. Napaparami ang pagkain. “Milk gusto mo?” alok ni Sandra sa anak.
“Sige po, Mommy. Salamat.”
Sa gitna ng pag-uusap na iyon ay lihim na nagdiriwang si Cris.
“Dapat kong makausap muna si Tor ulit bago sila magkita ni Ziya. Kailangan ko itong balaan kung hindi ay mabubuking ako! Hindi maaari iyon! Hindi ako papayag na sa isang pagkakamali ay masira ang pamilyang binuo ko. Hindi isang Claire o isang Tor lang ang bubuwag nun. Saka isang beses lang naman iyon. Itong Claire na ito lang naman ang nanggugulo, e. Buti nagawan ko na nang paraan ang isang iyon. Hindi na iyon magpapakita pa dito sa bayan namin kahit kailan.”
*****
Linggo ng hapon at halos hindi mapakali si Carol. Parang kinakabahan sya na hindi nya mawari kung bakit. Mayamaya ay nag-ring ang cellphone nya. Unknown number ang tumatawag.
“Hello? Sino po sila?” magalang nyang tanong.
“Can I speak to Mrs. Carol Montemayor, please? I am calling from South Era Hospital," a gentle voice said.
"Y-yes, s-speaking," kinakabahang sagot ni Carol.
Mariing pinakinggan ni Carol ang sinasabi ng nasa kabilang linya.
Pagkatapos nito magsalita ay natulos na sya sa kinatatayuan. Hindi nya kayang sumagot. Hindi nya matanggap ang sinasabi ng nasa kabilang linya. Ano raw ang nangyari sa kuya nya?
"Nananaginip lang ako. H-hindi ito totoo."
"Ma’m, are you still on the line?"
"Y-yes.."
"What will be done with Mr. Edward?"
"I’ll c-call his assistant to c-coordinate with you. We will get a ticket as soon as possible."
Pagkababa ng telepono ay agad tinawag ni Carol si Tor.
Pinuntahan naman agad ni Tor ang inang mukhang balisa.
Hinawakan ni Carol ang dalawang kamay ni Tor.
"T-Tor, iho, m-makinig ka. K-kailangan natin pumunta sa Amerika ngayon. H-hindi ko alam kung gaano tayo katagal doon. B-basta, magdala ka ng maraming damit."
"Bakit po, 'Nay? Ano pong nangyayari?"
"Ang T-Tito Ed mo, inatake raw sa puso. W-wala na sya, anak. W-wala na ang tito mo."
Hindi magawang yakapin ni Tor pabalik ang umiiyak na inang mahigpit nang nakayapos sa kanya.
Alam ni Tor na magiging mahirap sa ina ang mag-desisyon ngayon sa mga susunod na gagawin kaya sya na ang nagkusa.
Tinawagan nya si Sandra gamit ang telepono ng ina.
Mayamaya nga ay dumating ang humahangos na si Sandra at Cris.
Nagyakapan ang magkaibigan. Doon humugot si Carol nang lakas.
“Kayanin mo, Carol. Nandito lang ako palagi para sa’yo. Balitaan mo ako kaagad pagdating mo roon ha?”bilin ni Sandra habang pinupunasan ang luha ng kaibigan.
“K-kakayanin, p-para sa a-amin ni Tor. Si Ziya, h-hindi nyo kasama?”
“Nagpaalam na may bibilhin sa bayan. Kanina pa nga iyon, e. Tinext ko na. Hindi pa sumasagot.”
*****
Habang nag-aayos ng gamit ay hindi mapakali si Tor. Kailangan n’yang magpaalam kay Ziya pero ayaw nyang kulitin ang ina. Kaya pagkatapos nyang mag-ayos ng gamit ay pumuslit sya papunta sa may punong mangga, dala-dala ang sulat nya. Idinikit nya iyon sa ilalim ng bench. Itetext na lang nya siguro si Ziya para kunin iyon.
Hindi kasi nya malaman kung mabilis lang o matatagalan sila sa Amerika. Maraming aayusin ang nanay nya roon kaya gusto nyang malaman ni Ziya ang nararamdaman nya. Ayaw nya sa chat o text, mas gusto nya yung tradisyonal.
Para matatabi rin ni Ziya ang sulat for memories. Matatabunan lang ang message nya sa chat o text, e.
Ite-text na lang nya ito pag nakatyempo sya. Pag nakuha na nya ang cellphone nya.
“Andito ka pala,” Cris said na may patango-tango pa.
Nagulat si Tor sa biglaang pagdating ni Cris. Sana hindi nito napansin ang idinikit nyang sulat doon.
May dinagdag kasi syang mensahe sa bandang dulo niyon, tungkol sa mga narinig nya.
“O-opo, Tito. M-may kailangan po kayo?” kinakabahang sambit ni Tor.
"Wala naman. Tumitingin-tingin lang sa paligid."
"Ganun po pala. S-sige po, mauuna na ako."
"Teka muna iho." Pinigilan ni Cris ang pag-alis ni Tor sa pamamagitan ng paghawak sa isang bisig nito.
"B-bakit po, Tito Cris?" Tiningnan ni Tor ang matandang lalaki sa mata.
"May gusto lamang sana ako ipaalala sa'yo, Tor. Alam mo naman na siguro."
"Hindi ko po alam ang sinasabi ninyo, Tito." Pinilit nyang kumawala sa matinding pagkakahablot ni Cris sa kanyang braso. "P-pakiusap po, Tito Cris, p-pakawalan nyo na ako."
Parang hindi na kilala ni Tor ang napakabait nyang Tito Cris.
He was like a different person now. He looks like a beast that is about to attack its prey.
"Wag na 'wag mong babanggitin kahit kanino ang mga narinig mo sa amin ni Claire kahapon. Dahil kung hindi…."
"Ano po iyon, Tito Cris?"
"Matapang ka at gusto mo pang malaman ha?" Lumapit pa ito ng husto sa binata at bumulong sa tenga nito. "baka matulad ka kay Claire."
At tumawa pa ito na parang nababaliw.
"A-ano pong g-ginawa mo kay Tita?"
"Hindi mo na dapat pang malaman, Tor. Basta binabalaan kita, hin-di mo magugustuhan. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Hinarap sya nito at hinawakan ang magkabila nyang balikat.
"Tito Cris?" Hindi mapaniwalaan ni Tor ang nakikita nya sa kanyang harapan. Umaasa pa rin sya na mabuting tao ito, gaya ng pagkakakilala nya rito.
"Mabait ako kung sa mabait, Tor. Pero kung may sisira sa reputasyon ko sa pamilya ko, ibang usapan na iyon, hmmm? Sige na, hinahanap ka na ni Carol kanina pa. Ingat kayo sa byahe."
Muli ay nakita nya ang mga ngiti nito na kinalakhan nya. Hindi tuloy nya malaman kung sino sa dalawang katauhan nito ang totoong Cris.
"Bahala na!
Pag-iisipan nyang mabuti ang susunod na mga hakbang. Ziya needs to know the truth.
*****
Kanina pa nagwi-window shopping si Ziya sa isang department store. Nagpaalam sya na bibili ng bond paper dahil naubos na ang stock nya. Totoo naman iyon, na wala na syang gagamitin. Pero, hindi pa naman nya talaga kailangan dahil wala naman syang ipi-print na kahit ano. Gusto lang talaga nya magpalamig ng ulo dahil hindi pa rin nagpaparamdam sa kanya si Tor.
Una, ang lapit-lapit ng bahay, ni hindi man lang sya pinuntahan para magpaliwanag bakit nawala ito noong party.
Pangalawa, ni ha ni ho sa text o chat, wala rin?
Ano bang problema ng lalaking iyon?
Iniiwasan ba nya ako? Dahil sa inamin ko? Ibig sabihin ba nun ay w-wala s’yang nararamdaman sa’kin at nahihiya sya na sabihin sa akin yun?
Napabuntong-hininga na naman sya dahil sa mga naiisip.
Hangga’t walang confirmation galing kay Tor ay may pag-asa. Tama, may pag-asa sya.
Kinuha nya ang cellphone sa kanyang bulsa. Baka may message na galing dito.
At meron ngang message, ngunit hindi kay Tor kundi sa Mommy Sandra nya.
Paalis daw sila Tor papuntang Amerika ngayon, ASAP! Namatay si Tito Ed?
Hindi na nya kayang magpabebe. Sya na ang kusang lalapit muli kay Tor. Saka na lang nya ito kokomprontahin tungkol sa pang-i-indian nito sa kanya.
Dinial nya ang number nito, ngunit unattended daw.
“Asan ka ba,Tor? Bakit ba ayaw mo sagutin telepono mo?”
Hindi na lang sya naiinis ngayon sa binata, nag-aalala na rin sya rito.
Ibinaba nya ang hawak na bond paper sa isang estante, na babayaran na sana nya sa cashier.
Kailangan nya makauwi ora mismo. May dalawang oras at kalahati na kasi ang nakalipas ng nag-text ang Mommy Sandra nya.
“Hintayin mo ako, Tor, please. Hindi ko alam kung hanggang kailan ka sa Amerika. Mag-usap muna tayo, pakiusap.”