Nakabalik na ang magkaibigan sa Maynila pero magkaiba sila ng flight. Kahit may hangover pa ay nauna na si Ziya, nagpachange schedule sya. Dumiretso na rin sya sa kanila dahil weekends naman.
"Anak, musta na? 'Lika nga rito nang mahalikan ka, hmm? Na-miss na kita," tawag kay Ziya ng Mommy Sandra nya.
Sinamahan ni Sandra ang daddy nya sa business trip nito sa Singapore at kababalik lang din ngayong araw. Nasa sala ito ng bahay nila nang dumating sya.
"Haaay, ang ganda talaga tignan ng mag-ina ko," ika ni Daddy Cris na kalalabas lang galing sa kwarto. Dumiretso ito sa dalawa at niyakap pareho. "Mahal na mahal ko ang mga ito kahit ambabangot nila," biro pa nito.
" Daddy, huh! Never pa ako naging mabaho, noh? Paamoy ko pa sa'yo kilikili ko, e." Tinaas pa nya ang braso at inilapit sa ama ang kilikili, na inamoy naman nito.
"I will never get tired of smelling this, hmm, stinky armpit," patuloy na biro ni Cris.
"Daddy naman, e."
Nagkatawanan sila. Iniakbay naman ni Ziya ang mga kamay sa magkabilang balikat ng kanyang mga magulang.
"Ano po bang ginawa ko at kayo ang pinili ni Papa G na maging magulang ko. I am beyond blessed. Mahal na mahal ko kayo."
Hinalikan nya sa pisngi ang mga ito.
" 'Kuuuh! Ang baby kong ire, baby pa rin," masayang wika ni Sandra. " By the way, anak, umuwi na sila Tor, nagkita na ba kayo? Dito ko na pinag-dinner ang mga iyon."
" D-dito sila mag-didinner?!" sabay na wika nilang mag-ama.
" Ayyy, oo. Di nyo ba sila na-miss?" gulat pero natatawang tanong ni Sandra sa mag-ama nya.
"H-hindi naman. A-andyan na pala sila," nauutal na wika ni Cris.
"O, ito na pala ang hinihintay natin." Inginuso ni Sandra ang mag-inang Carol at Tor.
" Mare," naluluhang wika ni Carol. Niyakap nito nang mahigpit si Sandra. "Miss na miss kita. Sorry at ngayon lang nakauwi."
"Naiintindihan ko naman. Hindi ka nga nangielam sa family business nyo dahil wala ka kamo kamalay-malay sa pagpapatakbo nun. Ambait lang talaga ni Ed dahil sinusustentuhan pa rin kayo. Tagal na rin n'yang naghihintay sa'yo dun, di ba? Ikaw lang ang matigas ang ulo at ayaw umalis dito sa Pinas.
"There is no place like home. Dito tayo lumaki, e. Saka nagpapasalamat pa rin naman si Ed dahil maayos pa rin ang ancestral house namin. Taon-taon naman sya umuuwi. Sayang nga at di lang talaga nakapag-asawa na," sagot ni Carol.
"Ikaw naman, bakit kasi di ka na nag-asawa ulit? Ke bata-bata mo na-byuda. Ang ganda mo naman. Sayang ang genes, tignan mo si Tor. Ang kisig-kisig!"
"First love never dies, e. Ikaw nga, o, nag-stick ka na kay pareng Cris. Di ka na sumubok ng iba," biro pa nito.
"Ayan ka na naman, Carol. Dinudumihan mo na naman ang isip ni Sandra. E, sadyang makamandag lang talaga ang charm ng kumpare mo. Di ba?"
"Wala lang akong choice. Binakuran mo na ako masyado. Walang makalapit na ibang manliligaw," biro na rin ni Sandra.
" O, ayaw mo ba nun? Gusto mo bang magpaligaw sa iba noon, ano?" may paghamon sa mga salita ni Cris.
" Ay syempre, hindi. Kaw lang sapat na." Nginitian ng buong pagsuyo ni Sandra si Cris.
"Ewwww! Mom, Dad, masyado kayong sweet! Mainggit ako nyan," a teary-eyed Ziya said.
" Wala ka pa rin bang boyfriend, Ziya? Sa ganda mong 'yan?" pagtatakang-tanong ni Carol.
"Hinihintay lang ako nyan, 'Nay" seryosong sagot ni Tor. Tiningnan pa nito ang dalaga.
"Haaay naku, Tor! Wag mong idamay si Ziya sa mga babaeng papaiyakin mo at naku! Ako ang gugulpi sa'yo!" wika ni Carol sa anak nya.
Tinawanan lang ito ni Tor.
"O, sya, kumain na tayo at baka lumamig pa yun. Naghanda ako ng paborito mong ulam, Tor," wika ni Sandra sabay yakap sa binata.
"Ay, talaga Mommy Sandra? Buti pa po kayo pinagluluto ako. Yung isa po kasi dyan, wala ng time sakin," parang batang sumbong ni Tor.
"Talaga nga naman at nagsumbong pa! Ang hirap kasi nang nawala si Ed, di pa naman ako marunong magpatakbo ng negosyo, lalo na at supermarket. Di naman ako nawala sa tabi mo, ah, lalo na nung, nung.."
"Nagugutom na po ako. Sinigang here I come!!" sigaw ni Tor para putulin ang sasabihin sana ni Carol.
" Nagugutom na nga rin ako. 'Lika na?" aya ni Cris sa mga bisita.
Mataman lang na nakikinig si Ziya sa usapan. Nacurious tuloy sya sa gustong sabihin ni Nanay Carol. Pero,di naman nya magawang magtanong dahil nagsimula nang magsilakad papuntang kusina ang mga magulang at bisita nila.
Pagkatapos kumain ay tumakas si Ziya at pumunta sa hardin nila Tor. Nakita naman kasi nyang niyaya na ni Mommy Sandra si Nanay Carol, paniguradong maraming pag-uusapan ang mga iyon. Si Daddy Cris naman ay bumalik na sa kwarto, matutulog na marahil. Maiiwan lang silang dalawa ni Tor at ayaw naman nya i-entertain ang lalaki.
" Andito ka pala." Lumapit ang lalaki at umupo sa tabi nya.
Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Tanging huni ng mga kuliglig lamang ang maririnig sa paligid.
" Ziya.." Huminto sya at tiningnan ang dalaga. "Can we go back to being friends again?"
Napatingin si Ziya sa kababata, hindi maapuhap ang sasabihin.
"Paano, Tor?" Tiningnan nya rin ang binata na mataman pa ring nakatitig sa kanya. Binabasa nya ang mga mata nito na parang makakakuha sya ng sagot mula roon.
"Can we just try? For old time's sake?"
Umiwas na nang tingin si Ziya dahil hindi na nya kayang tignan pa ang binata.
"Bakit ka ba umalis noon? W-why did you leave without even saying goodbye? Naghintay ako, Tor. Kahit andito ka na, maghihintay pa rin ako? Bakit?!" Tumayo na sya para dumistansya pa sa lalaki. "D-dahil ba umamin ako sa'yo?"
Umiling si Tor.
Hindi alam ni Ziya kung makakaramdam sya ng relief dahil sa sagot ng lalaki dahil hindi pa rin noon nasasagot ang kanyang mga tanong. "Nung umalis kayo dahil kay Tito Ed, naintindihan ko 'yun. Dahil iba pa rin ang pamilya at alam kong kailangan n'yo rin 'yon, kayo ni Nanay Carol. Iniisip ko lang noon, baka may inaasikaso ka, baka busy ka, baka nagluluksa ka pa. Kahit nga isang taon ka hindi nagsabi, okay lang, Tor. Pero umabot ng nine years? Nine whole years, Tor!"
Nagpalakad-lakad si Ziya para huminga muna dahil naninikip na ang kanyang dibdib. "Ano na lang ba yung simpleng sulat, simpleng tawag. Ang daming paraan, Tor! P-pero wala kang ginawa. S-si Nanay Carol nga nagpapadala pa sa'kin ng mga regalo. Umaasa akong isa man lang dun galing sa'yo, na maramdaman kong naalala mo ako. Pero, wala rin! Hindi ka nagparamdam sa loob ng siyam na taon!
"Ziya, please.."
Nagpatuloy pa rin si Ziya dahil gusto nya ilabas lahat-lahat. Nasimulan na, e. Di na kaya pang pigilan. "Tapos ngayon, bigla ka babalik, okay na agad tayo? Ganun ba 'yun kadali. Sa tingin mo, maiintindihan kita kahit wala kang sinasabi? Hindi ako manghuhula, Tor!"
Naramdaman ni Ziya ang sunud-sunod na pagpatak ng kanyang luha. Di na alam ni Ziya na umiiyak na pala sya. At wala na s'yang pakialam.
" Ziya… please.. don't cry."
Lumapit pa si Tor sa dalaga at papahirin sana ang mga luha nito pero tinabig ni Ziya ang kamay nya.
" Di ka pa rin magpapaliwanag?! Paano kita maiintindihan, huh?! You owe me an explanation, Tor!"
Humakbang na si Ziya para iwan na sana ang lalaki pero ikinagulat nya ang sumunod nitong sinabi na nagpahinto sa kanyang paggalaw.
"I had an accident, Ziya. A fatal one. N-nasagasaan ako."
Tinitigan ni Ziya ang lalaki, di makapaniwala. Natulos na ata siya sa kanyang kinatatayuan. Naaksidente rin naman sya pero hindi nalagay sa alanganin ang buhay nya katulad nang sinasabi ni Tor ngayon. Kung nahirapan sya noon, paano pa ang lalaki?
"I have stayed in the ICU for months, had a couple of surgeries for my head and legs dahil iyon ang mga napuruhan. I go in and out of coma." Huminto ito dahil mabigat pa rin para rito ang sariwain ang mga pinagdaanan. "Tuwing g-gigising ako, Ziya, natatakot ako pumikit dahil, dahil baka hindi na ako makadilat muli. I had to undergo an intensive rehabilitation just to be able to walk again."
Nanlulumong humakbang si Ziya upang makaupo ulit habang patuloy na pinapakinggan ang lalaki. It is as if nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod.
" I even l-lost a part of my memory, na pilit kong inaalala. Pero kahit ganoon, hindi kita nakalimutan. Namimiss kita araw-araw, pero pinigilan ko ang sarili ko na ipaalam sa'yo ang kalagayan ko. Ayaw kong, ayaw kong makita mo akong nahihirapan, Ziya. Dahil alam kong iiyak ka, katulad ng ginagawa mo ngayon. And I hate seeing you cry.. Nag-aaway man tayo, pero ni minsan, di kita pinaiyak, Ziya.. Alam mo yan.."
Tears are also forming in Tor's eyes.
"I'm s-sorry, Tor. I'm s-sorry.. Pero s-sana sinabi mo pa rin, s-sana nadamayan kita. S-sana hindi ako nag-ipon ng hinanakit sa'yo. S-sana..."
Tuluyan nang humulagpos ang mga luha ni Ziya. Ang mga luhang kaytagal niyang hindi pinalaya, hindi nya pinaagos. Hindi pala sya dapat nagalit sa lalaki dahil mahirap din ang pinagdaanan nito.
Nilapitan sya ni Tor at niyakap. Hinaplos nito ang buhok nya. Matagal sila sa ganoong posisyon na inaalo ang isa't isa, na sa bawat yakap na iyon ay maiparamdam nila na naiintindihan nila ang isa't isa.
Mayamaya ay hinawakan ni Tor ang ulo na biglaang kumirot, something flash in his eyes.
" T-Tor, are you okay?" may pag-aalala sa boses ni Ziya.
Nginitian naman ni Tor si Ziya. "O-okay lang ako."
Hinawakan ni Tor ang magkabilang pisngi ni Ziya bago nagtanong. "Bati na ba tayo?"
And they both end up laughing despite all the tears that are still in their eyes.
*****
"Sandra, di ka ba natatakot na malaman ni Cris ang katotohanan? Andyan lang sa tabi-tabi si Claire," bulong ni Carol kay Sandra.
Nasa may wooden bench sila ngayon.
"Malaking pera ang binigay natin sa kanya at saka ngayon pang kaibigan na rin natin sya. Kung tutuusin nga, di naman sya dehado dahil alaga naman natin si Ziya," wika nito.
" E, paano nga kung mabaliw at agawin nya sa'yo si Ziya?" pangungulit ni Carol.
" Hindi mangyayari yun! Anak ko si Ziya. Ako ang nanay nya!" mariing sagot ni Sandra.
" Shhh.. Hinaan mo boses mo, tandaan mo maraming tao," saway ni Carol.
May handaan sa bahay ng mga Montemayor, umuwi kasi ang mga kamag-anakan nila Tor galing Amerika. Ang isa sa tita ni Tor ang may bday ngayon.
" At talaga naman kasing ngayon mo pa tinanong sa'kin yan. Wag mo na problemahin si Claire, kontento na yun na makita palagi si Ziya. Nagpapasalamat pa nga ako dahil alam mo naman na malapit na kami magkahiwalay sana ni Cris. Buti na nga lang at dumating samin si Ziya, our wonderful princess. Wala namang talo saming dalawa, e. I have a happy family and she can still see her child."
Ngumiti pa nga si Sandra, simply saying to Carol that she is contented na sa nangyayari sa buhay nya.
" Ikaw bahala, Mare. Ako ay nag-aalala lang dahil nakikita ko rin na malapit na malapit sya kay Ziya. Baka mam'ya k********g lang nya yung bata tapos ipatubos satin. Tapos kailangan natin magbayad ng milyones tapos makukulong si Claire kasi nga masama sya," mahabang litanya ni Carol.
" Alam mo, Mare?" Huminto si Sandra dahil talagang natatawa sya. "Baka kailangang bawasan mo na panunuod mo ng drama sa tv, masyado ka nang naaapektuhan, e."
Tinapik-tapik pa nga ni Sandra ang kamay ni Carol.
" Basta Sandra, ako e concerned lang. Payong kaibigan, wag ka masyado pakampante." seryoso pa ring pagpapatuloy ni Carol. Pinisil nya pa ang mga kamay ni Sandra.
" Naiintindihan ko, Mare. Salamat. O sya, baka magka-iyakan pa tayo. Dinala-dala mo ako rito para lang dyan, bumalik na tayo sa loob at baka hinahanap ka na ng mga kamag-anak mo."
" Tor? Tor?" sigaw ni Carol habang niyuyugyog nang marahan ang anak.
Nakatulog na kasi ang lalaki sa ilalim ng punong mangga. Ginigising nya ito para papasukin na sa loob ng bahay.
" Nay Carol? Asan po si Mommy Sandra? si Ziya? Nakauwi na po ba sila?" naalimpungatang tanong ni Tor.
" Huh? Si Mommy Sandra mo? E hindi naman yun pumunta rito. Kayo ngang dalawa ni Ziya ang tumakas papunta rito."
" Ganun po ba? Hmm, nanaginip lang po pala ako. Kala ko kasi totoo."
" Yung alin, anak?"
" W-wala po. Pasok na po tayo sa loob ng bahay? Sobrang gabi na, matulog na po tayo ng maayos."