Episode 14

1096 Words
Pagkatapos ng naging meeting nila sa mga investors ay nagmadali na si Ziyang umuwi. Hindi naman sya manhid para hindi maramdamang gusto s'yang tabihan ni Tor at kausapin pero lagi s'yang nakagagawa ng paraan para maiwasan ito. Hindi pa sya handang harapin ang binata. Magkakaroon ng isang private party na kailangan ng formal wear. Buti na lang at nakapagdala sya, pero yun nga, sponsored by no other than Tor. Ayaw na sana nya um-attend dahil nga wala naman syang ibang maisuot pero dahil kailangan sa trabaho, napilitan na rin sya. Pagkatapos maglagay ng konting makeup at suklayin ang mahaba nyang buhok ay umalis na sya. Kanina pa naghihintay si Tor sa may isang sulok at panaka-nakang umiinom sa kopitang may lamang red wine. "Can I join you?" tanong ng isang babaeng naka red plunging dress. Obvious ang pinapakitang pagkagusto sa kanya ng babae. Panglima na ata ang babae sa lumapit sa kanya ngayong gabi. Who would not? He is incredibly atttactive in his black three-piece suit. Nakabrush up pa ang kanyang buhok. He actually looked like he is the owner of the place. "No, thank you. I have someone with me, hinihintay ko lang." He declined the offer in a gentlemanly manner. Kung nasa Amerika pa sya, baka kanina pa sila wala ng babae sa venue at nagpunta na sa kung saan. But, he is consistently waiting for her dearest Ziya. "Anong oras na at wala pa 'yun? Wag mong sabihing hindi yun pupunta dahil iniiwasan nya ako?" Tatayo na sana sya para puntahan ang place nito nang makita nya itong papasok ng venue. He can't stop himself from gasping because of his admiration for her; she is a beauty! She looks like a wandering princess! Nakasuot ito ng violet embroidered halter neck A-line dress. Napakaflowy nun, abot hanggang talampakan nito. Humangin bigla at kapansin-pansin din ang violet pearl dangling earrings nito. Binigyan nun ng kinang ang kutis ni Ziya. Wala itong kamalay-malay na tinitingnan nya ito hanggang puntahan ito ng isa sa mga engineers doon at iginiya sa buffet table. Hindi nya napigilang lapitan ang mga ito. "Hey, Hector, 'musta? Ziya?" Tinanguan nya ang babae na di naman sumagot. Hector is also a friend from the US. They used to work in the same company. "Hello! Nice to see you again, Tor. Andito ka na pala sa Pinas?" Kinamayan sya ng lalaki. "Yes, about two months ago. Nice to see you too." " So kelan ang balik mo sa Amerika nyan?" sunod na tanong ng lalaki. " Di ko pa sigurado, Hec. Depende sa mga mangyayari." Tiningnan pa ni Tor si Ziya. " Oh, by the way, this is Ziya. You know her?" pagpapakilala nito sa babae. " Kilalang-kilala." Nginitian pa nya ang babae. " O, Hector, gutom na ako, e. Mauna na ako sa table?" pag-iiba nito ng usapan. "Hindi, sabay na tayo." Kinuha pa ng lalaki ang plato sa kamay ni Ziya. " I should come along. Boring umupo mag-isa," ika ni Tor. Umupo sila sa may bandang dulong table at kaswal na nag-usap habang kumakain. " Wala ka bang ka-date? The dashing Torrence Montemayor has no girl at his side. Tssk..tssk.. para namang di kapani-paniwala yan," biro ni Hector. " Meron sana, kaso galit sa'kin, e." Tiningnan nya si Ziya na inirapan naman sya. "Haha! Dati ka pa naman nagpapagalit ng babae, lalo na kapag hiniwalayan mo na," bulong ni Hector na naririnig naman ni Ziya. " E, ikaw ba, sinong nililigawan mo ngayon? Si Ziya?" pasakalye ni Tor. Gusto nya kasi malaman ang relationship ng dalawa at bakit parang close ata. To think na mag-kadate itong dalawa ngayon. "Hmm, Ziya?" Tinitigan pa nito ang babae. " Mataas ata ang standard nito, e. Tagal ko na nagpapahaging di naman ako pinapansin." Sabay na inakbayan at nginitian nito si Ziya. "Hector…" saway nito sa lalaki pero humawak naman sya sa bewang ng lalaki sabay inom sa hawak n'yang wine glass. Mayamaya pa ay may tumawag kay Hector at nagpaalam muna sa dalawa. Nang may dumaang waiter na nag-ooffer ng wine ay kumuha pa si Ziya ng dalawa. Akala naman ni Tor ay para kay Hector ang isa pero nagulat sya ng inisang inom lang din yun ng babae. Kukuha pa ulit sana ito nang may dumaan ulit na waiter nang pinigilan na ito ni Tor. "Nakakarami ka na. Di ka sanay uminom," saway ni Tor. " Anoh bhang pha-ke-ha-lam moh?!" Tinabig ni Ziya ang kamay ni Tor at nagpilit pa ring abutin ang isa pang wine glass. Pagkatapos nun ay tumayo ito at tinungo ang likurang bahagi ng events area. Malapit kasi yun sa may dagat. Maglalakad-lakad sya para makalayo sa pakikialam ni Tor. Hinubad nya ang suot na sandals nang mapagod at umupo sa may harap ng beach. Pinakinggan nya ang mahinang paghampas ng alon. " Bwiset kah! Sha-nah di kha nah bhumalik! Hik!" sigaw ni Ziya. " Ziya…" malumanay na tawag ni Tor. " Andyan kha palang damuho kah! Hik!" Dinuro pa nito ang lalaki. " Bhaket bah shunod sunod ka pah sha kin, huh?! Shooo!" taboy nya kay Tor. Sa halip na umalis ay kinuha ni Tor ang kopitang hawak nya at nilagok na iyon para maubos. " Halika na, umuwi na tayo." Hinawakan ni Tor ang mga kamay ni Ziya at niyakag itong tumayo. Hinila naman ng babae ang kamay nito kaya napaupo si Tor sa tabi nya. "San tayoh uuwi? Sha bahay nyo o sha amin?" tanong ni Ziya na tinamaan na ng kalasingan. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ni Tor at pinisil-pisil ang mga iyon. Pagkatapos ay humarap na ito sa dagat. "Di ka na cute!" Huminto pa ito dahil parang kinikilig. " Kashi gwapo mho na!" Humagikhik pa ito bago tuluyang ipinikit ang mga mata at humilig sa balikat ni Tor. Napangiti naman si Tor. May mga humahaging na memorya sa kanya, ngunit hindi masyadong buo. Gustuhin man nya alalahanin ngunit ayaw nya pilitin. Basta ang alam nya, minsan na silang uminom ni Ziya noong mga bata sila. How he wished he could go back in time and be with Ziya once more. Gusto nya itong samahan lalo na nung panahong nahulog ito sa kabayo. Dahil kung naroon sya, maaksidente man si Ziya pero hindi ito masyadong mato-trauma. Hindi man nito kinuwento lahat pero pakiramdam nya nag-iisa si Ziya nang mga sandaling iyon. Nangako pa naman sya na sasamahan ito palagi. He regretted it deeply, since he had just realized how many of his promises to her had been broken. He hurt her, whether consciously or unconsciously; pareho lang iyon. He broke Ziya's heart, his Ziya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD