bc

A Six-Month Contract With Mayor Evander

book_age18+
1.7K
FOLLOW
24.0K
READ
HE
opposites attract
heir/heiress
like
intro-logo
Blurb

Nasangkot ang ama ni Celestina sa isang panghoholdap, at ang pinakamalaking biktima ay ang bagong Mayor ng lungsod na bago nilang nilipatan.

At paano kung ang Mayor na iyon ay walang iba kundi si Evander Valderama—ang dating supladong binatilyong anak ng dating amo ng kanyang ina na walang sawang nanghamak at nanlait sa kanya noon?

Makalipas ang labing-apat na taon, muli silang pinagtagpo ng tadhana. Ngunit hindi na siya ang batang kilala ni Celestina. Isa na siyang makapangyarihang Mayor na kayang ipakulong ang kanyang ama... o iligtas ito.

Ngunit walang libre sa mundo ni Evander.

Isang six-month contract,

Isang pirma ang hiningi nito kapalit ng kalayaan ng kanyang ama.

Para mailigtas ang kanyang ama, kailangan niyang isuko ang sarili sa lalaking minsan nang nanlait at nang-asar noon sa kanya.

Papayag ba si Celestina sa kasunduang iyon... o hahayaan nalang niyang mabulok sa kulungan ang sarili niyang ama?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Huwag n'yo pong isama ang Tatay ko! Wala po siyang kasalanan!" Nanginginig ang buong katawan ni Celestina habang desperado niyang hinaharangan ang dalawang pulis na pilit isinasakay sa mobile patrol ang kanyang ama. Mahigpit niyang hinawakan ang braso nito. "Tay!" "Anak..." basag ang tinig ng kanyang ama. "Huwag kang makialam." Sabi nito. "Pero wala ka namang kasalanan!" Umiiyak na siya habang paulit-ulit na umiiling. Humarap siya sa mga pulis, nanginginig dahil sa nangyari. "Sir, nagkakamali po kayo! Wala pong kinalaman ang Itay ko sa nangyaring holdapan kahapon!" Iyak niyang sigaw. Nanatiling seryoso ang isa sa mga pulis. "May testigong nagturo sa ama mo bilang isa sa mga suspek sa nangyaring armed robbery kahapon." Sagot ng pulis sa kanya. Para siyang nabingi. "Imposible po!" "Maghapon pong nasa talyer ang Tatay ko kahapon!" "Hindi po siya gagawa ng ganoong krimen! Hindi po siya holdaper!" Malakas na sabi ni Celestina. Ngunit hindi na siya pinakinggan. Nakaposas na ang kanyang ama. At unti-unti itong isinakay sa mobile patrol. "Itay!" Muling sigaw niya ng malakas. Pilit siyang lumapit ngunit agad siyang hinarangan ng isang pulis. "Anak..." mahinang wika ng kanyang ama habang pilit na ngumiti kahit puno ng lungkot ang mga mata nito. "Alagaan mo ang kapatid mo. At ang iyong inang may sakit. Huwag kang mag-alala... mapapatunayan ko ring wala akong kasalanan." "Hindi, tay!" "Maawa po kayo!" Muling pagmamakaawa ni Celestina sa mga Pulis. Unti-unting nagsara ang pinto ng mobile patrol. Kasabay noon ang tuluyang pagbuhos ng kanyang mga luha. Pagka-andar ng sasakyan ay tumakbo siya para habulin ang sasakyan habang iyak ng iyak. "Tay!" "Wala po siyang kasalanan! Ibalik niyo po si Itay! Huwag n'yo po siyang dalhin!" habang tumatakbo ay halos mawalan siya ng tsinelas. "Pakiusap po! huwag n'yo pong idamay ang inosente kong ama!" Ngunit hindi siya tumigil hanggang sa tuluyan na lamang siyang mawalan ng lakas at napaluhod sa gitna ng kalsada. Habang ang mobile patrol ay unti-unting naglaho sa kanyang paningin.Pakiramdam niya ay kasabay ng pag-alis ng sasakyang iyon ay nawala din ang natitirang pag-asa niya. Para sa kanya ay iyon na ang simula ng mabigat na pagsubok sa buhay niya dahil sa nangyari sa kanyang ama. Lalo na't ang bagong halal na Mayor pa ng bayang ito ang naging biktima. Ang Mayor sa lugar na bagong nilipatan nila. Halos hindi maramdaman ni Celestina ang sariling mga paa habang naglalakad pauwi. Namumugto ang kanyang mga mata dahil walang tigil ang kanyang pag-iyak. Nang makarating siya ng kanilang maliit na bahay ay marahan niyang itinulak ang pinto. Pagpasok niya ay tahimik ang buong kabahayan nila. Sa isang sulok ay nakita niyang nakaupo ang kanyang ina sa lumang silyang kahoy. Nakatulala lamang ito at mahigpit na nakahawak sa laylayan ng kanyang damit habang tahimik na umiiyak. "Inay..." Mahina niyang tawag. Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang kanyang ina. Namumugto ang mga mata nito at punong-puno ng takot at pag-aalala ang mga mata nito. "Celestina..." sambit ng ina. At iyon lang, hindi na halos nakapagsalita ito. Mabilis na lumapit si Celestina at mahigpit itong niyakap. Kasabay noon ang tuluyan nilang pag-iiyakan hanggang sa napahagulhol silang dalawa. "Inay..." umiiyak na sambit ni Celestina. "Kinuha po nila si Itay. Lagi niyang sinasabi sa akin na wala siyang ginagawang masama..." hikbi nniya sa kanyang ina. "Hindi siya ganong klaseng tao, anak." "Alam ko po." Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap dito. "Kaya ipaglalaban natin siya." "Pero paano?" halos mawalan ng boses ang kanyang ina. "Wala tayong pera. Wala tayong kakilala. Paano natin mapapatunayang inosente ang iyong ama?" Hindi niya alam ang isasagot sa ina habang patuloy lang sa pag-iyak. Mula nang lumipat sila sa bayang ito, inakala niyang magsisimula sila na may kaligayahan. Ngunit sa isang iglap ay isang mabigat na pagsubok ang sumalubong sa kanilang pamilya. Maya-maya'y lumabas mula sa silid ang kanyang nakababatang kapatid. Namumula ang mga mata nito sa kaiiyak. "Ate..." Agad itong yumakap sa kanilang dalawa. Naging mahigpit ang yakap nilang mag-iina. Walang nagsasalita. Tanging hikbi lamang ang maririnig sa loob ng maliit nilang bahay. Ipinikit ni Celestina ang kanyang mga mata. Habang pinapahid ang sariling luha, lihim siyang nangako sa kanyang sarili. Anuman ang mangyari, hindi niya hahayaang mabulok sa kulungan ang kanyang ama dahil sa kasalanang hindi nito ginawa. ____ Kinabukasan. Hindi na halos maramdaman ni Celestina ang sariling mga paa habang nagmamadali siyang pumasok sa himpilan ng pulis. Namumugto ang kanyang mga mata dahil sa magdamag na pag-iyak. Sa loob ng selda ay agad niyang nakita ang kanyang ama. "Itay!" Mabilis siyang lumapit at kumapit sa bakal na rehas. "Anak..." pilit na ngumiti ang kanyang ama. "Bakit ka nandito? Hindi ba't sinabi kong alagaan mo ang iyong ina at kapatid?" "Hindi ko po kayo pababayaan." Nanginginig ang kanyang boses. "Maghahanap po ako ng paraan para mapatunayan nating wala kayong kasalanan." Bumuntong-hininga ang kanyang ama. "Wala akong kinalaman sa holdapan, anak. Maniwala ka." "Opo, Itay. Alam na alam ko pong hindi ninyo kayang gumawa ng ganoong kasamaan." Hindi pa man sila nakapagsasalita nang matagal ay may narinig silang ingay sa labas. "Darating na raw si Mayor." Nagkatinginan ang mga pulis. "Lahat ng nakatalaga sa kaso, pumunta na sa conference room.".Napakunot-noo si Celestina. Mayor? Iyon ang narinig niya na ang Mayor daw ang biktima sa nangyaring holdapan? Maya-maya lamang ay dumaan ang ilang bodyguard kasama ang mga opisyal ng munisipyo. Kasunod nila ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng mamahaling itim na suit. Matikas ang tindig. Seryoso ang mukha at higit sa lahat gwapo at Moreno. Nang dumaan ito sa tapat ng selda ay bahagya itong lumingon. At doon, nagtagpo ang kanilang mga mata ng Mayor. Biglang natigilan si Celestina at parang huminto ang pag-ikot ng kanyabg mundo. Hindi ito maaari, hindi siya maaaring magkamali—ang bagong halal na mayor ng bayang kanilang nilipatan ay walang iba kundi si Evander! Ang anak ng dating amo ng kanyang ina sa Maynila. Nagsalubong ang kilay ng lalaki nang makita siya nito. Hindi niya alam kung kilala pa ba siya nito hanggang ngayon. Sa loob ng ilang segundo ay tanging mabigat na katahimikan ang namagitan sa kanila. Ngunit sa isip ni Celestina ay sunod-sunod na nagsibalikan ang masasakit na alaala noong bata pa siya. Nasa sampong taon pa lang siya noon. At si Evander, kung hindi siya nagkamali ay nasa 17 years old ito ng mga panahong iyon. Isa pa itong binatilyo noon na walang ibang ginawa kundi pagtawanan siya. "Ang pangit mo talaga." "Bagay na bagay sa'yo ang pangalan mong Celestina. Pang-matanda!" Sabay tawa pa nito noon. "Kapag nakakita ka ng salamin at manalamin, baka mabasag pa." Sabi nitong nang-iinis noon at sabay natawa. Paulit-ulit siyang pinaiyak noon ng lalaking nasa kanyang harapan ngayon. Habang siya naman ay tahimik lang na nagtitiis dahil kasambahay ang kanyang ina sa bahay ng pamilya nito. Ngayon ay isa na pala itong mayor. Isang makapangyarihan at mas naging mayaman. At siya pala ang Mayor na pinakamalaking biktima ng holdapan na ibinibintang sa kanyang ama. Napalunok si Celestina, habang nanatiling nakatitig ang Mayor sa kanya. Mahigpit niyang kinuyom ang kanyang mga kamao. Hindi siya narito para balikan ang nakaraan. Narito siya upang iligtas ang kanyang ama. At wala na siyang pakialam kung kilala pa ba siya nito o hindi na. "Mayor..." basag ang kanyang tinig na lumapit rito. Nabigla pa ito sa paglapit niya. "Magandang umaga po. Nakikiusap po ako... walang kasalanan ang itay ko." Hindi mabasa ng dalaga ang ekspresyon ng mukha nito. Malamig ang mga titig nito, Seryoso at tila may kung anong galit na pilit nitong kinokontrol. Dahil doon ay napayuko si Celestina. Hindi niya alam kung natatandaan pa ba siya nito. Maraming taon na rin ang lumipas mula nang huli silang magkita sa Maynila. Noon ay isa lamang siyang payat at maitim na batang laging nakasunod sa kanyang ina na nagtatrabaho bilang kasambahay sa bahay ng pamilya nito. Muli siyang nagsalita habang basag pa rin ang kanyang tinig. "Pakiusap po... wala pong kasalanan ang Tatay ko." nagmamakaawa na sabi niya. "Bakit? ikaw ba ang anak ng suspek?" Tila galit na tanong nito. Napakagat-labi si Celestina. "Opo." "At sinasabi mong inosente ang iyong ama, gano'n?" "O-opo, Mayor." Sagot niya sabay napayuko. "Hindi po siya holdaper. Mekaniko po ang Tatay ko at noong nangyari ang hold-apan ay maghapon lang po siyang nasa talyer." Tahimik na nakinig si Evander. Ngunit nanatiling matigas ang kanyang mukha. "May testigong nagturo sa ama mo." Parang piniga ang puso ni Celestina sa narinig. "Hindi po iyon totoo!" mabilis niyang sagot. "May mga taong puwedeng magpatunay na nasa trabaho siya!" Napahugot ng malalim na hininga si Evander. "I understand how you feel." "Pero bilang biktima ng krimen at bilang mayor ng bayang ito, hindi ako maaaring maghusga base lamang sa pakiusap mo." Lalong namutla si Celestina. "Hayaan mong gawin ng mga imbestigador ang kanilang trabaho." "Kapag napatunayang inosente ang ama mo, siya mismo ang unang makakalaya. Pero kung mapapatunayang sangkot siya..." Hindi na nito itinuloy ang sasabihin kaya napatulo na lamang ang mga luha ni Celestina. "Mayor, Maawa po kayo." Natahimik si Evander at muli niyang pinagmasdan ang mukha ng dalaga. May kakaibang pamilyar na pakiramdam na bumalot sa kanya. Ang mga mata ng dalaga ay parang nakita na niya noon pa. Ngunit hindi niya lang maalala kung saan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
14.6K
bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
483.6K
bc

The Heartless Don's Angel

read
79.0K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
834.7K
bc

I Married The Arrogant CEO

read
32.2K
bc

In Bed With Kuya Red

read
52.7K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook