CHAPTER 2

1454 Words
"Mayor." muling sambit niya ngunit natigil siya nang lumapit ang isa sa mga pulis. "Nakahanda na po ang conference room. Hinihintay na po kayo ng mga imbestigador." Bahagyang tumango si Evander. Bago tuluyang umalis ay muli siyang sumulyap kay Celestina. Sandaling nagtama ang kanilang mga mata at pagkatapos ay tahimik siyang tumalikod at naglakad palayo. Hindi niya napansin na sa bawat hakbang niya ay may isang lumang alaalang pilit bumabalik sa kanyang isipan. Isang maliit na batang babae na madalas niyang inaasar noon. At ang pangalang minsan niyang pinagtawanan noon ay walang iba kundi si Celestina. Tama! May kung anong pamilyar sa mukha ng dalaga at may hawig ito sa batang si Celestina, ang anak ng dati nilang kasambahay. Ngunit agad din niyang ipinagkibit-balikat ang naisipan. Ang batang Celestina na kilala niya noon ay payat, maitim, at laging gusgusin. Pero ang babaeng anak ng suspek ay maputi ito at maganda. Ipinilig ni Evander ang ulo para muling ibalik ang kanyang atensyon sa kasalukuyan. Sinundan naman ng tingin ni Celestina ang Mayor. Hindi na ito muling lumingon sa kanya. Matapos ang maikli nilang pag-uusap, tahimik itong nagpatuloy sa paglalakad kasama ang mga pulis at mga opisyal ng munisipyo. Naiwan si Celestina sa harap ng selda, nakatitig lamang sa papalayong likuran nito. Unti-unti siyang napayuko. Alam niyang wala siyang napala sa kanyang pakiusap. Ngunit hindi rin siya nawalan ng pag-asa. Muli niyang nilingon ang kanyang ama na nasa loob ng selda. "Itay..." Mahina siyang ngumiti kahit namumugto ang kanyang mga mata. "Huwag po kayong mag-alala. Hindi po ako titigil hangga't hindi ko napapatunayang wala kayong kasalanan." Napabuntong-hininga ang kanyang ama. "Anak... huwag mong pabayaan ang sarili mo. At huwag mo na lang pahirapan ang sarili mo. Hayaan mo na lang ako dito." Malungkot na sabi ni Mang Tomas. "Hindi po. Muli kong kakausapin ang Mayor, tay. Kailangan po na magmakaawa ako sa kanya. Para hindi ka po niya ipapakulong." Naiyak na naman niyang sabi. "Anak, pasensya ka na sa nangyari sa buhay natin. Mula noon, sobrang hirap na natin at hanggang ngayon ay gano'n pa rin, tapos may mga ganitong problema pang dumating sa atin." Mas lalo lamang siyang naiyak sa sinabi ng kanyang ama. "Okay lang po na mahirap lang tayo, Tay. Ang mahalaga, magkakasama tayo. Kaya hindi ko po hahayaang mawala kayo sa amin." Ang sabi niya sabay pahid sa kanyang mga luha. "Salamat, anak. Napaka swerte namin sa'yo ng inay mo. Napakabait mong bata." Ngumiti saglit ang kanyang ama at pagkatapos ay nagbaba ng tingin at tumulo na rin ang luha. ___ Makalipas ang ilang sandali ay napilitan na rin siyang umalis ng himpilan. Mabigat ang bawat hakbang niyang tinahak pauwi at laylay ang kanyang mga balikat habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Pakiramdam niya'y napakalaki ng mundong kailangang kalabanin.Ngunit wala sa isip niya ang sumuko. Siya na lamang ang natitirang haligi ng kanilang pamilya. At pagdating niya sa kanilang maliit na bahay ay agad siyang sinalubong ng kanyang nakababatang kapatid na si Daniel, na nasa labing-apat na taon pa lang. "Ate... Makakauwi na ba si Itay?" Tanong nito. Napapikit si Celestina, masakit man ngunit wala siyang magawa kundi ang magsabi ng totoo. "Hindi pa." Nanlumo ang kapatid at tahimik na yumuko. Lumapit naman ang kanyang ina. "Kumusta, anak?" tanong ng ina niya. Umiling lamang siya. "Patuloy pa rin ang imbestigasyon." Tahimik na napaupo ang kanyang ina. Wala nang nagsalita pa. Ang tanging maririnig sa loob ng kanilang maliit na bahay ay ang mahinang pag-ugong ng lumang electricfan at ang paminsan-minsang paghikbi ng kanyang ina. Kinagabihan ay tahimik na inihanda ni Celestina ang kanilang hapunan at simpleng pritong isda at gulay lamang ang kanilang pinagsaluhan. At habang kumain sila ay walang sinuman ang halos nagsalita dahil lahat sila'y abala sa kanya-kanyang iniisip. Pagkatapos kumain ay inayos niya ang kanilang mga pinagkainan bago pumasok sa kanyang maliit na silid. Tahimik siyang naupo sa gilid ng katreng yari sa kahoy at napatingin siya sa kanyang lumang uniporme para sa kanyang trabaho na nakasabit sa dingding. Maaga pa siyang papasok kinabukasan. Hindi na siya maaaring umabsent dahil kailangan niyang magtrabaho. Siya na lamang ang kumikita para sa kanilang pamilya ngayong nakakulong ang kanyang ama. Kailangan nilang bumili ng gamot ng kanyang ina at kailangan ding mag-aral ng kanyang kapatid. At higit sa lahat, kailangan niyang mag-ipon ng pera para sa abogado at para sa paglilitis. Para mapatunayan ang kawalang-sala ng kanyang ama. Mahigpit niyang kinuyom ang kanyang mga kamao. "Lalaban tayo, itay..." Mahina niyang bulong sa sarili. "Hindi kita hahayaang mabulok sa kulungan dahil sa kasalanang hindi mo ginawa." Pagkatapos ay pinunasan niya ang natitirang luha sa kanyang mga mata. Humiga siya sa katre na may sapin na makapal na bedsheet. Ipinikit ang kanyang mga mata. Paano? Kung sakaling hindi talaga siya pagbibigyan at paniniwalaan ng Mayor. Paano siya makakapag-ipon para sa kaso ng kanyang ama? Isa lamang siyang Sales lady sa mall. At limang daang piso lamang ang kanyang kinikita sa bawat araw ng pagtatrabaho bilang saleslady. Hindi niya alam kung gaano katagal bago siya makapag-ipon ng sapat na halaga para sa abogado. Pilit na muna niyang winaglit ang kanyang mga inaalala. Dahil bukas ay isang panibagong araw na naman ng pakikipaglaban ang naghihintay sa kanya. ____ Samantala... Tahimik ang loob ng malawak na office room sa ikalawang palapag ng mansyon ng pamilya ni Evander. Nakatayo siya sa harap ng malaking bintana habang nakapamulsa. Malamig ang kanyang ekspresyon. Sa kanyang mesa ay nakalatag ang ilang dokumentong may kaugnayan sa kasong nangyari noong nakaraang araw. Isa-isang pinagmasdan ni Evander ang mga larawan at ulat ng mga imbestigador. Muling bumalik sa kanyang isip ang madugong insidenteng muntik nang kumitil sa kanyang buhay. Mahigpit niyang kinuyom ang kanyang kamao. Hindi niya hahayaang makalusot ang sinumang may kinalaman sa nangyaring holdapan. Lalo na ang mga lalaking walang awang nagpaputok ng baril at nanlaban sa mga pulis. Isa na ang ama ng babaeng lakas-loob na kinausap siya sa presento na anak ng isa sa mga suspek na nakakulong ngayon. Ngunit ang iba pa nitong kasamahan... Patuloy pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad. "Kapag nahuli ang lahat ng sangkot..." malamig niyang usal. "Mananagot kayo sa batas." Napabuntong-hininga siya. Hindi lamang siya ang biktima ng krimeng iyon. Nadamay rin ang kanyang mga tauhan. May ilan pa sa mga ito ang hanggang ngayon ay nagpapagaling sa ospital matapos masugatan sa engkuwentro. Habang abala siya sa pag-iisip ay biglang may marahang kumatok sa pintuan ng kanyang opisina ngunit hindi man lang siya lumingon. "Come in." Dahan-dahang bumukas ang pinto. Inaasahan niyang isa lamang sa kanyang mga tauhan ang papasok. Ngunit bahagyang tumaas ang kanyang kilay nang makita kung sino ang pumasok. "Scarlett?" Napangiti ang dalaga. Nakasuot ito ng isang eleganteng puting dress na lalong nagpatingkad sa kanyang kutis. Hawak nito ang isang paper bag mula sa paborito niyang coffee shop. "I missed you." Lumapit ito at marahang humalik sa kanyang pisngi. Kumusta ka na?" malumanay nitong tanong habang puno ng pag-aalala ang mga mata. "Balita ko, muntik ka na raw mapahamak." Napabuntong-hininga si Evander. "I'm okay. Gasgas lang ang inabot ko." Sabi niya na mahinang ngumiti upang mapanatag ang loob ng kasintahan. "Pero ikaw... Bakit hindi ka muna nagpahinga? Hindi ba't kakagaling mo lang sa biyahe?" Umiling si Scarlett. "Paano ako makakapagpahinga kung ang buong bayan ang pinag-uusapan ay ang nangyari sa'yo noong isang araw?" Inilapag nito ang dala sa ibabaw ng mesa. "Dinalhan kita ng paborito mong kape." Napatingin si Evander sa paper bag bago muling itinuon ang tingin sa dalaga. "Thank you." Ngumiti si Scarlett. Ngunit hindi nagtagal ay napansin nito ang makapal na folder na nasa ibabaw ng mesa. "May bago na bang lead sa kaso?" Napaseryoso ang mukha ni Evander. "Meron. Pero hindi pa sapat ang mga ebidensiya. Nahuli namin ang isa sa mga suspek." "Ang iba... Patuloy pa ring tinutugis." Tahimik na tumango si Scarlett. "Hindi ba posible ring inosente ang ilan sa mga nahuli?" tanong nito. Sandaling natahimik si Evander. Muling sumagi sa kanyang isip ang namumugtong mga mata ng dalagang nagmakaawa kanina sa himpilan. Ngunit mabilis din niya iyong itinaboy. "Bilang mayor, Kailangan kong umasa sa ebidensiya at hindi sa emosyon." Tahimik na pinagmasdan siya ni Scarlett. Hindi niya alam kung bakit, ngunit pakiramdam niya'y may bumabagabag sa isip ng lalaking nasa kanyang harapan. Bago pa muling makapagsalita si Evander ay lumapit na sa kanya ang girlfriend at ito mismo ang unang humalik sa kanyang labi. Natigilan si Evander. Ngunit mainit namang tinugon ang mga halik ng girlfriend. "Saka na iisipin ang problema, Evan. Ako muna ang harapin mo, Honey." malambing na sabi ni Scarlett. Mas lalong naging mainit ang tagpo nila. Nag-iinit na rin ang buong katawan ni Evander. Isang linggo ito sa hongkong at isang linggo rin na bakante siya sa s*x dahil wala ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD