CHAPTER 3

1385 Words
Napakapit sa batok si Scarlett habang ninanamnam ang mga labi ng binatang Mayor. Nagsimula nang maglandas ang isang palad ni Evander sa katawan ng girlfriend. Kusa namang tinanggal ni Scarlett ang kanyang suot na seksing dress. Kaya lumantad kay Evander ang malusog na dibdib nito. Naging mapusok ang halikan nila hanggang sa bumaba ang mga halik ni Evander sa leeg ng girlfriend. Nakiliti naman si Scarlett nang maramdaman nito ang matalim at pinong bigote ni Mayor Evander sa kanyang leeg. "Ohh... My gosh, I really miss you, honey." Ang sabi pa ni Scarlett habang napapikit. Pagkatapos ni Evander halikan ang mabangong leeg ng girlfriend ay dumausdos ang kanyang mga halik papuntang dibdib nito. At doon, pinagtuonan niya ang malusog na dibdib ng babae na siyang dahilan para mapaliyad ito. "Aray! Nakakakiliti naman, Evan!" Tili pa ni Scarlett. Ngunit patuloy na sinubsob ni Mayor Evander ang kanyang mukha sa malusog na dibdib ng girlfriend. At sinipsip ang malusog na papaya nito. "Awssh! s**t! Bakit ba ang galing mo magdala ng romansa, Evan!" Muli pang sigaw ni Scarlett. Habang patuloy na sinipsip ni Evander ang malusog na dibdib ni Scarlett ay naging malikot naman ang kanyang dalawang kamay at nakarating na iyon sa loob ng underwear ng girlfriend. "I miss you too, Scarlett." Bulong pa ni Evander sa babae. Sanay na silang may mangyari lagi sa kanila. Ngunit anim na buwan pa lang silang magkasintahan. Pero daig na nilang mag-asawa sa mga nangyayari na sa kanila. Liberated si Scarlett, at para dito ay natural na lang ang salitang "s*x" Na para bang normal na lang para rito na gawain iyon sa magkasintahan tulad sa ginawa nila ngayon. Ilang beses na rin na tinira ni Evander ang babae sa kanyang office room. Kaya parang normal na lang para sa kanila ang may mangyari sa kanila sa loob ng kanyang opisina. Nasa gitna na sila ng matinding sensasyon nang may biglang kumatok sa pintuan ng office room ni Evander. Mabilis namang napatigil sa ginagawa ang dalawa. "s**t!" Mura pa ni Evander nang mabitin siya sa takbo ng kanilang eksena ni Scarlett. Ramdam pa niya ang nagwawalang alaga sa loob ng kanyang suot na pantalon. "Ano ba 'yan. Sino kaya yan?" Inis din na sabi ni Scarlett at nagmamadaling inayos nito ang sarili. "Sino yan!?" May inis sa tono na tanong ni Evander. "Sir, si Amidah po ito." sagot ng tinig ng kanyang personal secretary mula sa labas ng office room sa loob ng malaking bahay na iyon ng mga Valderama. Napahilamos ng mukha si Evander bago muling sumagot. "Come in!" Tugon niya. Pagpasok naman ng kanyang personal Secretary ay ito naman ang natigilan at napahiya nang makita na nandoon pala sa loob si Scarlett. Alam na kasi nito na kapag nandoon ang girlfriend ng amo ay may mangyari sa loob. "Ay, pasensya na po kayo, Sir. Hindi ko po alam. Importante lang po kasi itong dukomento na ibibigay ko sa'yo." Sabi ng personal Secretary at ini-abot sa kanya ang folder na may lamang dokumento. "Okay. But next time, alamin mo muna sa iba kung may kasama ba ako o wala rito sa loob, Miss Secretary." Ang sabi ni Evander na hindi pa humuhupa ang init ng kanyang katawan at ang kanyang nagwawalang alaga. "Ah, okay po, Sir. Sorry po talaga." Sabi naman ng Secretary. "No worries, honey. Mamaya, magmomotel na lang tayo, okay?" Sabi naman ni Scarlett. At parang ang personal Secretary pa ang napahiya sa narinig mula kay Miss Scarlett. ___ Kinabukasan. Maagang nagising si Celestina. Kahit halos hindi siya nakatulog sa dami ng kanyang iniisip, pinilit pa rin niyang bumangon. Tahimik niyang inayos ang kanyang higaan at lumabas para maligo. Hindi muna siya sumilip sa kusina pero alam niyang nandoon na ang kanyang ina at nagluluto. Kailangan niyang maagang maghanda para sa kanyang trabaho bilang saleslady sa mall. Nang matapos siyang maligo ay nagbihis na siya sa kanyang silid ng kanyang uniporme para sa kanyang trabaho. At pagkatapos ay lumabas na siya at nagtungo sa kusina. Nadatnan niya roon na naghahanda na ng almusal ang kanyang ina. At naroon na rin ang kapatid na si Daniel para mag-almusal, nakabihis na rin ito para papasok sa paaralan. Napansin niyang halata pa rin ang lungkot at bigat sa kilos ng kanilang ina na pilit lang kumilos ng normal. "Magandang umaga po, nay." Bati niya rito. Lumingon naman ito sa kanya. "Magandang umaga, anak." Tugon naman nito. "Nakapagluto na pala kayo. Mabuti na ba ang pakiramdam niyo?" "Oo, anak. Medyo okay na ako, huwag kang mag-alala." Sagot naman nito. Mahina lamang na ngumiti ang kanyang ina. "Sige na, anak. Baka mahuli ka sa duty mo sa mall. Sabay na kayo ng kapatid mo. Pritong itlog lang ang naisipan ko para sa almusal niyo, pasensya na kayo ng kapatid mo." Ang sabi nito na may bigat sa tinig. "Okay na okay na po ito, nay. Huwag po kayong mag-alala. Makakaraos din po tayo sa hirap at sa problema natin kay itay." Ang sabi niya sa ina. "Salamat, anak." "Siya nga pala, nay. May nakalimutan pala akong sabihin sa'yo." Sabi niya sa ina. "Ano yan?" Tanong nito. "Ilang years ba tayo dati nakatira sa amo niyo sa Maynila, nay?" Natigilan naman ito. "Ahhmm, mga 5 ka palang noong nagsimula akong magtrabaho doon, hanggang mag 10 years old ka ay saka na pa tayo umalis. Kaya nasa limang taon din tayo sa kanila noon. Sa mga Valderama. Pero ang huli kong nabalitaan ay wala na sila sa Maynila ngayon. Lumipat sila." Sabi ng kanyang ina. "Nandito po sila sa Bacolod, nay." Ang sabi niya sa ina. At nabigla naman ito. "Ha? Saan mo nalamang nandito ang mga Valderama nakatira sa Bacolod?" Tanong naman nito. "Kasi po.... a-ang Mayor po, nay, kilalang- kilala ko po siya. Natatandaan ko pa rin mukha niya kahit 14 years na pong hindi ko siya nakita." "Ha? Aba'y sino?" "Ang Mayor po na biktima sa hold-apang nangyari na naging suspek si itay ay walang iba, kundi si Sir Evander!" Nanlaki ang mga mata ni Aling Gina. Si Evander ay bunsong anak ng mga Valderama. At babae ang nakakatandang kapatid nito. "Ano, si Sir Evander!? Siya ang Mayor sa bayang ito?" "Opo, nay. Siya po. Hindi ko alam kung natatandaan niya po ako. Pero parang hindi niya na po ako natatandaan, kasi nang umalis tayo noon sa mga Valderama ay bata pa po ako. 10 years old pa ako." "At ngayon, 24 na po ako. Kaya siguradong hindi niya po ako kilala. Pero siya, hindi naman halos nagbago ang mukha niya. Tumangkad lang siya at lumaki ang katawan." "Naku. Dapat magpakilala ka sa kanya, anak! Sabihin mo na anak kita, magmakaawa ka na walang kasalanan ang itay mo. Baka pag maalala ka niya ay maawa siya sa'yo at hindi niya tuloyang ipakulong ang iyong ama." Nagkaroon ng pag-asang wika ng ina. Nagliwanag ang mukha nito at natuwa. "S-susubukan ko po, nay. Basta gagawin ko ang lahat para makawala si itay sa kulongan at lakasan ko po ang loob ko na muling kausapin ang Mayor na walang iba kundi si Sir Evander." "Sige anak. Gagawin mo yan. Baka maawa sa atin si Sir Evan." Samantala ay nakikinig lang ang kanyang kapatid na si Daniel na mukhang natuwa din sa narinig. Ilang sandali pa ay sabay-sabay silang kumain at wala nang gaanong usapan sa hapag. Paminsan-minsan lamang ay napapatingin ang kanyang ina sa bakanteng upuan ng kanyang ama. Lalong bumigat ang pakiramdam ni Celestina. Pagkatapos kumain ay naghanda na siyang umalis. "Inay, mamaya po paglabas ko sa trabaho, didiretso po ako sa kulungan para bisitahin si Itay. Gusto ko pong personal na malaman kung ano na ang takbo ng kaso niya." Tumango ang kanyang ina. "Mag-iingat ka, anak. Basta, may pag-asa na tayo na si Sir Evander pala ang Mayor ng bayang ito." "Opo, nay." Humalik siya sa noo ng kanyang ina bago ginulo nang bahagya ang buhok ng kanyang nakababatang kapatid. "Daniel, mag-aral kang mabuti habang nasa trabaho ako." "Opo, Ate." Ngumiti siya kahit mabigat ang kanyang dibdib at pagkatapos ay lumabas na siya ng kanilang maliit na bahay. Habang naglalakad patungo sa sakayan ng jeep ay muli niyang pinatatag ang kanyang loob na anuman ang mangyari ay hindi siya titigil. Gagawin niya ang lahat upang mapatunayan ang kawalang-sala ng kanyang ama. At kung maaari ay muli niyang kakausapin ang Mayor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD