CHAPTER 6

1437 Words
Sandaling natigilan si Celestina. Ganito pala ang pakiramdam ng muling makita ang isang taong naging bahagi ng kanyang kabataan. Samantala, bahagyang kumunot ang noo ni Evander. Pinagmasdan niya ang dalaga. Naalala niya ito at nakita na niya ito. Ito ang anak ng suspek na isa sa naghold-ap sa kanya. Pamilyar talaga ang mukha nito. At pilit niyang inaalala kung saan niya ito nakita. Ngunit wala siyang matandaan. Hindi niya ito maalala, basta pamilyar lang sa kanya ang mga mata nito. Maganda naman ito ngunit simple lang at kulang sa pag-aayos sa sarili tulad sa mga babaeng nakilala niya. "Yes, do you need something?" malamig ngunit magalang nitong tanong. Napalunok si Celestina. Biglang nawala ang lahat ng mga salitang inihanda niya. Parang nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod. Katulad din sa unang pagkikita nila nito noong mga nakaraang araw. "A-ako po... Ako po pala yung anak ng suspek, yung nagmamakaawa po a inyo, M-mayor." Sabi niya na hindi maiwasang manginig ang boses niya. Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Evander na nakatingin sa kanya. "I'm sorry, but I don't have time now. Nakakaabala ka lang sa akin." Sagot nito habang ang dalawang bodyguard nito ay nasa likod nito. Parang may kumurot sa puso ni Celestina. Tama nga ang hinala niya. Baka tulad pa rin ito ng dati. Suplado at mapanlait. Mahigpit niyang nayakap ang dalang bag. "Mayor, nakikiusap po ako! Kaawaan niyo naman po ang tatay ko!" Naiyak agad na sabi ni Celestina. "Hindi ka ba nakakaintindi? May mga appointment pa ako. At wala akong oras." "Bigyan niyo naman po ako ng oras, Mayor. Maawa po kayo, nakikiusap po ako." Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Evander. At nakita niya ang pagkainis sa mukha nitong napatingin ng matalim sa kanya. At hindi pa man muling makapagsasalita si Celestina ay may isang babaeng eleganteng nakabihis ang lumabas mula sa loob ng munisipyo. Nakataas ang noo nito habang marahang naglalakad suot ang mamahaling sapatos. Nang makita si Evander ay agad itong ngumiti. "Hi, honey! ready na ba tayo?" malambing nitong tanong. Napalingon si Celestina. Hindi niya maiwasang mapako ang tingin sa magandang babae. Si Scarlett. Lumapit ito kay Evander at natural na kumapit sa braso ng binata, na para bang ipinapakita sa lahat ang kanilang relasyon. Saka lamang nito napansin si Celestina. Mula ulo hanggang paa ay sinukat siya ng tingin ni Scarlett bago marahang nagtaas ng isang kilay. Maya-maya ay lumitaw sa mga labi nito ang isang mapanlait at nakakainsultong ngiti. "Honey," mahinang sabi ni Scarlett habang nakatingin pa rin kay Celestina. "May problema ba?" "No, Scarlett." malamig na sagot ni Evander. "May gusto lang siyang ipakiusap about sa kaso ng ama niya na isa sa mga suspek ng panghohold-ap sa akin noong mga nakaraang araw." Sagot ni Evander. "Okay, Let's go." Dugtong agad ng Mayor at hinila na ang girlfriend. Ngunit hindi sumunod si Scarlett, nang marinig na anak ng suspek si Celestina. Muli itongng binalingan si Celestina. "Wow ha! Kapal ng mukha mo day. Ang lakas ng loob mong kakausapin ang Mayor kahit suspek ang tatay mo sa panghoholdap sa kanya!" ang sabi ni Scarlett na nakapamaywang. At muli siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. Halatang puno ng pangmamaliit ang mga tingin nito sa kanya. "Huwag mong abalahin ang boyfriend ko. Napakarami niyang mas mahahalagang dapat asikasuhin." Namutla si Celestina. Mahigpit niyang napisil ang strap ng kanyang bag habang pilit na pinipigilan ang pag-agos ng kanyang mga luha. "Hindi po ako nanggugulo..." mahina niyang sabi. "Gusto ko lang pong humingi ng kahit kaunting pagkakataon para maipaliwanag ang panig ng tatay ko. At magmamakaawa po." Napabuntong-hininga si Scarlett. "Sapat na ang paliwanag ng mga ebidensya. Hindi ba, honey? Ano kaya kung... Kung pati ikaw ay ipapadampot namin sa mga pulis? Baka pamilyang mga holdaper talaga kayo." Sabi ni Scarlett. Natigilan si Celestina at kaagad na kinabahan. "Ano sa tingin mo, honey?" Baling ni Scarlett sa nobyong Mayor. Hindi sumagot si Evander. Nanatili lamang siyang nakatingin kay Celestina, tila may kung anong bumabagabag sa kanyang isip. Muli niyang pinagmasdan ang mga mata ng dalaga. Bakit pakiramdam niya talaga ay matagal na niya itong nakita. Ngunit sa tuwing sinusubukan niyang alalahanin, tila may humaharang sa kanyang isipan. Ipinilig niya ang ulo at muling naging malamig ang kanyang ekspresyon. "Come on, Scarlett. Nasayang na ang minuto ko. Hali ka na." Tila inis nang sabi ni Mayor Evander. "Naku, Mayor! Huwag niyo po muna akong tatalikuran!" Tuluyan nang umiyak si Celestina. "Guard, pakikuha nga ng babaeng ito." Malumanay na senyas ng Mayor sa dalawang guwardiya sa unahan. Agad namang lumapit ang dalawang guwardiya. "Ihatid ninyo siya palabas." Parang gumuho ang mundo ni Celestina. Ngunit bago pa man siya mahawakan ng mga guwardiya, bigla siyang lumuhod sa harap ni Evander. "Mayor... nagmamakaawa po ako. Isang pagkakataon lang po para sa tatay ko..." Saglit na natigilan ang lahat sa kanyang ginawa, lalo na ang Mayor. "Ano pa ang hinihintay niyo!? Kaladkarin na ang anak ng holdaper na ito! Masyadong makulit eh!" Galit na utos ni Scarlett. At agad na hinila ng dalawang guwardiya si Celestina palayo. "Mayor! Maawa po kayo! Bigyan niyo po ako ng pagkakataon!" Napaluhang sigaw ni Celestina. Wala na siyang pakialam pa kung lahat ng mga mata ay sa kanya na napatingin. Tumalikod na si Evander kasama ang girlfriend nito. "Mayor! Anak po ako ng dati niyong katulong! ako po si Celestina! Parang awa niyo naman oh!" At doon, biglang natigilan si Evander sa kanyang mga narinig. Napatigil pati ang paghakbang niya at napatingin sa babae. Ngunit paglingon niya ay saka naman tuluyang nailabas ng dalawang guwardiya si Celestina sa tarangkahan ng Munisipyo. "Celestina...?" mahina niyang sambit. Biglang may naalala agad si Evander. Nanlaki ang kanyang mga mata. Si Celestina... Ang batang anak ng dati nilang kasambahay. Ang batang limang taong nanirahan sa kanila noong siya'y binatilyo pa lamang. Ang batang palagi niyang inaasar dahil sa maitim nitong balat at simpleng anyo. Ang batang madalas niyang pinagsupladuhan noon. Kaya pala pamilyar ang mga mata nitong mukhang laging nagpapaawa. Hindi lang niya agad nakilala dahil malayo na ito sa dating batang Celestina na nakilala niya. Ibang-iba na ang Celestina ngayon sa batang nakilala niya noon. Hindi na ito ang payat at maitim na batang palaging nagtatago sa likod ng kanyang ina at laging umiiyak sa tuwing pinagsusungitan niya noon. Noon, madalas niya itong asarin at sungitan dahil madali itong umiyak. At ngayon, kahit simpleng babae lang at walang kaartehan sa katawan at sa mukha, isa namang magandang dalaga ito. Dahan-dahan siyang napalingon sa direksiyong pinaghilaan ng mga guwardiya. Ngunit huli na. Nailabas na siya ng mga ito sa tarangkahan ng munisipyo. Nanatiling nakatanaw si Evander sa labas ng gusali. Hindi niya inaasahang ang batang madalas niyang nilait at pinagsupladuhan nopn... ay muli niyang makakaharap pagkalipas ng maraming taon. Nawaglit ang mga iniisip ni Evander nang marahang hilahin ni Scarlett ang kanyang braso. "Honey, malelate na tayo sa appointment," paalala nito. Sandaling napatitig si Evander sa direksiyong pinaghilaan ng mga guwardiya si Celestina bago tuluyang tumalikod. "Let's go." Pagsapit ng hapon ay natapos din ang lahat ng kanyang mga nakatakdang appointment. Ngunit kahit abala siya sa buong maghapon, paulit-ulit pa ring bumabalik sa kanyang isip ang luhaang mukha ni Celestina. At ang pagmamakaawa nito. Pagkauwi niya sa kanilang mansion nang gabing iyon ay hindi pa rin siya mapakali. Tahimik siyang naupo sa kanyang opisina habang nakatanaw sa labas ng bintana. Ilang sandali siyang nag-isip bago dinampot ang kanyang cellphone. May agad siyang tinawagang isa sa kanyang mga pinagkakatiwalaang tauhan. "Sir?" magalang na sagot ng lalaki sa kabilang linya. "I need you to do something." "Sabihin n'yo lang po." "I want you to go to the house of the suspect in the hold-up case." "Yes, Sir." "Find his daughter, Celestina." Saglit na natahimik ang kanyang tauhan bago muling sumagot. "Kapag nakita ko na po siya, ano po ang ipapasabi niyo?" Mahinang napabuntong-hininga si Evander. "Tell her... I'll give her a chance to speak with me." "And I'll set a date and time. She can explain everything she wants to say about her father then." "Noted, Sir." "And one more thing." "Sir?" "Make sure you speak to her politely. Don't intimidate her." "Yes po, Mayor." Pagkababa ng tawag ay dahan-dahang ipinatong ni Evander ang cellphone sa mesa. Napasandal siya sa kanyang upuan at napapikit. Hindi niya alam kung bakit... Ngunit sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon, muling bumalik sa kanyang alaala ang batang si Celestina. At ngayon, Hindi na siya ang batang madungis at mahiyain na palagi niyang inaasar noon. Ngunit ang mga matang iyon, ganoon pa rin, singkit pa rin iyon tulad ng dati. Ang mga matang minsan niyang pinaiyak nang paulit-ulit noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD