NANG BUMITAW si Sydney mula sa pagkakayakap niya ay wala siyang nagawa kundi ang hayaan ito. Nagpalipas muna siya ng ilang minuto sa terrace upang payapain ang sarili bago siya nagpasyang pumasok sa loob upang matulog. Ngunit ganon na lang ang pagkunot ng noo niya nang makita niyang wala sa kama si Sydney. “Sydney?” Sinubukan niyang hanapin ito sa comfort room ngunit wala ito roon. “Where the hell is she?” Akala ba niya’y matutulog na ito? Pero bakit wala ito? Sigurado siya, lumabas na naman ito. Napabuga siya. It seems like he doesn’t have a choice but to look for her. Kakalabas lang niya sa room nila nang matanaw niya ang isang mestisong lalaki na naglalakad habang may pangkong babae. At ganon na lang ang pagsalubong ng kilay niya nang makilala kung sino ang babaeng karga-karga n

