“SANA mapatawad niyo akong dalawa sa mga naging kasalanan ko. Patawad anak.” Hindi alam ni Rayven kung gaano na siya katagal na lumuluha sa loob ng banyo. He felt so helpless. Tila siya pinagbagsakan ng langit at lupa nang mga oras na iyon. Ngayon ay naiintindihan na niya ang lahat. Ngayon ay alam na niya kung saan nanggagaling ang galit sa kanya ni Sydney. And that is because of what he has done before. Dahil sa lahat ng nalaman niya nang mga oras na iyon ay hindi niya alam kung kaya pa niyang harapin si Sydney. Hindi niya alam kung kaya pa niyang kausapin ito. Parang napanghihinaan na siya ng loob. Sa lahat ng naramdaman nito noon, at sa lahat ng ibinigay niyang sakit dito noon ay nagawa pa niya itong saktan at pagbuhatan ng kamay kahapon. At higit sa lahat nagagawa pa niya itong sabih

