Kabanata 7

1311 Words
Heaven's POV Ilang minuto pagkatapos kong punasan ang luha ko ay tinawag na ako sa stage para sa talent portion. Pag akyat ko sa stage ay mayroong upuan at mic nang nakahanda. "Good afternoon po sa inyong lahat, itong kantang aawitin ko po ay para sa aking best friend na si Sky at kay Tita Evelyn. Salamat sa suporta ninyo, mahal ko po kayo..." nakangiting saad ko. Nagpalakpakan ang mga tao at agad ding tumahimik nang magkaroon na ng music. Kung ito man ang huling awiting aawitin Nais kong malaman mong ika'y bahagi na ng buhay ko At kung may huling sasabihin Nais kong sambitin, nilagyan mo ng kulay ang mundo Kasama kitang lumuha Dahil sa'yo ako'y may pag-asa Tiningnan ko si Sky at nakitang nakatitig din siya sa akin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na sobra akong nagpapasalamat dahil nakilala ko siya. Dalawang buwan palang kaming magkakilala pero malaki ang nagbago sa buhay ko simula ng makilala ko siya. Hindi ko alam na pwede pala ang ganun. Na kaya palang baguhin ng isang tao ang buhay ko sa maikling panahon. Hindi ako yumaman, hindi ako nakakapag aral, pero higit pa roon ang natanggap ko simula ng dumating si Sky sa buhay ko. 'Yung peace at assurance na nabibigay niya sa akin ay hindi kayang tumbasan ng kahit magkanong halaga. Ang awiting ito'y para sa'yo At kung maubos ang tinig, di magsisisi Dahil iyong narinig mula sa labi ko Salamat, salamat Ha, yeah, yeah Salamat, Sky. Sana dumating 'yung panahon na ako naman ang makabawi sa 'yo... Sa ngayon ay wala akong ibang alam na paraan para maipakita sa 'yo kung gaano ka kahalaga sa akin kundi ang pananatili lang sa tabi mo. Ang iparamdam lang sa 'yo na nandito ako. Sana'y iyong marinig, t***k ng damdamin Ikaw ay mahalaga sa akin, ang awitin ko'y iyong dinggin At kung marinig ang panalangin Lagi kang naroroon, humihiling nang pagkakataon Masabi ko sa'yo ng harapan Kung gaano kita kailangan Ang awiting ito'y para sa'yo At kung maubos ang tinig, 'di magsisisi Dahil iyong narinig mula sa labi ko Salamat, salamat Ha, yeah, yeaah Nag flashback sa akin 'yung unang araw na nagkita kami sa labas ng prisinto. 'Yung pangungulit at paghabol niya sa akin para lang maging kaibigan niya. Hindi ko alam na sa pangungulit niyang iyon, nabago ang takbo ng buhay ko. Siya ang nagpumilit na maging kaibigan ako, pero mas malaki ang naging impact niya sa buhay ko. Ito na ang pagkakataon Walang masasayang na panahon Mananatili ka sa puso ko kailanman Para sa yo ako'y lalaban, ako'y lalaban Ang awiting ito'y para sa'yo At kung maubos ang tinig, 'di magsisisi Dahil iyong narinig mula sa labi ko Salamat, salamat Ang awiting ito'y para sa'yo At kung maubos ang tinig, 'di magsisisi Dahil iyong narinig mula sa labi ko Salamat, salamat... Gusto kong ipagsigawan na simula ng nakilala ko siya, hindi ko na naramdaman na mag-isa ako. Na simula ng dumating siya sa buhay ko, naging totoong masaya ako kahit hindi kagandahan ang sitwasyon ko. Hindi ko na nakikita ang mga mali sa akin kasi pinaparamdam niya kung gaano ako ka-swerte. Sa dalawang buwan, maikling panahon lang, pero napunan niya ang kulang sa puso ko. Siguro para sa iba ay OA ako, pero para sa kagaya ko na walang kaibigan at hindi nakakaranas ng suporta ay malaking bagay ang pagkakaroon ng isang taong susuporta at mananatili sa tabi ko. Gusto kong ipagsigawan na masaya ako. Na kontento ako sa kung anong meron ako ngayon. Na wala akong ibang hinihiling ngayon kundi ang makasama ka hanggang sa pagtanda ko. Na 'yung friendship natin ay umabot hanggang dulo. Na pakiramdam ko kahit anong ibato sa akin ng mundo, hanggat nandiyan ka, magiging masaya ako, Masaya ako dahil sa 'yo, Sky. At sana magawa ko rin na pasayahin ka kagaya ng pagpapasaya mo sa akin... Hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko habang nakatitig kay Sky. Nakita ko siyang tumayo at nag aalala ang mukha kaya nginitian ko siya para ipaalam na ayos lang ako. Nagpalakpakan muli ang mga tao bago ako bumaba ng stage. Pinunasan ko ang luha ko na hindi ko namalayang tumulo. Ewan ko ba, naging emotional ako ngayong araw. Sobra ko lang talagang naappreciate si Tita Evelyn at lalo na si Sky. Siguro dahil ito ang unang beses na may sumuporta sa akin sa ganitong klaseng sitwasyon kaya ganu'n. Pakiramdam ko tuloy ay first time kong sumali sa pageant. "May problema ka ba?" nag aalalang tanong ni Sky ng makarating siya sa waiting area kung saan kami naka-pwesto ni Tita Evelyn. Hinanap ko si Tita Evelyn pero hindi ko siya nakita roon. Baka pumunta sa kotse niya. Mahina akong tumawa, "Wala, no! Ano naman ang magiging problema ko na hindi mo alam?" Ang totoo niyan ay alam ni Sky ang mga pangyayari sa buhay ko, maliban lang doon sa part na sinasaktan ako ni Tatay at wala akong balak na ipaalam sa kanya 'yun hanggat maari. Tinitigan niya akong mabuti kaya lalo akong natawa. Halata sa pagkaka-kunot ng noo niya na hindi siya naniniwala. "Wala nga akong problema. Naappreciate ko lang kayo ni Tita Evelyn. Thankful ako kasi parte kayo ng buhay ko," muling nangilid ang luha sa aking mga mata. "Ayan tuloy, naiiyak na naman ako!" Nagulat ako ng hilain niya ako palapit sa kanya at niyakap. Hindi ko na tuloy napigilan ang luha ko na tuloy-tuloy ang daloy. Pinikit ko ang mata ko at hinayaan na lang silang lumabas. "Lagi akong nandito para sa 'yo. Hindi kita iiwanan, Ven." madiin niyang saad. Hindi ko man nakikita ang mukha niya pero alam kong seryoso siya. "Pinapaiyak mo 'ko lalo, e!" hinampas ko siya sa dibdib bago tuluyang niyakap. "Thank you, Sky. Babawi ako sa 'yo, pangako." "Hindi mo kailangan bumawi dahil wala ka namang pagkukulang bilang kaibigan ko," saad niya. Pero hindi ako sang-ayon doon. Tingin ko kasi ay puro si Sky ang nagbibigay sa amin, 'yung oras niya, 'yung effort niya tuwing pupunta sa amin, 'yung pera niya tuwing ililibre niya ako, isama pa doon ang pagbibigay niya sa akin ng cellphone at load na hindi naman dapat niya obligasyon. "Kahit na. Mas marami ka paring nagagawa para sa 'kin," nakanguso kong saad. "Hindi mo lang alam kung gaano kalaki ang impact ng pagdating mo sa buhay ko," "Ikaw din naman. Malaking blessing na pumayag kang maging kaibigan ko. Kaya 'wag mong isipin na wala kang nagagawa para sa 'kin dahil hindi totoo 'yun!" ramdam ko ang sinseredad sa tono niya. Inalis niya ang pagkakayakap sa akin at pinunasan ang pisngi ko. Paniguradong natanggal na ang make up ko dahil kanina pa ako umiiyak. "Sandali, may kukunin lang ako," agad siyang tumakbo papunta sa kilalagyan ng kotse nila. Pinunasan ko naman ang pisngi ko gamit ang panyong pinahiram sa akin ni Tita Evelyn kanina. Napaawang ang labi ko ng makita ang hawak ni Sky pagbalik niya. 'Yung teddy bear na napanalunan niya kahapon. Pero may pinagkaiba na, kasi may puso na nakalagay sa dibdib ng dalawang teddy bears at may nakasulat na, "Sky to Heaven" at "Heaven to Sky" at parehong may suot na sumbrero ang mga ito. Pink ang sa isa at blue naman sa isa. Lalong naging cute sila sa paningin ko kaya hindi ko maiwasang ma-excite na kunin iyon kay Sky. "Together, forever..." saad niya at iniabot sa akin ang teddy bear na may nakasulat na "Sky to Heaven", kinuha ko iyon at niyakap. Ngumiti ako sa kanya kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata ko, "Oo, Sky. Together, forever!" Muli niya akong niyakap. Hindi pa natatapos ang pageant pero pakiramdam ko ay panalo na ako. Wala na akong hihilingin pa sa pagkakataong ito, kundi ang makasama lang ang lalaking kayakap ko ngayon hanggang dulo... Hindi ako naniniwala sa forever. Pero sana, sana hanggang dulo ang friendship natin, Sky.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD