Chapter 15 MysteRee

2570 Words
Naging masaya ang kwentuhan namin ng mommy ni Ree. Mabait siya. Pero kinakabahan ako sa nga iniisip niya. Sa palagay ko ay mas maigi na si Lia ang kaniyang makakwentuhan at hindi ako. Pero nandito na ako. Hindi ko na kaya pang iwasan. Since she helped me. I am grateful at nandito sila. Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na kami sa theater room nila. Nagulantang kaming dalawa dahil nasa labas itong isa at nakasandal lang sa pader ng dingding. I looked at him from head to toe. Was he in there the whole time? Nakayuko siya na tila nagbibilang ng bawat oras dahil sa pagkainip. “Son? What are you doing here?” ang sumbat ng mommy siya sa kaniya. He lifted his head and looked at his mom. I stood still waiting for his response. “I’m waiting. It’s getting late, mom.” He said. “Then what is wrong with that?” sambit nito. “Ihahatid ko si Lesley.” Sagot niya. Tumango-tango ito sa anak niya at lumingon sa gilid dahil naroon ako nakatayo. “I think she should stay.” Suhestiyon niya na siyang kinagulat ko. “Hindi po.” Biglang singit ko sa usapan nilang mag-ina. “No lady. You are going to stay for a night. I think it is better you stay so you can rest. You will make me worry if you’d insist that you want to go home.” Sabat naman niya at ngumiti. “Then I wouldn’t say no.” Tanging nasabi ko. “Come on!” sambit nito. “There’s another room for guests.” Wika niya. Nagkatinginan kami ni Ree dahil sa maapilit ang mommy niya. “Mom!” tawag nito sa nakailang hakbang na n’yang ina. “Maybe upstairs,” mahinang himig na suhestiyon niya. She stopped her step and turned to him. “No! she stays down here. Huwag mo na paakyatin ang buntis.” Mabilis na sabi niya sa anak. “Come on! Lesley.” Sumunod ako sa kaniya. Mga ilang hakbang pa bago namin narating ang isang pinto. She opened it for us. “Stay here for a while.” Ang alok niya. “Maam salamat po.” “Bukas ka na umuwi. Malalim na ang gabi. You should rest more often lalo na at lumalaki na ang baby.” Wika nito. Tumango na lang ako at pumasok. “Tell me when you need something. Aya will do it for you.” Habilin niya. “Maiwan na kita. Good night, dear.” Paalam niya. She left me. I closed the door right away. My eyes roamed around the room. Maybe makakapagpahinga ako but I doubt if makakatulog. Then I sat down the bed. It feels so comfy and ang sarap sa pakiramdam. Nais kong mahiga. Then I remember it’s daylight sa Pinas. Kamusta kaya ang mga ‘yon? Naisip kong tawagan si Sam. But she did not pick up. I called Lia instead. Right away she picked up my call. “Hello, Lia.” Bati ko sa kaniya. “Les! Are you home?” ang tanong niya. “Hindi.” Sagot ko naman. “Then where are you?” ang tanong nito. “I am here at Ree’s place.” Ang sagot ko. “I see. But it’s late. Why?” ang maagap niyang sabat sa akin. “Something happened. Maybe I was tired. I fainted.” Kwento ko. “Oh dear. Then are you okay?” nag-aalalang tanong niya. “Of course I am now.” Mabilis kong sabi. “Good to know you are fine.” “By the way. Napadaan ako kahapon sa café and I saw Sam.” Ang kwento niya. Masigla ang tinig nito nang sabihin iyon. “Talaga? Tinatawagan ko nga ‘yon. Ayaw sagutin ang call ko.” “Don’t worry because your sister is doing fine.” Masigla niyang kwwnto. “She’s doing a great job. Ang sasarap ng mga dishes na inihahanda nila. Alam mo ba? na-surprise ako kasi nando’n si Jeff.” Kwento nito. Natahimik ako bigla when I heard his name. So itinuloy pala nila ang plan na mag-put-up ng café. “Talaga ba? Good to know.” Ang sabat ko. “He’s got a lot of business partners. Akalain mo ba na ang isa sa mga malapit na kaibigan ni dad ang supplier niya ng mga products na distributed niya din sa ibang mga café?” kwento niya na tuwang-tuwa. Napangiti lang ako. I don’t know if what should I say to her. “Sayang at hindi ko pala kanina nakuhanan ng photos ang interior niya. It’s cozy.” Sabi niya. “By the way. How is the baby and you?” tanong n ’ya. Napatingin ako sa aking tiyan at hinawakan ko ito. “Maayos naman.” Napangiti ako habang iniisip if ano ang ginagawa nito sa loob ng aking sinapupunan. “By the way, Lia.” Biglang putol ko sa usapan namin. “Yes?” ang sagot naman niya. “Did you mention about the baby?” ang tanong ko. She shook her head and smiled at me. “Nope! I did not and I cannot do that.” Ang pagpapasiguro niya. “Well thank you. At least I know he got no idea.” Panatag kong sabi. “By the way, I met your soon to be mother in law.” Masaya kong sabi. “Oh my gosh!” ang reaksiyon niya. He eyes were glowing with excitement. “How?” nagtatakang sambit nito. “She checked the baby.” Ang sabat ko naman. “I missed her. Ang tagal niya bago bumalik.” Saad nito. “Bakit?” ang tanong ko. “Didn’t she told you about it? Nag-usap kayo?” ang tanong niya. “Yeah! Nakapag-usap kami. Naiilang ako. Akala niya girlfriend ako ni Ree.” Nahihiya kong kwento sa kaniya. She laughed like crazy. “Don’t worry. Lahat naman ng babae na kasama ni Ree ay lagi niyang pinag-iisipan na karelasyon ng anak niya.” Patawa niyang paliwanag sa akin. “Ree never calls her. Did she come just because she wants to? Or Ree called her?” ang maintriga niyang tanong. “Well, tinawagan siya ng anak n’ ya.” Ang sabi ko naman. “Wow! That’s good news, Les.” Sambit nit. “I will call him. I want to know the whole idea. Bakit niya tinawagan. Bye!” excited itong nagpaalam sa akin at ibinaba ang tawag ko. Ako na lang sana ang magpapaliwanag but she seems so excitement to know. Maigi na nga talagang silang dalawa na ang mag-usap. I put my phone aside. Ilang sandali pa ay tumunog ito. I picked it up again and take a look. It’s Sam. Sinagot ko naman kaagad. “Sam! Kanina pa ako tumatawag. Kamusta na ba diyan?” ang tanong ko sa kapatid ko. “Ate busy ako. May ka-meeing kasi kami ni Kuya Jeff. Napakaaga nga eh.” Ang sabi nito. “Ay hindi ko pa pala nasasabi sa’yo.” Nag-open na ang café ni Kuya. Business partners kami.” Ang kwento niya. “Wow! Sinabi nga din ni Lia.” Ang tugon ko kay Sam. “I invested my savings here.” Ang sabi niya. “Medyo malaki na din pala ang naipon ko, ate.” Ang wika nito. “Magaling ka naman kasi mag-ipon. Sikapan mo pa.” Ang pagpapapursige ko sa kaniya. “Oo naman. Susunod ako diyan kapag may show money na akong sapat sa requirements.” Saad niya. “By the way, si Mama at Papa?” ang tanong ko. “Ay ate siya nga pala. Naibalik na ang titulo ng binili mong bahay at lupa doon sa Batac.” Ang pagpapa-alam nito sa akin. Biglang parang tatalon ang puso ko. Halos limang taon ko din binayaran ‘yon. At natuon na bago ako ikinasal kay Jeff ay nabuo ko na ang balances. Isa iyong acquired property ng bangko na sinalo ko kaagad. Kinailangan ni Laila ng pera noon kaya ipinasubasta na lang niya upang maipagamot ang tatay nitong may cancer. Mura lang ang price nang pina-auction ng bangko. I grabbed the opportunity noong sabihin niya sa akin. It took a year din bago tuluyang naitransfer sa pangalan ko. Sa Dela Rama ko pang apelyido iyon. Muli ay binalikan ko si Sam. “Salamat at hindi mo nakaligtaan na mag-update, Sam.” Ang sabi ko sa kaniya. “Sana mapuntahan n ‘yo.” Dagdag ko. “Ate ang layo naman kasi n ‘on.” Ang sambit nito. “Kahit na malayo. Basta may bahay na ako.” Ang sabi ko pa. “Pero paano ‘yan? Ang layo n ‘on?” ang tanong nito. “Sabihin mo kay Alex na minsan ay puntahan ninyo. Hindi ba at mahilig naman kayo sa adventure?” ang sabi ko pa. “Maybe if we have time. Kababayad lang ni Alex para sa sasakyan niya, ate.” Ang sabi niya. “Wow naman. Ang yaman ng bunso. Promoted ba?” Ang tanong ko. “Oo, ate. Fifty percent daw ng price ng sasakyan niya ay free ng company.” Ang kwento niya. “Wow! sabihin mo kay Alex congrats. Masaya ako sa mga achivements ninyo.” Ang wika ko. “Ikaw kasi ‘yon lahat, ate. You did everything for us.” Ang drama ng kapatid ko. “Tumigil ka. Ayoko kaya maluha dito. I miss you all.” Ang sabi ko. “Si kuya din nagtatanong pala ng number mo.” Ang singit niya sa usapan. Kailan lang nang sabihin din niya ito sa akin. Naglukot ang kilay ko. “Bakit?” ang tanong ko. “About yata sa annulment, ate.” Ang sambit ni Sam. “Well, bahala na siya d ‘on.” Ang sabi ko ay biglang napanguso. “Hintayin na lang niya ang three to five years ng non-existence ko sa lugar na ‘yan. I-file na lang niya later.” Ang utos ko dito. “Malay mo isang linggo lang at ma-grant ang invalidity ng kasal.” Wari ko. “Grabe ka naman, ate. Mukhang ayaw na nga ituloy.” Ang dagdag nito. “Naku ayoko na pag-usapan ‘yan.” Ang pag-saway ko kay Sam. “Ikaw ang bahala.” Tanging sabat ng kapatid ko. It was our last conversation. I dropped the call right away. Ang asawa ko na annulment ang iniisip noon at ngayon ay nais na iurong. Then here I go. Malapit na manganak. Hindi niya makikita ang anak niya. I made myself feel comfortable sa place na ‘to. This is not my house but I needed to feel like I am home. Kailangan ko ng pahinga. Bigla ko na lang naalala ang mga pills na kailangan ko inumin. Gosh I forgot my things. Nasaan nga ba ang bag ko kanina? I went out of the bedroom. Nagpunta ako sa kusina. Tinunton kong mag-isa. Ang laki ng bahay na ito pero parang wala naman nakatira. Biglang nakita ko may nakabukas pa na maliwanag na ilaw at may tao doon. So, I took myself in there. This is the kitchen, I said to myself. Nakita ko ang babaeng nakatuwad sa bukas na kitchen cabinet. She looks so busy na tila mayroong inaayos sa loob nito. Tumikhim ako dahil baka magulat siya kapag nalingon sa likod na nandito ako. I think it’s Aya. “Good evening!” ang maluwalhati kong bati. Umayos siya ng pagkakatayo at humarap. “Hi! Akala ko pinatulog ka na ni Madam. Nag-utos pa naman ‘yon na dalhan kita ng gatas sa kwarto.” Ang sabi niya. “Hindi inihatid nga niya ako sa bedroom. Pero nakalimutan ko kasi ang mga gamit ko kanina. Hinahanap ko si Ree, pero napansin ko na may tao dito sa kusina. So, I checked kung siya ba ang naririto.” Ang paliwanag ko. Napangisi ng bahagya si Aya. Inilapag nito ang hawak na pinggan. Nag-aayos pala siya ng mga pinggan sa cabinet. “Sa lahat ng lugar dito sa bahay. Ito ang ayaw niyang pasukin.” Ang pagsisiwalat niya. Nagkunot ang noo ko. Hindi ba at chef ‘yon? Paanong ayaw niya sa sarili nitong kusina? Napansin yata ni Aya ang itsura ko sa reaksiyon na ‘yon. “Nakakapagtaka ano?” ang saad ni Aya. Napatango ako sa sinabi niya. Talagang nakakapagtaka. “Oo. Hindi ba at siya ang chef sa hotel? So paano na sarili niyang kusina ayaw niya puntahan?’ ang tanong ko. Naalala ko noong ipinagluto niya ako. “Noong nasa flat namin ‘yan ay ipinagluto niya pa nga ako.” Ang dagdag ko. “Talaga?” ang bulalas ni Aya. Bakas sa mukha niya ang tuwa sa narinig. Bago ba ‘yon? Nagluluto naman si Ree talaga ‘di ba? “Naku ilang taon na talaga ‘yan na hindi dito nagluluto. Akala ko nga lalangawin na lang ang kusina eh.” Kwento pa nito. Bigla sumagi sa aking isip ang pinag-usapan namin ng mommy niya. Hindi kaya ay dito sila nanirahang dalawa ni Kassy? Were their memories lives here? Biglang nag-puzzle sa isip ko ang mga ito. “Sa hotel hindi ba nagluluto siya?” ang tanong ko. “Naku bihira. Usually siya ang naghahain kapag may mga esepsyal lang na guests. But the rest of the ordinary days ay supervisory lamang ang ginagawa niya.” Paliwanag nito. “Matagal ka na ba dito?” ang tanong ko. Saan ba ang workplace nito? Sa hotel ba o dito? “Halos matagal na rin.” Ang sagot niya. Napatango ako. “So pinagkakatiwalaan ka ng family ni Ree?” ang tanong ko. “Pinsan ko si Ree. Hiniling lang ni Madam na samahan ko ‘yan dito. Since matandang dalaga na din naman ako. Wala akong sariling pamilya na kailangan alagaan.” Kwento n ‘ya. “Wow. Then you work sa hotel on daylight?” ang tanong ko. “Oo four hours shift lang ako doon. Ayaw naman niya na buong araw ako. Kung baga ay ayaw din niya ako mabagot dito sa bahay.” Ang dagdag pa niya. “Ang galing naman. Close kayo?” ang tanong ko. “Hindi.” Ang sagot niya. “Dati ay oo.” Wika niya. “Ano nga ulit ang kailangan mo, Lesley?” ang tanong niya. Biglang napukaw ang aking ulirat. “Huh? Ano.. kailangan ko sana makita si Ree kasi itatanong ko kung nasaan ang bag ko kanina.” Ang sabi ko kay Aya. “Ako na ang aakyat para kuhanin ‘yon.” Ang alok nito. “Maiwan muna kita.” Ang sabi niya at lumakad na ito. Naiwan ako sa kusina at naisipan kong uminom ng tubig. Kaya naman ay binuksan ko ang fridge. Namangha ako dahil organisado ang lahat na nakalapag sa tamang lalagyan. Walang mintis ang pagkakasalansan ng mga ito. Parang ayoko na galawin. Pero kailangan ko ng maiinom. Kinuha ko ang pitcher at inilapag sabay kuha ng baso na paglalagyan ng tubig. “Bakit hindi mo na lang utusan si Aya?” ang boses na naggulantang sa akin na naging dahilan ng pagkabitaw ko sa basong hawak ko. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Natigilan ako. Bigla akong kinabahan sa pagsasalita niya kaya dumulas ang baso. “Stand still, Lesley!” ang utos niya sa akin. Yumuko ako upang tingnan ang nagtalsikang mga bubog ng baso. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. I felt sorry sa nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD