Okay!” ang tugon ko. “Sino ang totoong tatay ni Elle?” ang diretsong tanong niya. Biglang dumaloy ang luha mula sa aking mga mata. Masakit pala na itanong sa iyo ng asawa mo at tanging lalaking pinag-alayan mo ng buhay mo kung sino ang ama ng batang inuluwa mo. “Ikaw!” ang sagot ko sa kaniya. “Bakit hindi Montemayor si Elle?” ang malaking katanungan na hindi ko din malaman ang dahilan. “I don’t know, Jeff.” Ang sagot ko sa kaniya sa mangiyak-ngiyak na tono. “Les kung galit ka pa din sa akin huwag mo ako binibiro ng ganiyan.” Ang saad nito. “Si Lia ba ang nagsabi?” ang tanong ko. “Hindi!” ito ang mas ipinagtaka ko. Who would ever tell him then, kung hindi si Lia? “Sino?” ang tanong ko sa kaniya. “Hindi na mahalaga kung sino man ang nagsabi na hindi Montemayor si Elle. Ang tanging

