Chapter 20 Excruciating Pain

1947 Words
Mabilis na ibinaba ni Nixi ang ipinakuha ko sa kaniya sa aking kwarto. “Sir Jeff ito na po.” Ang sabi niya sabay abot ng susi at phone ko. Kaagad kong binuksan ang phone ko upang tingnan kung sino nga ba ang tumawag at hinahanap ko. Ang aga kong nakapag-isip-isip kanina kung kaya’y nawala sa isip ko ang appointment ko na kay aga. “Ang abogado siguro ‘yong tumawag o baka ng secretary nito. Mula sa Law firm ang natanggap kong mensahe.” Pakli ko sa kanila. “Nakapagluto na ako ng agahan.” Ang saad ni Manang Vim. “Ipaghahain kita.” Alok niya sa akin. Umiling ako sa dahilan na kinakailangan kong magmadali na makaalis kaagad nang makarating sa tamang oras sa aking paroroonan. “Manang hindi na siguro.” Mabilis kong tugon dito. “Kayo na lang ni Nixi ang kumain na.” Sabi ko pa. “Oh siya, ikaw ang bahala.” Ang saad niya. “Magpapaalam na ako.” Ang sabi ko. Tinungo ko ang pinto at dumiretso sa garahe. Maaga pa lang nagising si Nixi dahil malinis na ang sasakyan at nang mapalingon ako sa hardin ay halatang nagdilig na ito ng mga halaman. “Mag-ingat ka, nak!” ang habilin ni manang Vim bago pa man ako tuluyang umakyat sa sasakyan. I drive for almost an hour. Medyo mahaba na ang traffic pero alam kong makakaabot ako. Biglang tumunog ang phone ko. May tawag at nang tingnan koi to ay si Sam ‘yon. Sinagot ko na nakabukas ang speaker phone. “Kuya Jeff good morning!” ang bati niya. Masigla lagi makipag-usap si Sam sa akin.Parang ang ate lang din niya. “Sam papunta na ako sa meeting place.” Pagpapaalam ko sa kaniya. “Kuya kaya ako napatawag baka ako mahuli.” Ang sabad nito. Nagkunot ang nook o. Hindi niya ugaling paghintayin ako. “Bakit? May nangyari ba?” ang tanong ko kaagad. “Minor issue lang ‘to, kuya!” ang wika niya. “Na-flat tire ang kotse ni Alex eh. Baka sumunod na lang ako.” Ang sabi pa niya. “Aba’y daanan na kita.” Ang alok ko. “Hindi na. Hindi ko rin pwede iwanan ang kotse ni Alex baka ako ma-ban nun.” Ang sabi niya at tumawa ito. “Oh sige! I’ll go ahead.” Ang paalam ko. “Bye, kuya!” sabi niya sa kabilang linya sabay baba ng tawag nito. I focused myself in driving and after a minute more ay narating ko na ang meeting place namin ng buyer at abogado nito. This is it. No more buts. I will sell my café. CANADA. Ang gulo-gulo ng isip ko. Hindi ko inaasahan ang lahat ng ito. Bakit naman kung kailan napanatag ang loob ko sa kaniya ay doon din siya magkakaganito? Dala lang ba ‘yon ng kaniyang ininom? Napailing ako at hindi ko napansin ang namuong luha sa aking mga mata. I feel like I betrayed the very person who helped me get through everything. Kahit na ano pa ang sabihin ni Ree, I cannot allow him to do this to Lia. Inaasahan ni Lia na nandtio din ako to protect her from hurting. Everytime we talk about her beloved fiancé ay lagi itong masayang malaman na ako ang kasama sa mga libreng oras nito. Of course she’s happy because she know that no other women could ever flirt with him. Kasi nga naman ay bantay sarado ko din. Napahilamos ako ng aking mukha. Kumikirot tuloy ang dibdib ko. Hindi ko gusto ang nangyayari. But I cannot tell anyone about what just happened tonight. Bagsak ang aking balikat sa pag-iisip ng paulit-ulit. Ayoko ng stress. My baby do not deserve this. Nahiga na lang ako sa aking kama. I closed my eyes and listened to the silence of my breath. Ang sakit sa ulo isipin. Bakit ka ganiyan? You left me puzzled, Ree. How am I supposed to look you in the eyes? Nangingibabaw ang guilt sa puso ko. Naiyak na lang ako dahil sa mga nangyayaring lalong nagpapagulo sa isip ko. The night seems so long like the clock never tics. Pero hindi ako nakataulog. His revelation kept me awake. ‘Til it’s morning already. I decided to call at the office and informed my superior that I will be filing my leave of absence starting today. Maybe soonest after I give birth ay maghahanap na lang ako ng bagong work. I will distance myself from now on. Lalayo na muna ako kay Ree. Kahit alam ko na there is no other way. I think it would be better if gano’n ang gawin ko. I should make a try. Kung hindi ko gagawan ng paraan ay ikasisira naming ito ni Lia. Bumaba ako. Kahit na pilit na tinatamad na ang katawan ko dahil sa umiiwas akong magkaharap kami. But no, I have no other place to go now. But stay here ‘til the day na okay na kami ng baby. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan. Nag-ikot ang mga mata ko to look for him. Pero wala akong nakikitang Ree sa couch, wala din sign na nasa itaas siya kanina. I looked at the window to check on his car kung nasa labas pa, but it isn’t in there. Nakahinga na ako to know na wala siya. So ipinagluto ko ang sarili ko. Ang tahimik ng buong bahay kapag wala siya. Kung nandito naman siya ay tahimik pa din but I don’t feel empty kapag nakikita ko siya na nasa paligid lang at abala sa kaniyang ginagawa. Pagkatapos ko kumain ay lumabas ako ng bahay. Kahit na tila iniwan ako ng ganang kumain ay pinilit ko pa din. Susulitin ko ang aking bakasyon. Nabibilang na ang mga araw at manganganak na daw ako ayon sa aking Obstetrician. I’ts a fine morning to go for a walk. I spent a thirty minutes walk na mag-isa. Ang dating dalawa na naglalakad ngayon ay mag-isa na lang. Naisip ko tuloy, what if nagtampo na ‘yon? Lalo lang gumugulo ang isip ko. Umuwi ako ng bahay. Ang sabi ko mamimili ako ng mga kakailanganin ko for a week so I called for a taxi na lang. Mag-isa akong tumungo ng grocery. After ko mag-grocery ay direstong uwi na din. Ang bigat ng mga dala-dala ko. Pero wala akong magagawa. I will endure this dahil ito ang pinakamaiging gawin. Kayanin na mag-isa dahil wala si Ree. Nangangalay ang aking mga paa sa pagod. Hindi ko lang maintindihan kasi lately ay hirap akong bumangon. Ang bigat ng katawan ko. Ngayon heto ang balakang ko kumikirot ng bahagya. Baka masyado kong pinagod ang sarili ko sa mga ginawa ko. Lumipas ang isang araw na wala man lang bakas ni Ree hindi ito tumawag. Kaya hinayaan ko na lang muna ito na hindi na gamabalain. ‘Til evening comes. Pero mag-isa pa din ako sa bahay. I am a bit worried about him but it’s not right to call him. I stayed up late. But no sign of him. Patingin-tingin ako sa bintana kung darating siya. But nobody appeared. Nakatulog ako pero saglit lang. Hanggang sa naramdaman ko na muli ang pangangalay ng aking balakang. Hindi ko alam kung bakit. Nakahiga na ako pero parang ang sakit pa din. So tumayo ako upang maglakad-lakad. Bahagyang nararamdaman ko ang ginhawa pero saglit lamang. Hanggang sa inabot ng ilang oras na ganito pa din ang sitwasyon ko. Hindi pa naman siguro ako manganganak? Ano ba ang gagawin ko? Nakaramdam ako na ‘tila ay nais kong umihi kaagad. Kaya naman ay tumungo ako ng banyo upang maibsan ang aking nararamdaman. When I pulled down down my undies I felt like there is that sticky fluid in it. Ramdam ko dahil nasa pad ito. I felt uncomfortable kanina pa. Kaya naman ay naisipan ko ng magpalit. Nakita ko ngang may sticky fluid na unusual para sa akin. Kinakabahan ako kung ano ‘yon. Nagpalit ako at ipinahinga ang aking sarili sa kama. Biglang nakaramdam ako ng bahagyang kirot sa bandang ibaba ng aking diyan. Mukhang kailangan ko ulit umihi. Pagkabangon ko ay tumayo ako kaagad. Kapapalit ko lang ng aking undies pero I can feel it is wet again. Baka naihi ako ng hindi ko napansin? Pero naiihi pa lang ako. So I went to the bathroom. Naupo ako sa toilet bowl. I was trying to pee pero walang lumalabas. Tumayo ako. Ang weird ng feeling ko. Hanggang sa sa napasandal ako sa sink dahil nang maramdaman ko na may dumadaloy sa legs ko ay napayuko ako kaagad. Kasabay nito ang pananakit pa din ng aking tiyan. Napangiwi ako sa sunod-sunod na pagkirot nito. Pero hindi ko na maigalaw ang aking sarili dahil lalong nadadagdagan ang sakit na umiikot na hanggang sa aking likuran. Paulit-ulit ang sakit. Tila isang kuryenteng sinasakop ang aking Sistema. Halos hugutin ko ang paghinga. Malalim na paghugot ng hininga. Naupo ako sa sahig. Ang bigat ng pakiramdam ko na tila nais kong umihi na ayaw lumabas. Nais ko magbawas na hindi ko alam. Gusto kong tawagan si Ree. Pero hindi ko na maahon ang aking sarili mula sa sahig. Naging mas makirot at sa bawat pagsinghap ko ay ramdam ko ang pangingilo ng buo kong katawan. Napapatingala ako sa sobrang sakit. Nakangiwi at naglulukot ang aking mukha sa pag-inda ng sakit. Napapabilis ang aking paghugot ng malalim na paghinga. Natatakot akong tumayo. Baka bumagsak ang anak ko ng hindi ko mamalayan. Manganganak na ba ako? “Tulong!” ang sigaw ko kahit alam kong walang lalapit upang tulungan ako. Nasa loob ako ng banyo ng kwarto ko. Wala akong kasama. Alam kong walang sasaklolo sa akin. Hanggang sa ang luha ay hindi ko na nakayanang pigilan. Ang sakit ng tiyan ko na ramdam ko hanggang sa mga hita ko. Tila may mabibiyak sa gitna ko. Hanggang sa ang ihi ko ay nasa sahig na. Umihi ako ng hindi ko napigilan? My mind wishes to ease my pain. “Baby please hold on to mom. Pupunta tayo sa hospital, nak.” Ang bulong ko habang inihihip ko ang hangin. Sa bawat pag-ihip ko ay nagdadala nga ito ng saglit na kaginhawaan. Pero hindi sasapat upang tuluyan na mawala ang aking nararamdaman. “Anak maawa ka. Huwag kang lalabas.” Ang iyak kong paki-usap sa aking sinapupunan. I can feel fear. Fear of losing my precious angel. I needed to save her kahit na ano ang mangyari. I reached for the lavatory upang doon na humugot ng lakas na makatayo dahil nakahandusay na ako sa sahig. Napayuko ako at nakita kong may halong dugo na ang inaakala kong ihi na nagkalat na sa sahig ng banyo. Naiyak ako. Pangamba at pagkabahala ang kalaban ko sa loob ko. Nakakatakot bakit may dugo? Hindi ako handa sa nangyayari ngayon. So stayed sitting on the floor. Takot na sa kaunting maling galaw ko ay may mangyari sa anak ko. I closed my eyes and took every deep breath I need to soothe my pain. I am alone and I have nobody to call on. So desperate to save myself and my baby. I am praying within me. I am speaking within for my baby’s safety. I can’t bear losing her. Kakayanin ko ang sakit na ito. Pero hindi ko kakayanin if I lose her. So pinilit ko talagang tumayo. In every step I make I can feel this excruciating pain within slowly taking all my energy. Nanunuot sa bawat kalamnan ko ang sakit na hindi maipaliwanag. But I have to get out of here. I need my phone. ‘Til I heard the door creeks open. The light I see slowly shuts my eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD